"Ibaba mo na si Uno. Kaya naman n'yang maglakad. Mabibigatan ka pa." Sambit ko kay Mr. Elijah habang nakasunod lang ako sa kanila. Para tuloy akong third wheel sa kanilang dalawa.

Tinignan lang niya ako saglit bago buksan ang pinto ng restaurant. "Ladies first." Pagpapa-una niya sa akin sa loob kaya pumasok na ako habang sumunod lang siya sa akin na karga pa rin si Uno. Lumapit kami sa isang lalake na nag-aasikaso ng mga customers.

"Table for three." Sambit ni Mr. Elijah sa staff.

Ngumiti at tumango naman ang lalake kay Mr. Elijah. "Dito po tayo, sir." Naglakad na siya kaya nakasunod lang kami sa kanya. Dinala niya kami sa may table na nasa window glass. "Dito po kayong family, sir."

Wow. Family. Kapag magkasama ang isang lalake at isang babae na may bata ay family agad?! Hindi ba pwedeng driver at yaya ng anak ng amo namin? Charot!

Tumango naman si Mr. Elijah at binanggit ang mga meat na gusto niyang i-order bago umalis ang lalake kaya naupo na kami. Nakakandong lang sa kanya si Uno, habang ako naman ay nasa harapan nilang dalawa.

"Ano pong pangalan niyo, Mister?" Tumingala pa si Uno patalikod para makita si Mr. Elijah.

Hinaplos naman ng hintuturo ni Mr. Elijah ang ilong ni Uno. "Elijah. I'm Elijah Villavicencio."

Nilahad naman ni Uno ang maliit niyang kamay sa papa niya. "Hello po, Mr. Elijah! My name is Uno Emilio Credo. And I live in Doldam City! And my mama is Alyssa Credo! And I'm four years old!"

"Four years old..." Ulit ni Mr. Elijah bago ako tapunan ng tingin. Kita ko lang ang pagkunot ng noo niya na tila inaalala kung nagkita kami five-six years ago. 

Magsisimula na siyang mag-math sa utak niya.

Pero wala pa rin siyang maalala dahil may mask ako noong gabi ng bachelor party. Napa-iling na lang si Mr. Elijah bago ngumiti kay Uno at nakipag-kamay sa anak. "Hello, Uno Emilio. I'm happy to have finally met you. Nagustuhan mo ba ang mga pasalubong ko sa'yo na ini-aabot ko sa mama mo?"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Mr. Elijah. Hindi ko sinasabi kay Uno na sa kanya galing iyon! Kita ko pa na napanguso ni Uno. "Ang alin po? Si mama lang po ang laging may pasalubong sa akin, e. Ang dami nga po tuwing uuwi siya."

"Ah..." Bulalas ni Mr. Elijah sabay tingin sa akin nang masama. "Talaga lang, ha?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay! Ano ba'ng gusto niya? Sabihin ko na lang kay Uno na basta may isang lalake na gusto siyang bigyan ng pasalubong?! E, hindi pa nga siya kilala ni Uno!

Tinignan naman ako ni Uno saglit bago muling tignan si Mr. Elijah. "Ano po kayo ni mama?"

Tinignan din ako ni Elijah bago sagutin si Uno. "Fuck bud-aray!"

Hindi na natuloy ni Mr. Elijah ang sasabihin niya dahil sinipa ko siya sa binti niya. Tinignan niya ako nang masama habang hinihimas ang binti niya. Si Uno naman ay naguluhan sa nangyari.

"Hindi pa naman niya gets iyon." Reklamo pa ni Mr. Elijah habang hinihimas ang binti niya. "Dudugtungan ko naman ng chocolatey buddy."

Inirapan ko lang siya bago tignan ulit si Uno. Tinuturuan niya na kaagad si Uno ng kabastusan! "Ka-buddy. Magka-buddy kami anak sa...work. Oo, magka-work kami kaya nga nakita mo siya roon sa work ko kanina, 'di ba?" Pagpapalusot ko kay Uno.

Natigil na kami nang dumating na ang mga pagkain. Si Uno naman ay tuwang-tuwa sa mga nakikita niya. "Wow! Daming food!"

Pinisil pa ni Mr. Elijah ang pisngi ng anak niya. "Ubusin mo 'to, ha. Laki-laki ng tiyan mo."

Bumungisngis naman si Uno. "Salamat po sa pagkain, Mr. Elijah!"

Napailing na lang ako sa bonding nilang mag-ama. Linagay ko na sa grill ang galbi, samgyup at bulgogi. Nag-chopstick naman si Mr. Elijah sa mga side dishes at 'yon muna ang pinakain kay Uno habang hinihintay maluto ang mga meat.

Bachelor Daddy (Rewritten)Where stories live. Discover now