✴The End✴

38 20 0
                                    


The Idol's Fanboy: Ending.
Ryniovella Amario Rocalez' POV






Pagkatapos kong ma-receive ang inaasahan kong text message ay kaagad akong nagpaalam kay Mama na may pupuntahan ako't pumayag naman siya.

"Mag-iingat ka, anak. Balik ka kaagad, ha?"

"Opo, Ma."

Pagkatapos kong magbihis ay niyakap ko muna si Mama bago umalis. "Babalik din po ako, promise."

Isang tango lang ang tinugon niya sa 'kin. Napabuntong-hininga ako't patakbong lumabas ng bahay namin. Nagpara ako ng taxi saka sinabi ang isang address.

Wala pang isang oras ay napadpad rin ako ro'n. Nagbayad na ako sa taxi driver bago lumabas sa sinakyan ko.

Nanunuyot ang kalamnan ko't ramdam ko na ang panginginig ng buong katawan ko nang tuluyan ko ng pasukin ang ospital.

Sana walang nangyaring masama, please... gusto ko pa siyang makita nang personal, maayos at buhay.

Pinipigilan kong maiyak sa dami ng negatibong komento mula sa isip ko. Ayokong magpatalo sa emosyon ko. Hindi ako iiyak hangga't hindi ko pa siya nakikita.

Dumeretso ako sa emergency room ng hospital. Nag-text ako sa mama niya na nandito na ako't kasalukuyang hinahanap ang puwesto kung saan sila narooon.

Luminga-linga ako sa paligid, nagbabaka-sakali na may maaninag akong pamilyar na tao. Napahinto lang ako sa paghahanap ko nang makitang may kumaway sa gawi ko, napatingin ako ro'n. Yumuko ako't kaagad nilapitan ito.

"Ate Idol?" bungad sa 'kin ng isang babae na sa tingin ko'y nasa mid-30s na ang edad.

Tumango ako saka ko pinakilala ang sarili ko sa kaniya, "Ryniovella po, Ryn na lang."

"Diyos ko! Maraming salamat at nakilala rin kita," komento pa nito sa 'kin. Tipid akong ngumiti sa kaniya't walang anu-ano'y napaigtad ako nang bigla niya akong yakapin.

"Hindi mo alam kung gaano mo napasaya ang anak ko sa tuwing nakakausap ka niya," ani pa niya sa akin.

Ilang minuto pa'y kumalas na rin ito mula sa pagkakayakap niya sa 'kin. Doon ko lang mas nakita ang mukha ng mama niya.

May kaputian ito, may suot na salamin sa mata at purong itim ang mahaba't bagsak niyang buhok na hanggang balikat ang haba. Nangangayayat ang katawan nito at para bang hindi nakakakain nang maayos.

Saglit ko siyang tinitigan sa mata niya, bakas ang sobrang antok at pagod nito. Napapaisip tuloy ako kung bakit.

Parati ba siyang nasa ospital?

Natigilan ako sa naisip ko. Hindi kaya...

Nawala ako sa isip ko nang makitang umiiyak na ang ginang sa harapan ko't ginagamit ang mga palad niya pangpunas sa sunud-sunod na pagluha nito.

Tumahimik ako't saka binuksan ang zipper ng dala kong shoulder bag. Naglabas ako ng panyo at ibinigay iyon sa mama niya.

"Thank you, 'nak."

Hindi ko pinahalata sa ginang ang pagkagulat ko nang tawagin niya akong anak. Nakakapanibago man pero 'di ko ikakailang masarap ito sa pakiramdam.

"N-nasaan po siya, T-tita?" nauutal kong sambit nang makita medyo kumalma na ito sa harap ko.

Dahan-dahang tumingin si Tita papunta sa katapat naming higaan. Napalunok ako't kaagad lumingon sa puwesto kung saan ito nakatingin.

Awtomatik na nanghina ang buong sistema ko nang makita ko siyang walang malay. May galos at pasa sa iba't ibang parte ng katawan niya. Bagsak ang mga balikat kong nilapitan siya.

Book 2: The Idol's FanboyWhere stories live. Discover now