SPECIAL CHAPTER 2

Magsimula sa umpisa
                                    

"We're almost there." Napaayos ako nang pagkakaupo at tumingin sa harapan. Namataan ko ang ospital kung saan nanganganak na ngayon si Amari at inihanda ang sarili sa pagbaba. At noong itinigil na ni Xavi ang sasakyan, hindi na ako nagpaalam sa kanila at mabilis na tumakbo papasok sa ospital. Agad kong tinungo ang palapag kung nasaan ang delivery room at noong mamataan ko sila Adliana at Andrea, mabilis kong tinakbo ang distansiya namin at nilapitan ang mga ito.

"Where is she?" tanong ko na siyang ikinabaling ng dalawa. "Nasa loob pa rin?"

"Yes," mahinang sagot ni Adliana at namataan ko ang paghugot ng isang malalim na hininga. "She was bleeding-"

"She was bleeding because she's about to give birth. Calm down, Adliana," sambit naman ni Andrea at hinarap na ako. "I think you should go inside the delivery room, Von. Kakailanganin ka ni Amari sa loob."

"She's not having a natural birth, Andrea. Mas makakabuti siguro na maghintay na lang tayo dito hanggang sa matapos na sila sa loob," muling wika ni Adliana at napaupo na lamang sa upuang nasa tabi nito.

Mayamaya lang ay dumating na rin sila Xavi at Sasa kasama ang anak nila at si Ayah. Agad nilang tinanong ang kondisyon ni Amari at kagaya ng mga sinabi nila sa akin, iyon din ang isinagot nila sa mag-asawa. Minuto lang lumipas ay ang mga magulang naman namin ni Amari ang dumating sa ospital.

Naupo ako sa pinakasulok na bench at napayuko na lamang. Humugot ako ng isang malalim na hininga at natigilan na lamang noong maramdaman ang paghawak ni mommy sa kamay ko.

"Everything will be fine, anak. Don't worry too much. Pinaghandaan natin ang araw na ito kaya naman ay natitiyak kong walang magiging problema sa mag-ina mo."

"Sana nga, mom. Sana nga."

"Come on. Don't say that Von," anito at mas humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. "Amari and our little angel will be out of the delivery room soon. Both healthy and alive, okay?"

Tumango na lamang ako sa ina at noong bumukas ang pinto ng delivery room, halos sabay-sabay kaming bumaling dito. Mabilis akong tumayo at nilapitan ang doktor ng asawa.

"Are they okay?" Iyon agad ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko inalis ang paningin sa doktor at noong tumango ito, tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at napamura na lamang. "Thank you," bulalas ko dito ngunit noong magsalita na ang doktor, mabilis akong naging alerto.

"The baby is fine, Mr. Henderson. It's a healthy baby boy. Inaasikaso na ito ng mga nurse at mayamaya lang ay makikita mo na ito." Tahimik akong napatango dito at hinintay ang susunod na sasabihin nito. "And about your wife-"

"Is she okay?" kinakabahang tanong ko dito.

"Von, let the doctor-"

"Please tell me that my wife is okay. Please, I'm begging you."

"Daddy, calm-"

"Please." Pakiusap kong muli dito.

"Noong makarating na kami dito sa delivery room, it was too late for us to do the c-section."

"What? Doc, hindi puwedeng mangyari iyon!" ani Adliana na siyang mabilis na pinigilan ng daddy niya.

"I'm so sorry but Amari choose to do the natural way of giving birth, Mr. Henderson. Simula pa lang, ito na ang nais niyang gawin."

"Oh my God!" rinig kong bulalas ng mga kasama ko samantalang nakatingin lang ako sa doktor ng asawa ko.

"She managed to give birth but... her body collapsed after hearing your son's cry."

IAH2: Remembering The First BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon