⅌TD47

169 24 0
                                    

Nang mabasa iyon ni Alexander ay agad na may tumulong luha sa mga mata niya. That's the last part of the diary.

He smiled but sadness still etched in his face.

“Atleast, at the end, she already found her true love, right? It hurts to know that the love she'd waited for, was someone else and not me,” Saad niya sa sarili niya.

He cried.

Kinuha niya ang cellphone niya sa tabi niya at tinawagan si Leo.

“Let's drink,” Ayon lang ang sinabi niya. Hindi na niya hinayaan na sumagot pa si Leo. Binabaan niya agad ito ng tawag.

Alam naman na ni Leo kung saan lagi ang lugar na pinupuntahan ni Alex tuwing nay problema ito at gustong uminom.

Nang makarating sa bar kung saan laging nagiinom si Alex, agad niya itong nakita na nakaupo at may katapat na alak.

“Bro, what's wrong?”

Tumaas ang tingin ni Alex para makita ang mukha ni Leo.

“Leo,”

Malungkot ang mga mata nito. Kahit si Leo ay kitang kita iyon.

“She's already found her true love, Leo.” Tinaas ni Alex ang baso na may lamang alak.

Lasing na ito. Nagulat si Leo nang bigla itong tumungo at umiyak. He's really inlove with Scarlett.

“Tama na iyan, Alex. You're already drunk," Saad ni Leo pero ganoon pa rin ang pwesto ni Alex.

Umaalog ang balikat niya dahil sa pag-iyak. Lumapit sa kaniya si Leo at tinapik ang likod nito.

“Kailangan mo nang ibalik ang diary, Alex. Kahit hindi mo gusto ay kailangan,” Ani Leo.

“Nakakahiya. You see me crying like a child." Tumawa ng pagak si Alex. Umiling lang sa kaniya si Leo.

“Cry all you want. Hindi naman kailangan na dahil lang lalaki ka, hindi mo na kailangan umiyak. May kani-kan'ya tayong kahinaan para iyakan.”

Alex chuckled and drink the glass of alcohol.

“Tomorrow, I'll return her diary. But the pain...”

“It will takes time to heal, Alex. All you can do is return that diary and move on,”

“Sana madali lang,” Leo shook her head because of Alex.

Ilang oras na ang lumipas. Si Alex ay lasing na lasing na at hindi na makatayo mula sa inuupuan.

Si Leo ay nasa tabi lang niya at nagmamasid. Nagpasasalamat siya dahil mayroong isang Leo na dadamayan siya sa anumang oras nakailangan niya ito.

Halos ipasan ni Leo si Alex palabas ng bar para lang dalhin sa kotse niya at ihatid sa kanila.

Nang makauwi, iniayos ng higa ni Leo si Alexander sa kanyang higaan at tiningnan ito. Nakaramdam siya ng awa sa lagay ni Alex. Minsan lang itong mahulog sa isang tao kaya sobra siyang nasasaktan ngayon.

KINABUKASAN bumangon si Alex na sobrang sakit ang ulo.

“Fuck!" Hinilot niya ang sentido niya bago umalis sa kama.

Hindi niya alam kung sino ang nag-uwi sa kaniya pero malakas ang kutob niyang si Leo iyon.

Kumuha siya ng tuwalya at pumasok sa banyo para maligo. Habang nasa c.r ay naisip niya ang diary. Kailangan niya na iyong ibalik ngayong araw.

Bumuntong hininga siya at nagsimula nang maligo. Pagkatapos ay nakatapis lang siyang lumabas.

Kinuha niya ang cellphone niyang nakapatong sa kama at tiningnan ang mga mensahe. Galing lang iyon sa gc nilang apat kaya hindi na niya iyon naisipang buksan.

The DiaryWhere stories live. Discover now