Chapter 6

69 12 1
                                    

Chapter 6: Ako

Umuwi ako ng bahay bitbit ang pinamili at ang ngiti sa labi. Pero sinalubong naman ako ni mama ng isang balita dahilan para maglaho ang sayang nararamdaman.

"Aalis ako bukas Lucinda pupunta ako sa kabilang bayan."

Hindi ko alam kung bakit kasi wala namang dahilan para umalis pa siya. Nagsalita siyang muli ng mapansing hindi ako nagsasalita. Nakapagtataka lang kasi pupunta lang kami doon kung kailangan ng matingnan si mamang doctor at kung kailangan niya ng gamot na doon lang mabibili. Hindi rin siya ang bibili kundi ako, ako lang ang pupunta doon.

Mahigit dalawang oras ang byahe ng bangka pa punta doon kaya nangangawit pa ang binti niya. Nag-aalala lang ako sa kan'ya at sana maintindihan iyon ni mama.

"May nag-alok kasi ng trabaho roon malaki ang sweldo at... " agad ko ng tinapos ang sasabihin niya dahil hindi talaga ako papayag lalo na kapag sa mga ganyang balita.

"At alam kong mahihirapan ka lang kapag ginawa mo 'yon. Ma naman ikaw nalang ang meron ako at ayokong pati ikaw ay mawala. Ayokong may mangyaring masama sayo doon habang nagtatrabaho ka. Ayokong magkahiwalay tayo ma... " nagsimula ng mangaralgal ang boses ko. Hindi ko talaga nagugustuhan ang ideyang 'yan.

"Kasama mo naman ang kapatid mo..." Lalo lang lumungkot ang mukha nito ng makita kung gaano ako magpapakabaliw para lang pigilan siyang umalis.

"Ma, iba ka at iba rin siya. Wag na po kayong umalis ako nalang ang maghahanap ng trabaho at gusto ko ring tumigil na kayo sa pagtatrabaho dito nalang kayo sa bahay magpahinga."baago niya pa ako tutulan ay sinundan ko na ang sasabihin ko. "Kaya ko nang magtrabaho ma malaki na ako."

Kinabukasan ay hindi na naman ako nakatulog ng maayos sa dami ng bumabagabag sa aking isipan. Matapos ang naging usapan namin ni mama ay hindi kami nagkikibuan sa isa't-isa. Sinubukan ko rin sanang hanapin si Lucia pero nawalan ako ng gana. Masyado na siyang nawiwili sa mga bagay at hindi ako ang kasama. Nagtatampo na ako sa kanila.

Bakit ba sobrang lalim nitong dinadala ko ngayon? Ayoko mang-isipin pero tila ba sinudumbatan ako ng kaunting kaligayahan noong nakaraang araw.

Lumabas na ako ng kwarto matapos magmuni-muni sa kisame. Walang bakas ni mama na nasa bahay ibig sabihin ay hindi siya nagpaalam. Wala rin akong alam kung saan siya nagpunta siguro kagaya ko ay gusto lang din nitong mahimas-masan. Sinilip ko pa ang kwarto niya at nilapitan ang lalagyan ng damit niya. Nandito pa naman ang mga ito kaya imposibleng lumuwas na ito papuntang bayan.

Dumiritso na ako ng eskwelahan matapos makapag-ayus. Hindi ko na naisip pang kumain ng agahan nawalan din naman ako ng gana. Si Lucia naman wala pa rin kaya eean ko kung saan na 'yon nagsususuot. Mukhang magka-ugali sila ni  mama dahil parehong hindi nagsabi kung saan pupunta. Sana lang ay wag nilang maisipan na ewan ako rito.

Naalala ko tuloy bigla si papa, hindi ko man siya nakilala pero miss na miss ko na siya. Nanghahangad din naman ako ng yakap ng isang ama. Kung ano ang pakiramdam ng may tinatawag na Papa.

Maaga pa pero pagdating ko sa eskwalahan ay parang nahuli na ako sa klase. Ang dami na ng mga estudyante at nagkukumpulan dito sa harapan ng gate. Absent ako kahapon kaya wala akong ideya kung anong klaseng okasyon ngayon. Bihira lang din kung magkaroon ng okasyon ang paaralang ito. Simple lang din ang mga desinyo pero sa nakikita ko ngayon tila ba isa itong malaking okasyon.

Ang kan'ya-kan'yang groupo ay may hawak na banner, may pa welcome pa silang nalalaman.

"Pem...ping..."

Sa tunog palang ng preno ng sasakyan ay alam ko ng nasalikuran ko ito nanggagaling. Napuno naman ng sigawan ang nga esrudyante at may tumatalon pa. Lahat ng mata nila ay nasa direksyon ko nakatutuk at dahil hindi naman ako assumera nakilingon din nalang ako.

Slice Of LifeWhere stories live. Discover now