"NO MERCY" pg. 1

16 0 0
                                    

3rd person's POV

Sa isang gilid ng kwarto ay nagising ang isang binatilyong may katanungan sa kanyang isip. Napakadilim ng paligid at tanging isang liwanag lamang ang nakikita nito.

Agad itong umupo ng maayos at napagtantong may maskarang nakaharang sa kanyang mukha.

Ito na nga siguro ang maskarang sinasabing kailangan nilang suotin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ito na nga siguro ang maskarang sinasabing kailangan nilang suotin. Mula sa repleksyon ng ilaw sa kanyang mga kamay ay kulay pula nga ito katulad ng kanilang napag usapan.

Napagtanto nito na dito pala nang gagaling ang kaunting liwanag na nasilayan nya nung sya ay magising.

Biglang namuo ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasi alam nito kung totoo ba talaga ang mga pinagsasabi sa kanya o hindi.

Sa kanyang pagtayo, ay biglang nagkaron ng liwanag ang buong paligid. Kulay pulang neon lights sa kisame ang agad nitong napansin. Sa gulat sa biglaang pagbukas ay bahagyang napaatras ang binatilyo.

"Create your own murder in 5,4,3,2..1"

Napatingin ang binata sa speaker at agad na nangunot ang noo nito.

Dahil na rin siguro sa init sa paligid ay patuloy ang pagtagiktik ng pawis sa noo ng binatilyo samahan pa ng kaba at takot.

Nang sa isang saglit ay biglang may bumukas na ilaw sa kanyang likuran. Agad na napatingin ito at agad na nanlaki ang mga mata sa kanyang nakita.

Lalo lamang itong kinabahan at makailang beses na napalunok.

Nasa isang malaking kwarto ito kasama ang sigurong kanyang magiging biktima at dahil sa panginginig nito sa takot ay pakiramdam nito'y parang lumiit bigla ang kanyang ginagalawan.

Sa gitna ng kwarto ay nakagapos ang biktima na sya namang tinatamaan ng liwanag ng isang asul na neon lights sa uluhan nito. Natatakpan din ito ng isang glow in the dark na puting tela.

Gustong lumapit ng binatilyo ngunit natatakot ito. Gusto sana nitong hilahin ang tela upang makita ito ay mas nananaig pa rin rito ang takot.

Makailang ulit na nagpaikot ikot ang binata at maya't maya rin ang pag tingin sa kanyang biktima. Natataranta ito at hindi alam ang gagawin. Para bang iniisip nito kung totoo ba ang mga napag usapan nila o pinaglalaruan lamang siya.

Umupo na lamang ito sa isang gilid at nagbakasakaling may taong dumating upang kausapin sila sa loob. Yumuko ito at isang beses pang tinignan ang biktima. Wala syang balak na pakelaman ito at wala rin syang balak sundin ang role nya.

Ilang minuto rin ang kanyang pinalipas
nang mapansin nito ang biglaang pag-galaw ng natatakpang tela.

Napatayo ito sa gulat at mas lalong dinaluhan ng takot.

Gustuhin mang magsalita ng binatilyo ay hindi nito magawa sapagkat isa sa mga patakaran sa larong ito ay ang pananahimik habang ginagawa ang sarili nyang pagpatay.

CHORÍS ÉLEOSWhere stories live. Discover now