"HEAD SHOT" pg. 4

6 1 0
                                    

VISA'S POV

"Sayang naman kung ganun." Nanlumo ito matapos kong sabihin sa kanya ang dapat.

Mabuti na lamang ay walang tao sa dorm ni kakay nang dumating ako. Mahihirapan din kasi akong ipaliwanag sa kanya kung nandito ang mgaa kasamahan nya.

"Pero creepy nga ano? Pano nga naman mapupunta to dyan?" Tanong nito habang pinagmamasdan ang diamante nitong hawak.

Napansin ko lang, hindi ito katulad nung sa akin na medyo may kalakihan at umiilaw. Ang kanya kasi ay parang yung normal diamond lamang at hindi ganoong kalakihan.

"Yun nga yung point. Hindi natin alam. Kaya wag mong galawin. Mamaya hindi sayo yan at biglang hanapin." Pananakot ko rito upang hindi na muling magpumilit na ipagbili ito.

Napaisip ako dahil maging ako ay yun din ang naisip noong una.

"Ano ba yan Visa! Tinatakot mo ko e. Alam mo? Panira ka talaga ng atmosphere! Creepy!" Sigaw nito sa akin. At niyakap ang kanyang sarili.

Seryoso ko naman itong tinignan.

"Alam mo, sinasabihan lang din kita. Pinag iingat. Itago mo yan. Dalhin mo na lang din kung nasan ka. Baka mamaya, pakialaman yang bag mo ng mga kasama mo rito at mapagdiskatahan pa yan."

Saglit naman itong natigilan. Mula sa kanyang pagkaka indian sit sa kanyang kama ay lumapit sakin ito na parang tanga.

"Teka, sa bibig mo na mismo galing. Hindi kaya sa kanila to tapos pinagtripan ako? Sakin tinago?" Napahawak pa ito sa kanyang bibig dahil sa naisip.

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

Wala pa itong ideya na meron din akong diamond katulad ng natanggap nya. Ayaw ko kasing may kakaiba pa itong maisip. Medyo matarantahin din kasi ang isang to.

"Nako!"

Nagulat na lamang ako nang bigla nitong hinagis ang diamond sa isang sulok.

Nanlaki ang mga mata ko at agad ko syang nilingon.

"Ano ka ba khaleesi! Bat mo naman tinapon?" Panunuway ko rito at agad na kinuha ang diamond.

"Wag mong damputin yan! Ano ka ba Visa! Di mo ba naisip?! Baka mamaya ninakaw nila yan tapos nilagay sakin! Baka mamaya ako pagdiskitahan!" Tumayo na rin ito habang yakap ang kanyang sarili.

Mukhang takot na takot ito.

Hindi ko sya sinunod at kinuha ang diamond sa lapag. Wala naman itong sira. Sa pagkakaalam ko, hindi naman din ito madaling masira dahil sa tibay nito.

I took a deep sigh. Hinilot ako ang aking sentido bago ko sya binalingan.

"Ako na muna ang magtatago nito." Sabi ko na lamang upang hindi na ito mag alala pa.

"Sira na ba ulo mo Visa? Gusto mo pa idamay talaga sarili mo?"

"Hindi." Mabilis kong sagot.

CHORÍS ÉLEOSWhere stories live. Discover now