9 🌈 Caleb, The Savior

Magsimula sa umpisa
                                    

palakang may buhokngipin ay nakalubog
ang kulay nito'y itim
hindi naman sunog ♪"

"Can you sing another song?" inis niyang tanong.

"Ayaw," at nagpatuloy sa pagkanta.

And on the third time she sang the same song, Caleb lost it. "F*ck this shit," and kicked the door.

He heard something break. Muli niyang sinipa ang pinto hanggang sa ikaanim na beses ay bumukas iyon, ang kawanganing kandado ay nahulog.

Gamit ang cellphone, inilawan niya ang silid at bumungad sa gitna si Maria, nakatali ang mga kamay sa likod at ang paa.

"Hi Mon-Mon," ang natutuwang bati nito, subalit halata ang pamumula ng mata sa pag-iyak.

Agad niya itong pinakawalan. Nang tuluyang makalas ang mga lubid, kusang umikot ang kamay ni Maria sa kanya para sa isang yakap. "Ang bad bad nila Mon-Mon," sumbong nito.

Ayaw ni Caleb ang hinahawakan lalo na't amoy alikabok ito. Yet, he couldn't tell her to let go. Humigpit ang yakap nito, nakayugyog ang balikat.

Caleb just sat there, half kneeling awkwardly, clueless how to comfort a crying girl. Not that she wanted to comfort Maria, he's not even sure if she actually crying.

Matapos ng ilang minuto, doon pa lamang ito bumitiw. "Naiihi ako," at animo'y may kung anong iniipit ang mga paa.

Napasimangot siya. "Malayo ang banyo."

"Lahat pwedeng maging banyo kapag emergency," ang makahulugang sabi.

Walang anumang inagaw nito ang kanyang cellphone at niyakag siya palabas, diretso sa likod ng storage building. Nang makahanap ng bahaging hindi masukal ay doon pa lamang iniabot ang flashlight sa kanya pati ang bag nito.

"Talikod ka."

"Anong gagawin mo?" naguhuluhan niyang tanong.

"Iihi ako."

"Here?!" tukoy niya sa lugar. May mga damo at halamang tumutubo doon.

"Oo. 'Di ko na kaya."

Gimbal siyang tumalikod, tampal ang noo at nandidiri. Buong buhay siyang mumultuhin ng gabing ito. Siya na nga ang tagpagligtas, siya pa ang nagtitiis ng mataas na uri ng kadugyutan.

"Hey, what's happening?" tanong niya nang ilang segundo pang tahimik.

"Ayaw lumabas eh."

"Gawan mo ng paraan!" sabay palo sa kung anong makati sa kanyang braso.

"Kanta ka."

"What?!" muntik na siyang napaharap dito.

"Sabi ko kanta ka para 'di mo marinig pag-ihi ko."

"No."

"Please Mon-Mon."

Muling tinampal ni Caleb ang kung anong dumalo sa kanyang leeg. Bago pa magka-Dengue, humugot siya ng malalim na hininga.

"Fine," at nagsimulang kumanta. It was their school anthem, the safest choice. Hindi sa pagmamayabang, pero magandang ang boses niya. Of course, he is Caleb Montreal, there is almost nothing that he can't do.

Sa totoo lang, naririnig pa rin niya ang lagaslas ng ihi ni Maria. Siya na mismo ang nahiya. Sa kanyang pandinig, para iyong lagaslas ng talon, malakas ang agos at makabutas lupa.

God, he thought, how could this girl be so shameles? And disgusting? As if she didn't cry in front of him earlier.

Natapos pa ng ilang segundo narinig niya ang kaluskos ng damit.

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon