Prologue

5 0 0
                                    



"This is it pancit!" sigaw ko.

Naka upo ako dito sa Dandelion field malapit sa Subdivision namin. After 6 months, aamin na ako! Yes aamin na ako kay Jarred, na mahal ko siya, na hulog na hulog na ako sakaniya, at hindi na makaka ahon pa.

Hindi ko akalaing mag mamahal ako ng ganito sa isang lalaki. Matagal ko na ding kinimkim ito, ang hirap nang mag tago, lalo na't magkapit bahay lang kami.

"Hoy! Ngiting aso tayo diyan Heather ah!" maslalong lumaki ang aking ngiti sa sinabi ni Faith. Nasa loob kami nang classroom at hinihintay ang aming prof. excited na akong mag break dahil aamin na ako sa oras na 'yon. Dapat ma iinis ako sa sinabi niya pero dahil masaya ako at ayo'kong masira 'iyon hinayaan ko nalang.

"Hala! May sakit ka ba? Bakit hindi mo na ako nilalabanan?" Inirapan ko siya.

"Pwede ba Faith? Ang ganda ng araw ko please lang wag mong sirain." ngumisi siya sa sinabi ko.

"Ano naman ang dahilan at naging maganda ang umaga mo?" tanong niya saakin, sasagot na sana ako pero pumasok ang prof namin at nag umpisa na siyang mag klase.

Walang pumapasok sa kahit ano mang tinuturo nang prof namin dahil na'kay Jarred ang isip ko. Paano ba ako aamin? Dapat ba sabihin ko muna kung bakit ako nahulog sakaniya? Uhm ganto ba.

Jarred, gusto kita, dati pa lang hindi mo ba nahahalata? Gusto kong iparamdam sayo kaso napapangunahan ako nang kaba, akala ko gusto lang kita, hindi ko naman inaasahan na mahuhulog at mamahalin kita, pero hindi ako hihingi nang pasensiya kase talagang ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko na hinding hindi ko inaasahan.

Ganon ba? Ang common naman non, para akong kumakanta. siguro uumpisahan ko nalang sa-

"Miss Gazon are you with us?" napa angat ang tingin ko sa aming prof. Nang tinawag niya ang apelyido ko. Shit

"Yes sir?" umiling siya sa akin sinagot, hala! Wala kase ako sa tamang pag iisip, pano 'yan huhu. "After your class i want you at my office, End." wika niya at umalis na.

Biglang nawala 'yong excitement ko, napalitan nang kaba. Ano naman sasabihin ni Sir? Papagalitan niya ba ako? Call parent ba ako? Wag naman sana, magagalit si Mama. Naiiyak ako sa naiisip ko pero napa sigaw ako sa sakit nang may kumurot sa tagiliran ko.

"Aray!" sinamaan ako nang tingin ni Faith. "Bakit ba kase lutang ka ha? Ang sabi ko Break na! Kaya halika na dahil na gugutom na ako!" Sigaw pabalik ni Faith.

Napa tayo ako agad nang marinig ang break Omg! This is it! Kaya mo to Heather! Nang dahil sa excitement naiihi ako. Kaya wala nang magawa si Faith at sinamahan nalang ako sa Cr.

"Bakit ba kase ang saya saya mo?" tanong niya saakin, nag aayos ako nang kunti sa salamin nang cr. "At ngayon lang kita makita nang walang Spectacles, nag lalagay ka narin nang kolorete na hindi mo naman ginagawa noon, tapatin mo nga ako Heather." tumungin ako sakaniya sa salamin at ngumiti.

Totoong ngayon lang ako nag lagay nang make up sa mukha ko, at hindi ko ma hubad ang salamin ko, ngayon ko na kase naisipang ipakita ang ganda ko kay Jarred, ngayong aamin na ako, dapat makita rin niya na maganda ako. That I'm not just a typical of Nerd na hindi alam ang mag ayos. That i can make my self beautiful for him.

"Mag tatapat na ako kay Jarred." hindi ko na talaga napigilan pa ang pagngiti ko. "Sabi ko na ngaba eh! May halong admiration ang mga tingin mo sakaniya kaya nakakaramdam na ako." Naka ngiti lang ako sabay tango.

"Na disappoint lang ako sayo." wika niya kaya tinaasan ko siya nang kilay.

"I'm your best friend, pero hindi mo manlang nasabi na gusto mo siya." nakangusong wika niya sa akin. "Hindi ko pa kase alam, kung gusto ko nga talaga siya kaya hindi ko masabi sayo, sorry." tumango lang siya at ngumiti.

"Okay lang, i understand your decision." yumakap ako sakniya. "Thank you." wika ko. "stop with the drama, kailangan mong mag paganda." naka ngiti kong pinag patuloy ang pag aayos sa sarili. Dumaan ang ilang minuto at ako'y handa na. Yes! I am ready!

"Basta lagi mong tatandaan andito lang ako." wika ni Faith. Tumango lang ako.

Nag lalakad kami papuntang canteen nang may kaguluhang nagaganap. Nag tatakbuhan at nag sisigawan ang mga tao dito. Marami rin ang nag bubulungan.

May dalawang tao sa gitna nang canteen na pinapalibutan nang napakaraming tao, at dahil sa curiosity, naisipan kong mag tanong sa isa kong ka klase.

"Reya! Anong nang yayari-" naputol ang tanong ko kay Reya nang may marinig akong sumigaw.

"Yes! Kami na! Thank you! I love you Viell! I really do!" agad akong naghina nang makita ang nangyayari sa loob ng canteen.

Nagkalat ang nakahawak nang bulaklak, mga ballon, at tarpaulin na nakapalibot sa gitna kung saan nakatayo si Viell, at ni Jarred.

"Nag tapat na at linigawan na ni Jarred si Viell itong si Viell naman inamin niya na rin na Mahal niya si Jarred kaya sila na, hayss! napaka swerte ni Viell!, Isang Basketball Varsity player lang naman ang nag tapat sa kaniya! I envy her!" halata ang inggit at pag ka inis ni Reya sa kaniyang boses.

Naramdaman ko ang pag tulo nang mga luha ko. "H-heather, alis na tayo." na uutal na wika ni Faith.

"I love you Viell! Hindi mo alam kung gano ako kasaya ngayon!" ang sayang ramdam niya ngayon ang siya namang sakit ng puso ko ngayon. Ito naba ang sinasabi nilang Love Hurts? Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon parang kinapos na ako ng hininga.

Napa kapit ako kay Faith, nag aalala niya akong tinignan. "Bakit hindi mo ako hinintay?" bulong ko sa sarili ko, at alam kong narinig 'iyon ni Faith. "Bakit ngayon pa? Kung kelan mahal na kita?" paos na bulong ko sa sarili.
isang mahigpit na yakap ang iginawad saakin ni Faith. Doon ko na inilabas lahat ng sakit, at kirot na nararamdaman ko.

Ang saya ng lahat pero bakit ako pa ang na piling masaktan?

Ang saya ng lahat, habang ako umiiyak.

Nag paganda na ako eh, nagpaka tibay na ako eh, hinanda ko na ang sarili ko eh, pero hindi ko naman inaasahan na ganito pala mauuwi 'yon, na sana iba nalang ang pinag handaan ko, binigyan mo ako nang motibo Jarred, naramdaman ko 'iyon. Pero binigo mo ako. Paasa ka.

"Shh, tahan na, una palang naman siya eh, may susunod din." sana nga. Pero parang malabo, hulog na ako eh, hulog na hulog na.

Nalunod na ako.

Hindi na maka angat hindi na kaylan mang ma ililigtas.

Kung ganon lang sana kadali ang mag hanap ng tutulong sa akin habang nalulunod pababa edy sana mas madali.

Pero wala eh, siya lang ang gusto kong pagkalunodan

Hinayaan ko eh.

Kasalanan ko to.

Hinayaan ko ang sarili kong malunod at mamatay sa ilog niya.

"Una nga. First love never Die Faith, tandaan mo 'yan."








•Katiepiats_07•

Wishing On DandelionsWhere stories live. Discover now