PROLOGUE

8 0 0
                                    

"Love is betrayal and I just hope, it never came."


MAYOR


"Ano, ready ka na?" Tanong ni Ate Sylvia. Tumango ako kahit kinakabahan sa posibleng resulta ng botohan.

Minasahe niya ang aking likod.

"Huwag kang kakabahan, Victoria. Ano mang resulta, panalo ka pa rin."

Bumuntong-hininga ako. Ito na iyong matagal ko nang pinakahihintay. Ang mawala sa puwesto ang mga Manolo dahil sila ang nagpapahirap sa bayang ito.

Higit sa lahat, upang matigil na ang mga karahasan at pagpapabaya na ginagawa nila sa mga pangkaraniwang mamamayan.

Lumabas na si Sylvia sa aking opisina upang tignan ang pagdaloy ng resulta sa TV screen. Ako na lamang ang naiwan dito dahil abala ang lahat sa panonood.

Tumingin ako sa aking replesyon sa salamin tsaka ngumiti ng pilit. Inayos ko ang aking kuwelyo at inilukot hanggang siko ang aking manggas.

Kung ito ang susi para umayos na ang lahat, gagawin ko.

Ayoko nang maulit pa ang lahat ng mga karanasan ko at ng aking kapwa-mamamayan sa ibang tao. Ang magpatuloy ang kanilang panunungkulan ay nangangahulugan ng kahirapan.

Sabihin na nating naiiba siya sa kanyang pamilya't ninuno, iisa pa rin ang dugong dumadaloy sa kanilang lahat. At isa ako sa patunay na pareho lang siya sa iba.

Ngunit bakit may parte sa aking nagdadalawang-isip pa rin? Kung tama ba itong ginawa, ginagawa at gagawin ko? Tama ba ang hangarin ko?

Higit sa lahat, karapat-dapat ba ako?

Pumikit ako at umiling. Hindi ko na dapat iniisip ang lahat ng iyon. Parte na lang dapat lahat ng nakaraan. Ang mahalaga, ang kasalukuyan at iyon ay ako.

Naghilamos ako ng mukha. Hindi ko pa pinapatuyo ito gamit ng towel nang maya-maya'y narinig kong tumunog ang aking cellphone.

"Hello, who is this?" Tanong ko sa kabilang linya. It is an unknown number and I do not remember giving my personal number to anyone.

Ang laman ng business card ko ay telepono dito sa opisina. Kung mayroon mang nakakaalam ng cellphone number ko, mga piling tao lang.

Hindi nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Hello..." Ulit ko dahil baka may sasabihin. Probably, a very important one.

Hindi pa rin nagsalita ngunit may narinig ako sa background na maingay.

Mga tao yatang nagagalit pero hindi ko maintindihan ng lubos dahil masyadong magulo ang usapan.

Nairita ako.

"Is this some sort of a prank?"

 I tried to sound nice because I saw this whole stuff coming.

Mga kabataan na nagjo-joke time o mga sugo ng kabila para hanapan ako ng butas. And then, after that, a headline will appear saying that it is my true colors.

Maldita, walang class at walang modo dahil nanggaling sa mahirap na pamilya.

It happened most of the time already so, I am aware now. And at least, I can avoid crazy people doing this crazy stuff.

"Hello, this is Victorina Dumagoso. Speaking." I said.

"I'll end the call now if-." I reminded.

"Can we talk?" The caller asked in a deep voice.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When You CameWhere stories live. Discover now