Chapter 8

29 9 3
                                    

Chapter 8: Liwanag

"Ilabas ang pagkain!" Sigaw ni manang Sharpay ang masungit naming punong kasambahay.

Lahat kami ay napakuripas sa paghanay bitbit ang iba't-ibang putahi ng pagkain. Matapos mailagay sa lamesa ay gumilid kami hinihintay na makapasok ang mga marcellus at makaupo sa hapag kainan.

Gabi na at ngayong gabi bibisita ang ama ni Chairman Domenlor. Kaya naman gano'n nalang kung mag-alala si manang Sharpay tumaas rin ang pagiging masungit nito ngayon.

Nanginginig ang kamay ko sa mga sandaling makaupo ang mga magulang ni Chairman. Narito rin ang kan'yang asawa at ang nag-iisa niyang anak na si Lux. Napakapormal ng suot nila. Nataranta ako lalo ng mag-angat ng baso si Chairman hudyat na paglagyan namin ng wine ang baso nila.

Sa kasamaang palad ay ako ang nakatakdang maglagay sa baso ni Delbert na siyang ama ni Chairman. Kinalma ko ang sarili ko ng magsimula ko na siyang paglagyan ng inumin. Ngunit hindi ko naiwasan ang panginginig ng aking dalawang kamay. Tapos kitang-kita pa sa sulok ng mga mata kong nakatitig rin siya sakin.

Sa loob ng kusina kami dinala ng mga paa namin matapos ang nakakakabang eksinang nangyari.

"Grabe, mahihimatay ako roon." Sabi ni Anna na siyang dikit ng dikit sakin.

"Para ngang walang hangin sa loob" sinigundahan pa ni Mika kaya sabay-sabay kaming napatawa tatlo.

Sila 'yung palagi kong kasama dito sa mansion magmula no'ng magsimula ako dito. Magkakasama kaming tatlo sa iisang kwarto kaya kahit papano ay hindi ako gaanong nalulungkot. Madalang na rin kaming nagkikita ni Lucia.

Niligpit na naming tatlo ang pinagkainan nila kanina. Pinukaw kami ng may biglang nagsalita.

"Mabuti naman at hindi pumalpak" Sarkastikong saad ng babaeng kakapasok lang.

Nanunuyo ang boses nito habang sinasabi 'yon. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko kung sino ito at alam ko ring ako ang pinariringgan niya. Masasanay rin siguro ako sa kan'ya, hindi ko gusto ang mga salitang lumalabas sa kan'yang bibig pero wala akong magagawa bibig niya 'yon eh.

"Maaari kanang lumabas kung hindi ka man lang tutulong." May diing sumbat ni Anna at katulad ko ay ayaw niya rin sa babaeng ito.

"Sinusubukan mo..." Bumakas ang galit sa mukha nito ng marinig kung ano ang sinabi ni Anna.

"Rosette!" Natigilan siya ng marinig ang tinig ni manang Sharpay na siyang tyahin niya. Nahahalata naman sa ugali ng dalawa.

"Tita!" May halong galit at pagkadismaya sa boses niya bago nilisan ang lugar para puntahan ang Tita niya kuno.

Kahit magkasing ugali pa sila ay wala siyang magagawa kung si manang Sharpay na ang tatawag o uutos man lang sa kan'ya. Kahit konti ay naaawa rin ako sa kan'ya kulang lang naman siya sa pansin at siguro pati na rin sa pagmamahal kaya gan'yan siya umakto. May mga panahon rin namang inis na inis ako sa kan'ya kapag may sinasabi itong hindi maganda o hindi totoo.

"Humanda talaga sakin 'yang Rose na 'yan dahil kapag ako napuno... nako" Muntik ko ng makalimutan na hindi pa rin pala tapos ang isang 'to. "Hayaan mo na nga siya Anna" saway ko naman.

"Hay nako, hindi pwede" bahagya pang tumaas ang boses nito. "Ano sa tingin mo Mika?" Natigilan naman sa pagpupunas ng mesa ang isa at tiningnan kaming dalawa.

"Huh?" Napasinghap nalang ako sa hangin ng marinig ang nakasanayan niyang salita.

Siya 'yung tipong kahit mamimilipit kana d'yan sa kakalabas ng inis mo ay wala siyang pakialam o sadyang may sarili lang talaga siyang mundo. Hindi niya nga kami madalas maintindihan kailangan pang himayhimayin ang mga salita para maintindihan niya kung anong nangyari sa'ming dalawa ni Anna. Sadyang mabait lang talaga siya.

Slice Of LifeDär berättelser lever. Upptäck nu