"Bakit naman kasi hindi ako biniyayaan ng balingkinitan na katawan? Baka sakaling may nanligaw sa akin kahit isa lang." usal ko habang pinapag-pagpag ang luma kong crop top na pambahay.

Naglakad ako palayo sa pwesto ng pinag-eemotan ko palagi at umupo sa maliit na mumurahin na sofa. Inabot ko iyong Ipad na hinuhulugan ko pa rin hanggang ngayon. Hay. Gagamitin ko sana 'to sa mga kukuhanin kong sideline pero wala naman ako ngayon sa wisyo mag-trabaho. Halos napakatamad kong gumalaw at mag-isip nitong mga nakalipas na linggo at naiirita na ko sa sarili ko.

Maga-alas nuebe na ng gabi pero heto ako at hindi pa rin kumakain ng hapunan. Sino bang sisipagin kung mag-isa ka lang sa isang studio type na condo na 'to? Kulang na nga mag-mukha na akong nasa asylum dahil purong puti lang na pader at kagamitan ang nakikita ko sa paligid.

Napailing na lang ako at nag-browse sa social media.

Napakunot ang noo ko nang makita na nagte-trending ang isang app na madalas kong gamitin noong nasa kolehiyo pa lang ako. Itinuro kasi sa akin iyon ng mga ka-block kong mahaharot. Tuloy lalong na-pollute ang utak ko. Chos.

Napabuntong hininga ako bago ko napag-desisyunan na i-click at i-download ang app na iyon. Baka sakaling makahanap ako ng kalandian o hindi naman kaya inspirasyon para sa librong isusulat ko.

HALOS isang oras na akong nakatambay at nakikipag-usap sa iba't ibang klase ng tao pero wala naman akong nakakausap na matino. Ni wala akong makitang inspirasyon para sa isusulat ko. Takte.

Sabagay. Ano nga bang aasahan mo sa isang app na katulad nito? Halatang pampalipas oras lang naman talaga ang mga ganitong bagay.

Last na talaga 'to. Kapag wala pa rin akong mapala, ititigil ko na 'tong kalokohan na 'to. Wala naman akong magagawa kung hindi talaga nagpo-produce ng creative juices ang utak ko. Nag-aaksaya lang ako lalo ng oras.

Pabagsak na nahiga ako sa kama. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko nang may nag-match.

Anonymous: Hi

Me: Hello

Anonymous: Ilang taon ka na?

Me: 23. Ikaw?

Anonymous: 20

Me: Bakit ka nandito? Bata ka pa ha.

Napaka-mature ng mga sagutan, Crysaline ha. Tingin mo nakaka-ganda 'yan?

Anonymous: Sus. Matanda na ako. Naghahanap lang ako ng kausap. Ikaw bakit ka ba nandito?

Me: Wala kong makausap eh. Pader na lang charot.

Anonymous: HAHAHAHAHAHAHA! By the way, anong work mo?

Sasabihin ko ba ang totoo? O magpanggap na lang ulit ako?

Napakamot ako sa ulo ko at napag-desisyunan na sabihin na lang ang isa sa mga sideline ko. Tutal hindi rin naman talaga kami magkakilala. Random stranger lang siya at ganon din ako.

Me: Writer.

Anonymous: Wow! Nice! Ngayon lang ako nakakilala ng ganyan dito ha. Astig.

Me: Echos mo.

Anonymous: Oo nga. Bakit ka nga napadpad dito? Kausap lang talaga?

Me: Hindi. Naghahanap ako ng gagawin kong inspirasyon sa libro ko.

Anonymous: I see.. May nahanap ka naman ba?

Dandelion NightsWhere stories live. Discover now