Chapter 24

5 3 0
                                    

Binalewala ni Atty Lee ang sugat
niya at nakipaglaban pa rin siya kay Minsoo hanggang sa natamaan ulit ang kanang braso niya kaya halos tumulo na ang dugo sa braso ni Atty Lee kaya di na niya nakayanan pang makipagpalaban kay minsoo, kaya doon na ito nagkaroon ng pagkakataon na patayin si Atty Lee ngunit hindi niya ulit ito napatay dahil biglang dumating si Prosecutor Park.

Pagdating nito ay biglang tumakbo si Minsoo, hinabol pa ito ni Prosecutor Park ngunit di niya ito naabutan dahil sa bintana ito dumaan palabas.

Nang makatakas si Minsoo ay binalikan ni Prosecutor Park si Atty Lee at inalalayan niya itong makaupo sa sofa.

"Soojin are you ok?, pagaalalang tanung ni Prosecutor Park.

"Oo ok lang ako maraming salamat prosecutor park, sambit ni Atty Lee.

"Teka may sugat ka patingin nga ako, sambit ni Prosecutor Park.

Saka tinignan niya nga ang sugat nito.

"Masyadong malalim ang sugat mo, need kitang dalhin sa hospital, sambit ni Prosecutor Park.

"Teka may panyo ka ba dyan di kasi tumitigil sa pagdugo ang sugat mo, sambit pa ni Prosecutor Park,

"Sa kwarto ko may panyo dun, sambit ni Atty Lee.

At pumunta si prosecutor park sa kwarto ni atty lee para kumuha ng panyo at pagpunta niya ay nakita niyang magulo ang mga gamit ni atty lee sa loob ng kwarto, maya maya ay kumuha na siya ng panyo at pagkatapos ay lumabas na siya at pinuntahan niya ulit si atty lee sa sofa.

"Patingin nga ulit ako ng sugat mo at tatalian ko nitong panyo, sambit ni Prosecutor Park.

Saka nilagyan na nga niya ito ng panyo at pagkatapos ay lumabas na sila ng bahay ni atty lee para dalhin ito sa hospital.

Paglabas nila ay sakto naman nakasilip si Atty han sa bintana niya at napansin niyang palabas ng bahay sila atty lee.

"Teka sis saan ka pupunta, sambit ni Atty Han.

at biglang napansin ni atty han na puro dugo si atty lee.

"Omyy sis anong nangyari sayo, teka lang hintayin niyo ko bababa ako, sambit ni Atty Han.

At saka bumaba na nga sya sa unit niya at pinuntahan niya agad sila atty lee.

"Sis anong nangyari sayo ha sinong may gawa sayo niyan, pagaalalang sambit ni Atty Han.

"Mahabang kwento atty han mabuti pa samahan mo na lang kami sa hospital at mamaya na namin sayo sasabihin ang nangyari, sabat ni Prosecutor Park.

At sinamahan na nga sila ni atty han sa hospital, after few hours ay nakapunta na sila sa hospital at agad na dinala si atty lee sa ER(emergency room) para gamutin ang sugat niya.

Habang nasa ER si Atty Lee ay tinawagan ni Atty han ang iba pa nilang kaibigan at pati na rin ang pinsan ni Atty lee ay tinawagan niya, samantala si Prosecutor park naman ay tinawagan din ang mga kaibigan niya.

Makalipas ang ilang oras ay natapos ng gamutin ang sugat ni atty lee kaya pumasok na sa loob ng ER sila Prosecutor Park at Atty Han.

"Sis ano kamusta na ok ka na ba, pag aalalang sambit ni Atty Han.

"Oo sis ok na ako kaya don't worry, sambit ni Atty Lee.

"Btw thank you nga pala prosecutor park, sambit ni Atty Lee.

"You're welcome, sambit ni Prosecutor Park.

Maya maya ay nagsidatingan na ang mga kaibigan nila pati na rin ang pinsan ni Atty Lee.

"Insan anong nangyari sayo ayos ka lang ba ah sinong may gawa sayo nyan sabihin mo sakin at ng maturuan ko ng leksyon, tarantang sambit ni Atty Lee Junwoo.

At sabay binatukan ni atty lee ang pinsan niya.

"Aray ko naman insan masakit ah.., sambit ni Atty Lee Junwoo.

"Wag kang OA ok lang ako tsaka anong sinasabi mong tuturuan ng leksyon eh sakin pa nga lang di kana makapalag sa gumawa pa kaya sakin nito, sambit ni Atty Lee.

At sabay nagtawanan naman ang mga kaibigan niya at pati na rin ang mga kaibigan ni Prosecutor Park.

"Ayan kasi puro ka lang naman pala salita eh kay sis palang pala di ka na makapalag, sabat na asar ni Prosecutor Nam.

"HAHAHA kaya nga puro yabang lang tong lalaking toh, asar na sambit ni Atty Eun.

"Wow ah grabe kayo sakin sige pagtulungan niyo na ako, sambit ni Atty Lee Junwoo.

At sabay nagtawanan sila ulit.

"Hay naku tama na nga yan, btw sis ano bang nangyari ha bakit bigla kang nagkasugat ng ganyan, sambit ni Prosecutor Na.

At ikuwento ni atty lee ang lahat ng nangyari.

"Ha seryoso? kung may nasaksihan kang pagpatay i'm sure di titigil ang killer nyan hangga't di ka niya napapatay, sambit ni Prosecutor Nam.

"Tama si Cho-hee i'm sure na babalik at babalikan ka ng killer na yan, sambit ni Prosecutor Na.

"Tama sila Prosecutor Nam at Prosecutor Na i'm sure babalikan ka ng killer at isa pa alam nun na magiging hadlang ka sa mga pagpatay na gagawin niya if ever na papatay siya ulit, sambit ni Prosecutor Oh.

"Kaya ang dapat mong gawin mag ingat, sambit ni Prosecutor Kim.

"Tama ang lahat ng sinabi niyo kaya ko nga kayo tinawagan dahil hihingi sana ako ng favor sa inyong dalawa Ji-hun at Seung won, sambit ni Prosecutor Park.

"Ano ba yun bro?, tanung nila Prosecutor Kim at Prosecutor Oh.

"Gusto ko sanang magpunta kayo sa bahay ni Soojin now imbestigahan niyo ang naganap dun, tignan niyo kung may makukuha kayong evidence na makakapag identify sa killer, sambit ni Prosecutor Park.

"Sige bro, sambit ni Prosecutor Oh.

"At isa pa pala paki check na rin ang mga CCTV sa lugar na yun pati na rin sa loob ng bahay ni Soojin, sambit ni Prosecutor Park.

"Copy bro kami na bahala dun, sambit ni Prosecutor Kim.

"Ah Seung won tawagan mo sila Police major Junmyeon para mas mapadali ang pag iimbestiga natin, sambit pa ni Prosecutor Kim.

At tumango na lamang si Prosecutor Oh at saka tinawagan na niya sila Police major junmyeon, pagkatapos ay nagpunta na sila sa crime scene.

Samantala sila Prosecutor park at ang iba nilang kaibigan pati narin ang mga kaibigan ni atty lee ay nag stay sa hospital para bantayan si atty lee, habang naghihintay sila sa hospital ay umalis na muna saglit si prosecutor park para bayaran ang bill ni atty lee sa hospital.

~PROSECUTOR~ (Chanyeol)(Completed✔)Where stories live. Discover now