8 🌈 Caleb, The Angry Kaloy

Start from the beginning
                                    

Panandaliang tumigil ang mga nandoon at nagturuan. Sa pagkakataomg iyon, maliit na kamay ang humili sa palad ni Caleb, papalayo sa kumpol. Mabuti na lang at mabilis ang kanyang driver na pigilan ang ilang sumunod.

Natuon ang atensyon niya sa maliit na katawan ni Maria, hila-hila siya at maliksing tumakbo. He doesn't like being led, but he let her for now, escaping the crowd like they were runaways.

"Wait," binawi niya ang kamay nang mapagtantong, aakyat sila ng hagdan. "Like hell I'm gonna use the stairs. There's the elevator!"

"Ayoko. Masikip," at nag-iwas ito ng tingin.

Sa kabila ng pagmamadali, napagtagpi-tagpi niya ang mga detalye. "Claustrophobic ka ba?"

Hindi ito sumagot at muli siyang hinila. Kung sa ibang pagkakataon, dapat siyang magbunyi. The stupid, yet invincible Maria Bahaghari had a weakness- the fear of closes and narrow spaces.

Ngunit hindi iyon ang tamang panahon. So he ran up the stairs, his hand intertwined into hers.

Sa wakas ay narating nila ang silid aralan. Surprisingly, they already had a set up for the crisis. Sinara nila ang pinto. Si Tamara ang tagasalang ng totoong kaklase mula sa mga usyosero na gustong pumasok. Nobody would dare go against voodoo. Kasama niya si Matthew, na nagsisilbing publicist. Siya ang nakikilagkompromiso sa mga matitigas ang ulo.

"Ako nag-isip niyan, your highness," proud na ako ni Matthew, at dinugtungan ng, "pabuya ko ha?"

Hindi niya pinatulan ito at hinabol ang hininga.

"Ayos ka lang, Mon-Mon?" tanong ni Maria maya-maya.

"What the hell happened?!" bulyaw niya.

"Oh my god!" sigaw ng matinis na boses mula sa labas, "Sumigaw si Caleb, sinasaktan nila si Caleb!" at muling lumakas ang komosyon. Ang iilang kaklase na nasa loob ay hindi nagtangkang mag-usyoso, His eyes was burning hot. It was the first time they saw him angry.

Binalingn niya si Lord, ngayon katabi ni Maria. "You, did you take those pictures?"

"Hindi ah," ang sagot, "walang camera ang cellphone ko. Isa pa, may trabaho ako."

"Then who?!"

Naramdaman niya ang mahinang paghila ng kanyang damit. "Ano?!" sigaw niya kay Maria.

Tinitigin siya nito, ngayon ay nagtataka. "Mon-Mon, bakit ka galit?"

"Dahil-" hindi niya natuloy ang sasabihin. Dahil ayaw niyang nakita kasama ito? Dahil nakunan siya ng litratong 'di kanais-nais?

"Naglaro lang naman tayo. Anong mali dun?"

Everything's wrong! he wanted to scream at her again. The fixed marriage, expectations, her, everything is not right. "Just shut up!"

At tumama sa kanyang mukha ang kamao nito. Suminghap ang mga nakakita.

"Ikaw nagyaya!" anito, tumalikod at umupong nanghahaba ang nguso.

Si Lord naman ang unang nakabawi at bumasag sa katahimiakn ng silid. "Ah, oo nga pala, si Shalla. Nandoon din," at inginuso ang kaklase ngayon ay agad nanigas sa kinauupuan.

"I didn't do it!" was the direct denial, too suspiciously fast. "I-I need a drink," anito at tumayo, mabilis na tinungo an pinto. Muling lumakas ang mga sigaw nang bumukas iyon at lumabas si Shalla, na agad rin namang sinara.

Hanggang sa dumating ang guro, pinabalik ang mga mag-aaral sa kani-kanilang klase at umabot ng tanghalian, hindi sila nga-usap si Caleb at Maria.

Nahuhuli niya itong sumusulyap ngunit agad din namang bumabaling sa ibang direksyon na sinusundan ng 'Hmp'.

He was in a a bad mood too. Walang nangahas na lumapit sa kanya. It was the first time everyone witnessed him mad. Sapo niya ang ilong na nasuntok at matalim na nakatitg sa kung sino mang lumapit. Even Matthew didn't dare to tease him. Shalla, didn't return in the classroom for the whole day.

Natapos na ang araw, hindi pa rin sila nag-uusap ni Maria. He knew he had to do something yet he was too angry to apologize. The engagement may be in jeopardy, but he has his pride too. And what a humongous pride he has. She punched him, hard. it hurts like hell and she didn't even apologize.

Sa kalagitnaan ng kanyang private lesson sa bagong tutor, kumatok ang katulong sa library.

"May tawag po kayo sa telepono, Sir. Si Sir Matthew po."

He knew it was urgent. Hindi ito tatawag sa landline ng kanilang bahay ng basta-basta. Nagpaalam siya sa propesor at tinungo ang telepono ng library, konektado sa buong kabahayan.

[Dude, kanina pa kita tinatawagan sa cellphone mo, hindi ka sumasagot.]

"I'm studying."

[You have crazy fangirls. I'm at Kate's party.]

"Who's that?"

[Flavor of the week. Anyway, narinig ko ang mga bagong dating, schoolmates din natin. They were talking about your girl-"]

"She's not my girl," putol niya, wala sa loob na kinapa ang sumasakit pa ring ilong.

[Defensive? 'Di ko pa nga sinasabi amg pangalan.]

"I know who're you are talking about."

[Anyway, sunod na kita iinisin. I heard they ganged up on her.]

Napahigpit ang hawak niya sa telepono.

[Kinulong nila sa storage building or something.]

Hindi nakaimik si Caleb.

]Hello?]

[Hoy!]

[Gago ano na?]

[Tatawag na ba ako ng pulis?]

"No," sa wakas ay sabi niya. "Ako na bahala," at binagsak ang telepono.

Agad na umalis si Caleb matapos ng maikling 'Sorry, I have to go,' sa propesor. Tumakbo siya pababa ng grand staircase, tinawagan ang katulong.

"Open the gate. I'll be back soon," ang kanyang bilin. Tinungo niya ang garahe. He grabbed a key on the rack and drove away.

"Sh*t," mura niya, tumatakbo sa isip ang itsura ni Maria, nakakulong sa madilim at masikip na bahagi ng paaralan. Dagdagan pa ang kanyang dudang Claustrophobic ito.

"Maria," usual niya, gitgit ang ngipin, "sakit ka sa ulo."

🌈🌈🌈

Ano sa tingin niyo ang susunod na mangyayari? Kung sakali ililigtas ni Mon-Mon si Maria, may development na kaya sa relationship nila? Or lalala?

Ellena Odde

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Where stories live. Discover now