Track 25: Weekend Dinner

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakakahawa ang ngiti niya kaya maski ako ay napangit rin. "Okay."

Hay, weekend! Sana dumating ka na agad.


***


Kasalukuyan kaming nasa mall ni Venice. Inaya niya kasi akong maglunch dito. Kaming dalawa lang din kasi ang may vacant time ngayon.

Sumama naman ako agad kasi gusto ko rin malibang. Pakiramdam ko umikot na sa loob ng Concordia ang mundo ko. Isa pa, balak kong ibili ng sapatos si Dex. Wala namang okasyon, pero hindi naman kailangan tuwing may okasyon lang magbibigay.

Mahilig sa sapatos 'yon kaya ayon ang binili ko sa kanya. Tinulungan din naman ako ni Venice mamili kahit hindi niya alam kung para kanino ang bibilhin ko.

Nang matapos kaming bumili ay dumiretsyo na kami sa isang fastfood para maglunch.

"May tanong ako," sabi ni Venice, bahagyang nakataas ang kamay na may hawak na fries.

Tumango naman ako bilang senyales na nakikinig ako. Hindi na ako makasagot dahil may laman pa ang bibig ko.

"Para ba kay Dex 'yung sapatos?"

Halos maibuga ko na ang pagkain ko dahil sa narinig sa kanya. Napaubo na lang din ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Dami dami kasing oras na pwedeng magtanong kung kailan pa kumakain ako.

Inabutan naman niya ako agad ng inumin na agad ko namang ininom.

"Ang baboy, Kelsey, ha. Tumalsik pa kinakain mo. Manners naman, girl!"

Nang mahimasmasan ay inirapan ko siya. "Weird naman kasi ng tanong mo. Hindi ko na kasalanan 'yon."

Pinangliitan niya ako ng mata at tumango tango. "Weird ba?"

I cleared my throat. "Oo. Bakit ko naman bibigyan ng regalo si Dex? Close ba kami? Kainis. Parang may nakabara pa sa lalamunan ko hanggang ngayon," reklamo ko at uminom.

Sinubukan kong umarte ng normal at mukha namang maayos kong nagagawa 'yon dahil ibinalik na ni Venice ang atensyon niya sa pagkain.

"Right! Hindi nga kayo close. Hindi kayo magkaholding hands sa park. Hindi kayo magkasama kahit halos curfew na. Hindi kayo nagngingitian na akala mo mga batang kinikilig. Hindi kayo gano'n."

Teka...

Ayon ang ginawa namin ni Dex noong nakaraang gabi ha.

Don't tell me nakita niya?!

Unti-unting lumaki ang mata ko nang marealize na nakita nga niya. Nandoon siya?!

"I was there," ngisi niya sa akin. "May binili ako that time. Nagmamadali na nga ako makabalik sa dorm kasi baka abutan ako ng curfew. Then I saw you and Dex holding each other's hands. Hindi pala close ha?"

"We weren't holding hands," bulong ko.

"Yeah, sure. And I hate dancing," sarkastiko niyang sabi.

"He just helped me to stand."

"Wala kang paa? Kailangan mo ng tulong para lang tumayo?" Taas kilay niyang tanong. "Just say you both want to hold each other's hand and go."

Hindi ko na nagawang makasagot kasi makokonsensya lang ako lalo kung gagawa na naman ako ng dahilan para itanggi ang kung ano mang meron kami.

Nakakakonsensya na magsinungaling kay Venice at nakakakonsensya na itanggi si Dex.

"Look, Kelsey... we're friends. You can tell me anything and I won't judge you," she stopped and shrugged. "Okay, maybe I will judge some of your actions and choices but I will still accept you because we're friends. Konting tiwala naman d'yan."

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon