• • • • • • • • • •

Pagka-uwian ay nadatnan ko si Asher sa labas ng classroom ko. Naka sandal siya sa railing at nagti-text habang kinakagat kagat 'yung ibabang labi niya.

Tumigil ako sa harapan niya at tinusok 'yung tyan niya. Agad siyang napa atras dahil sa kiliti kaya naman tumama 'yung likod niya sa bakal na sinasandalan niya.

"Aray ko," mahinang daing niya bago ako tignan. Nagtama ang tingin namin at hindi ko napigilan ang pag ngisi.

Sinapok niya ako.

"Aray naman!"

"Tukmol ka, 'yung likod ko tumama sa bakal."

Inirapan ko siya, "Arte." Tapos tumalikod na ako at naglakad papunta sa tapat ng classroom nina Troy. "Asaan si James at Enrico?" tanong ko bago umupo sa sahig.

Tumabi siya sa sakin at halos napahawak na ako sa dibdib ko dahil sa pagsikip nito. Sobrang lakas kasi ng tibok ng puso ko medyo kumirot na. Kapag kinikilig ka nga naman.

"Naiwan ni Enrico susi niya sa computer room," sagot niya. "kaya nagpunta silang faculty para tawagin si Sir."

"Susi ng ano? Bahay? Ba't niya naman naiwan 'yun?"

Ngumisi si Asher, "Isa't kalahating tanga 'yun e."

Nakita kong paparating si Ethel, kasama niya sina Angelo, Tris at Kei. May inilabas si Ethel na crackling sa bag niya tapos binuksan 'to.

"Pahingi ako!" malakas na sabi ko kaya naman napatingin siya sakin.

Lumapit siya at in-offer sakin 'yung chichirya kaya naman mabilis akong kumuha ng marami. "Sugapa talaga oh." Kumento ni Ethel habang ngumunguya. Nginisian ko lamang siya at nagsimula nang kainin 'yung nasa kamay ko.

Nag-offer din si Ethel kay Asher pero tinanggihan siya nito. Tapos naramdaman ko si Asher na gumalaw hanggang sa nakasandal na 'yung likod niya sa gilid ko at 'yung ulo niya ay nasa balikat ko. Napalingon ako sakanya pero hindi ko makita 'yung mukha niya dahil nga nakatalikod siya.

"Oy Asher, may malisya ba 'yan?" natatawang ani Tris kaya naman napa awang ang bibig ko sa gulat.

"Triー"

"Meron," sagot ni Asher.

Iginalaw ko 'yung balikat ko at itinulak si Asher palayo sakin. "Anong may malisya ka jan?!" Pakunwaring galit ko kahit sa loob loob ay sasabog na ako sa kilig.

"Oh bakit? Wala ba?" maang-maangan niyang sagot.

Sinapak ko siya sa braso, "Wala ah!"

"Meron e."

Pinigilan kong hindi ngumisi pero in the end napatawa ako. Itinulak ko 'yung mukha niya palayo, "Wala nga!"

Kinuha niya 'yung kamay ko kaya naman hinila ko 'to para mabitawan niya bago humigpit lang ang kapit niya dito. Inilagay niya 'to sa mukha niya hanggang sa parang hinahaplos ko na 'yung pisngi niya. Tumingin siya sakin sa ilalim ng mahahaba niyang pilik mata, "Para sakin meron."

At ayan ang kwento ng pagkamatay ko.

Charot.

Napanguso ako at rinig na rinig ko ang iritan ng mga kaibigan ko. Nalimutan ko na yatang huminga. Teka, teka lang.

Itinulak ko nanaman 'yung mukha niya at mabilis na binawi 'yung kamay ko. Ngunit kahit ganun, ramdam na ramdam ko parin 'yung init ng balat niya sa palad ko.

"Wag mo nga akong hawakan," ani ko sakanya bago tumingin sa pinto nina Troy. Sakto at bumukas ito kaya naman tumayo na ako at pinagpagan 'yung palda ko. "Andyan na si Troy, tumayo ka na dyan."

Kinapitan pa ni Asher 'yung palda ko para makatayo siya. Muntik pa akong ma-out of balance kaya naman napahawak ako sa braso ni Kei na nakatayo sa harapan ko.

Nilingon ko si Asher at sinapak nanaman siya sa braso, "Ano ba!" nangigigil na sabi ko.

Sumimangot si Asher at hinaplos haplos 'yung braso niyang kanina ko pa sinusuntok. "Eto kamo..." mabilis niyang inilagay 'yung hintuturo niya sa ilalim ng ilong ko tapos itinaas ito.

Napa atras ako at hinawi 'yung kamay niya palayo sa mukha ko bago siya tinadyakan. Tinampal niya ako sa noo kaya naman tinadyakan ko ulit siya.

"Oh oh, ayan nanaman kayo," Ani Kei.

"Eto kala mo kabayo e," ani Asher habang pinapagpagan 'yung pantalon niyang nadumihan.

Umabante ako para saktan nanaman siya pero mabilis siyang nakatakbo palayo habang tumatawa tawa.

"Oh tignan mo, kabayo talaga oh ang bilis tumakbo!"

"Kingina ka Martinez!"

"Adi 'yung mga bag niyo!" rinig kong sigaw ni Ethel noong medyo nakalayo na kami. "Ay okay na pala! Na kay Troy ha!"

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na hinabol si Asher hanggang sa dulo ng hallway. Tumigil siya at sinubukan akong lagpasan pero nahablot ko 'yung dulo ng polo shirt niya.

"AAAAH BITAW!" natatawang sigaw niya.

"Halika dito!" nang gigigil na sabi ko bago hablutin 'yung buhok niya.

"Ano? Halikan na tayo? Hahahaーaray! Hahaha!"

"Sinong kabayo?! Ha?!"

"Tinatanong pa ba yan? Hahaha!"

"Bwisit ka talagaaaaa!!!"

Nagawang alisin ni Asher 'yung kamay ko sakanya at nang aasar na binelatan ako bago tumakbo pabalik doon sa direksyon kung saan kami nang galing kanina.

"Ganyan ka ba talaga sa crush mo?!" nang aasar na sigaw niya.

"Hindi kita crush!" sigaw ko naman pabalik nung maka abot ako sa pwesto nina Tris na may hawak na payong. Kinuha ko 'to sakanya at hinabol ulit si Asher.

"HOY! Masakit 'yan ah!"

"Ihahampas ko talaga sa'yo 'to!"

Tumigil sa pagtakbo si Asher kaya naman naabutan ko siya. Ini amba ko kaagad 'yung payong pero naka iwas siya tapos hinablot niya 'to gamit ang isang kamay ta's 'yung isa naman ay ipinulupot niya sa baywang ko.

Agad akong napa sigaw nung medyo iniangat niya ako kaya naman naipit 'yung tyan ko.

"Aray ko, Asher!"

Mabilis niya akong binaba at naramdaman ko 'yung medyo pag sandal niya sa likod ko. Lumingon ako at napansing parehas pala kaming hinihingal.

Napalunok ako dahil nanuyo ang lalaluman ko sabay malamyang sinipa siya. "Hindi... mo ako kayang buhatin, tanga."

"Oo.." hinga. "nga e."

Lumapit ako sa pader at sumandal dito bago umupo. Mabilis na sumunod si Asher at umupo din sa tabi ko.

"Woo, kapagod."

"Ang bigat mo," aniya.

Nilingon ko siya, "Mahina ka kamo."

Hinihingal niya ako tinitigan bago siya pumikit. Itinaas ko 'yung kamay ko at pinunasan 'yung pawis niya sa sentido.

"Kabayo ka parin."

At dahil doon, nagamit ko din 'yung payong.


STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now