III

20 0 0
                                    


Grace's POV

Pagmulat ko ng aking mga mata, bumungad sakin ang ceiling na puti at napakatahimik ng paligid. Panaginip lang pala ang lahat. Nilinga linga ko ang aking mga mata at natagpuan ko ang lalaki na nakahawak sa aking mga kamay. Nakita ko din ang isang sanggol na karga karga ng isang kamay ng lalaki. Ang asawa at anak ko.

Nagbadya ang luha sa aking mga mata dahil akala ko ay hindi ko na sila makakapiling pang muli. Naramdaman kong nagising si Zeke. Nataranta at naiiyak syang tumingin sa akin dahil hindi nya akalain na gising na ako. At ibinaba nya si Samantha sa isang higaan dito.

"Grace!" Isang naiiyak na sigaw nya sakin at yumakap sa akin. Mabilis syang lumabas at tumawag ng mga Doctor upang sabihin na gising na ako.

Pagpasok ng mga Doctor at Nurse ay sinuri nila kung okay na ba talaga ako. Pagkatapos nito ay tinawagan ni Zeke ang parents ko upang ipaalam na gising na ako. Narinig ko pa sa kabilang linya na umiiyak ang aking Mama. Pinag pahinga na ulit ako ng mga Doctor upang bumalik daw ang lakas ko.

"Mahal na mahal ko kayo ni Samantha, Grace." Nanghihinang sabi sa akin ni Zeke. Hindi pa ako makapag salita dahil sa hinang hina pa ako. Mukhang ang tagal kong tulog at ang dami ko nang nakaligtaan. Ipinakita sa akin ni Zeke ang anak namin, at nagsimulang magbadya ang aking luha dahil wala man lang ako upang maalagaan sya.

"Samantha..." Nanghihinang sabi ko.

Masaya ako dahil iniligtas ako ng Panginoon. Akala ko ay ganon na lamang ang buhay ko. Nalaman ko kay Zeke na magdadalawang buwan ng akong tulog. Pagkatapos ko daw manganak kay Samantha ay bigla na lamang naiba ang kondisyon ko at ito ay naging coma. Hindi ko akalain na ganon ang mangyayari sa akin. Ilang araw lamang ay nakalabas na din ako ng hospital.

I Love You, GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon