1 🌈 Caleb, The Supreme Being

Magsimula sa umpisa
                                    

"Medyo," umupo ito sa bakanteng desk at humagalpak ng tawa. "Ipapaala ko rin po kamahalan, classroom ko rin 'to, ulol," at pinagmasdan siyang mabuti. "Man, you look really pissed."

"Shut up." F*cker, doesn't even know how to fake sincerity.

"Nagpatalo ka sa isang transferree na isip fetus. "

Bilang pinsan sa ina, ito lang may lakas ng loob na buskahin siya. Ito lang din ang higit na nakakakilala sa totoo niyang ugali. They don't have anything in common. Maingay ito at dinadaan lahat sa biro habang siya ay hindi man lang marunong ngumiti ng totoo.

"I was shocked you know, everyone too. Look," sabay senyas sa pinto, kung saan may iilang sumisilip na kababaihan. "Nag-aalala ang mga fangirls mo."

"I said shut up," diskretong saway niya, gitgit ang mga ngipin. "Mag-iisip ako ng paraan paano mabawi ang top spot."

"Magpalamig ka ng ulo. Sumama ka sa'kin sa party ni Sophia sa Sabado."

Tumanggi siya at itinaboy ito palayo.

Umiiling-iling si Matthew. "Man, why do you have to try so hard? Look at me, no expectations and I'm living life."

Because you are not Montreal, Caleb thought. Subalit nanatiling tikom ang kanyang bibig.

"Whatever," sa wakas ay sabi nito, matapos marinig ang bell, hudyat ng pagsisimula ng klase. "Kung may kailangan ka, tawagan mo ako. I'll help, even if it's murder or something," at umupo sa sariling upuan, unahan niya.

Nagsibalikan na rin ang iba sa pwesto, kabilang si Maria.

Tagaktak ito ng pawis Mamula-mula pa ang pisngi mula sa pagtakbo at sinag ang araw. Higit na magulo ang maikli at kulot nitong buhok, na sinuklay ng daliri.

"Nakakapagod," anito, sa pagitan ng paghangos. Huli na ng mapagtantong kinakausap siya nito.

Nadagdagan ang kanyang inis, they were seatmates after all. Minsan ay namamangha siya sa sarili kung paano natitiis itong huwag ihulog sa bintana

Noong unang araw ni Maria bilang transferee, inakala ni Caleb na maimpluwensiya ang pamilya nito. Hindi basta-basta nakakapag-aral sa Academy, lalo pa't isang buwan ng nagsimula ang schoolyear. He thought she'd be useful.

Ginamit niyang opurtunidad iyon nang pinaupo ito katabi niya. He used his innate social skills and offered his extra pen, mechanical pencil, eraser and other things that she asked.

It was the biggest mistake in his life.

Napagtanto niyang hindi talaga ito nagdadala ng kahit anong gamit, maliban sa libro at notebook na nakasaksak sa ilalim ng desk.

Simula noon, tinuring siya nitong tindahan school supplies, nanghihiram ng lapis ngunit 'di sinasauli. He was scammed.

He endured it- all of her misplaced enthusiasm, endless energy and ridiculous grins. He was sure her family was powerful.

Iyon lang ang tanging dahilan kung bakit hinahayaan ito ng guro na matulog sa kalagitnaan ng klase o magdala ng iba't-ibang dahon sa silid-aralan, habang bumubulong ng 'Olololo! Olololo!' kapag Lunes, Myerkules, Biyernes at 'Hosha! Hosha!' tuwing Martes at Huwebes.

Dumaan ang dalawang linggo, napagtanto ni Caleb na wala na siyang pakialam. Useful or not, hindi na niya kayang ipagpatuloy ang pekeng hospitalidad. Paubos na din ang kanyang mga lapis.

Another week passed and she snatched the top rank right under his nose.

This freak, it's all her fault, isip niya. Kaya siya bumaba sa ranking dahil sa wirdo nitong kinikilos.

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon