Chapter 2: Superior

Magsimula sa umpisa
                                    

Humugot ako nang bwelo at malakas ni sinipa ang bayag niya. Lahat ay napasigaw dahil sa paniguradong sakit na dulot nang pagsipa ko. Hindi na maipinta ang mukha ng Troy na 'to dahil namimilipit sa sakit. Pulang-pula na ngayon ang mukha niya at halos lumuwa ang mga ugat sa kanyang noo at leeg.

"Bitch!" he screamed. He's now on bended knees, holding his manhood to ease the pain. So, I bent and faced him with a devilish smirk, then grabbed his hair to look up.

"Never underestimate me or any girl in this room. You'll not only lose your ego, but you'll lose your future babies too," I said in a monotone voice and left him there, looking stupid and screwed.

Naglakad ako pabalik sa upuan ko. At ang mga kaibigan ng Troy na 'yon ay kusang nagsilayuan para magbigay ng daan. Narinig ko naman sa likod ko ang pagbulong ni Troy na minumura ako at saka ko naramdaman na nakatayo na siya at ready nang umatake sa 'kin. I readied myself for his attack. But before it happened, Sir Carl came and grabbed him to stop.

"The show is done. Accept your defeat, moron," I heard him say. Liningon ko siya nang tuluyan at may hawak siyang cutter na nakatapat sa mukha ni Troy. Masama naman akong tiningnan ni Troy na nagngingitngit sa galit.

Sir Carl dropped the cutter and released Troy from his grip. "Everyone, go back to your proper seats." At mabilis namang nagsibalikan ang lahat sa kanilang kanya-kanyang upuan. Naglakad siya patungo sa harapan at naglabas na naman nang nakakaasar na ngiti.

Kulang pa ang ginawa ko kay Troy. He must be thankful that I was able to control the beast inside me, or else he's now lying unconsciously. Hindi pa rin nawawala ang galit ko lalo na ngayon na nakita ko ang pesteng bubble gum sa buhok ko. Mabuti na lang sa bandang dulo niya dinikit so pwedeng remedyuhan kapag ginupit. Kung sa tuktok talaga 'to ng ulo ko baka mapatay ko na siya. Kakalbuhin ko pa siya.

"For your information, I am watching you all along. So, I totally witnessed what happened," he said in disappointment. Umiling-iling pa siya sa amin habang nakakrus ang kanyang mga braso. "Have you forgotten what I said yesterday? If you don't want to feel the same way you do to others, then crap your bullshits. You may feel like a king and queen, but once you encounter stronger and worse than you, you'll lose your ego." He turned his gaze to Troy after saying that and added, "And it sucks."

Tahimik kaming lahat na nakatingin at nakikinig sa kanya. He has a point there. Ang tanga lang talaga ng mga logic ng mga bully na 'to kapag ginantihan at nilabanan sila. Nagngingitngit sa galit kapag natapatan ang karahasan nila at napahiya sila, where in fact gano'n din naman ang nararamdaman ng binu-bully nila. That's why I have never been afraid of bullies. They are just a piece of bullshits. They are weakling and pathetic creatures who make fun with other people they think are weaker than them—perfect assholes.

Sir Carl lectured us because of what happened. Hindi ko nga alam kung Philosophy pa ba 'tong subject namin o Psychology na. Nevertheless, his words are impactful. Bagay na bagay siya maging public speaker.

After that, he started our lecture on Physical Science. He doesn't care kung hindi kami makikinig at piliing mag-cellphone. As long as hindi raw namin magugulo ang pagtuturo niya ay wala siyang pakialam. Hindi naman daw siya ang mawawalan kundi kami. He's doing his job as a teacher, and it's on us if we also do our part as a student. And so far, marami naman ang nakikinig sa kanya. Pero ako? I am doing my best to focus and understand his lecture pero kahinaan ko talaga ang Science so wala talaga akong maintindihan. Magbabasa na lang ako ng mga Science books ni Kuya sa bahay for additional references. Mas natututo kasi ako sa pagbabasa kaysa pakikinig.

Umabot ng isa't kalahating oras ang pagtuturo niya at nagbigay siya ng homework activity para sa amin. The homework can be done with pairs, but if you wish to do it alone is okay. As usual, I will do it alone. Kahit na gusto kong makipagtulungan sa iba dahil nga mahina ako sa Science, nananaig pa rin ang pride ko kaya gagawin ko na lang mag-isa. I am confident naman that I can finish and do the homework correctly. Lalo na't marami akong pagkukunan ng source dahil sandamakmak ng Science and History books ang kwarto ni Kuya.

But I suddenly felt alone at that thought. I remember that my brother used to teach me Science. And sometimes, he do my projects kaya nagiging mataas ang grades ko sa subject na 'to. And now, I will do this by myself because he's nowhere to be found.

Napaisip tuloy ako, this is Kuya's university and section after he was found missing. I wonder kung ganito rin kaya kagulo ang section niya? O nataon lang talaga na sa ganitong klase ako napunta dahil isang basag-ulo rin ako?

Natigil ang pag-iisip ko sa biglang hiyawan ng mga kaklase ko. Kunot-noo ko silang pinagmasdan at naguguluhan.

"Okay, settle down. Sunday evening ang alis natin dahil Monday morning magsisimula ang Team Building. Ako na ang bahala mag-excuse sa inyo sa mga ibang subject teacher niyo. Sigurado namang papayag din sila dahil nga halos ayaw na nila kayong pasukan." Then he laughed.

About sa Team Building na naman pala. Ano ba meron doon at excited sila? Wala pa ngang sinasabi si Sir kung ano ang magiging activity tapos ganyan na sila ka-excited.

"May President ba rito?" tanong ni Sir. Umiling naman kami dahil walang officers sa section namin. "I see. Sino na lang pwede maging President temporarily for the sake of the Team Building? Magpapalista lang naman kung sino-sino ang mga sasama."

Bigla naman akong nagulat nang sabay-sabay silang napatingin sa gawi ko. I raised my left brows and looked at them with no emotions.

"Si new student na lang, Sir! Mukhang may authority naman siya," suggest ng babaeng nasa harapan. She's cute and mukhang mayaman.

"Okay, then. New stu... Teka, ano ba ang pangalan mo?" tanong niya sa 'kin. Napairap naman ako. Ayaw ko nga sanang ipaalam sa kanila ang pangalan ko. Leche naman kasi bakit pa ako napag-trip-an maging President ng Team Bulding na 'to. Ako nga mismo walang balak sumama.

"Before that, are you sure about me? I'm not even interested to join," I exclaimed.

"Edi mas maganda. Kung lahat ay sasama, ikaw lang ang walang contribution. Edi ikaw na mag-handle ng mga names and other info ng mga kaklase mo," sagot niya.

I sighed in my defeat. "Eli," I said.

"Eli ano? Ano surname mo?" tanong pa niya uli na kinairita ko. Bakit kailangan pa ng apelyido? Masasampal ko talaga 'yong babaeng nag-suggest sa 'kin, eh. Badtrip.

"Elissa Jayne Weller. Satisfied?" I answered back. And I saw him smirk a little.

"Nice and sweet name. Contrast nga lang sa personality mo." He laughed sarcastically. "Anyway, lahat ng gustong sumama ay lumapit na lang kay Eli para magpalista. Write your name, address, birthdate, contact number, and signature. Kukunin ko ang list sa Saturday bago umuwi. Is that clear?" he explained. Lahat naman ay um-agree. Samantala ako rito ay naiinis sa palistang gagawin ko.

I really don't know where did they get that hype to join the stupid Team Building. He didn't tell us what are we gonna do there. Even the place ay wala kaming alam kung saan. Dagdag mo pa na hindi ito alam ng school, so kung may mangyari man sa amin ay walang mananagot sa 'min. Hindi ba nila naisip 'yon? O talagang mahilig sila sa mga risky?

I scoffed. No wonder why they are on the lowest section. They don't think critically. Kaya bahala sila riyan. Baka pagbalik nila, ako na lang ang natitira sa section na 'to. May kakaibang pakiramdam pa naman ako kay Sir Carl. Ewan ko lang ano 'yon. Hindi ako sigurado. But I have a bad feeling about him.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GAMES OF SURVIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon