Natahimik si Bruno at napaharap sa tanawin.

"But why would she do that? it's betrayal."

"I know," agad na tugon niya saka humarap sa tanawin muli, "that's why I'm doubting if it's her or not." ani niya pa.

"It's definitely not her." agad na sabi ni Bruno.

"Why though?"

"She's busy"

"with?"

"being an IT.....specialist," marahan na sagot ni Bruno sa kaniya, nagkatitigan sila saka agad na napabuntong hininga kasabay ng pag iling-iling,

"I'll ask her." ani niya pa,

"as you should," pag payag ni Bruno sa sinabi niya,

Natahimik sila ng ilang segundo. Totoong isa si Rebecca sa pinaghihinalaan niya sa nangyari, kahit na may nagtutulak sa kaniya na hindi si Rebecca ay hindi din naman mawala sa isip niya ang pagdudahan ang babaeng ito.

Bukas, sa practice nila ay tatanongin niya si Rebecca ng deretsahan. Gusto niyang matapos ang issue na ito, gusto niyang maging matiwasay na ang pagtulog ng nobya niya at makakalabas na ito sa bahay nila.

Bumuntong hininga siya sa muling pagkakataon saka siya tumingin sa wrist watch niya.

"I have to go," ani niya saka inayos ang coat.

"I still have a meeting to attend and I know my utos na naman sayo ang mga kapatid ko."

"Alright, sir." ani nito, "before you," ani nito, nangangahulogan na susunod lang ito sa kaniya.

Tumango siya saka nagpaumunang lumakad pababa sa rooftop. Nang makarating siya sa floor niya ay agad niyang nakita si Lin na mukhang nabunotan nang tinik nang makita siya.

"What happened?" agad na tanong niya nang mabasa ang pag-aalala sa mukha ng sekretarya.

"si Mr. Cazarza po kasi...kanina pa niya gustong pumasok sa office mo, kasama si Mr. Timothy, halos magwala na po sila sa lounge." nag-aalalang sabi ni Lin.

Bumuntong hininga siya saka siya napahawak sa noo niya. He's stressed. Sumasakit na ang ulo niya kakaisip sa mga ganitong problema.

"Let them in, and move my meeting with the board 2 hours from now. Sabihin mo emergency." ani niya kay Lin na agad namang tumango at umalis sa harap niya,

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa office niya. Naramdaman naman niyang sinundan siya ni Bruno,

"Okay na Bruno, I can take care of this." ani niya saka inis na pinatong ang coat sa coat rack.

"I'll stay sir, hanggang sa makauwi sila. Your safety is my priority. That's the what I promised to your father," seryosong sabi nito, tumango naman siya saka umupo sa swivel chair.

Nakaramdam siya ng takot, hindi dahil sa kung ano'ng possibleng gawin ni Mr.Cazarza sa kaniya, kundi dahil sa ama ito ng kaniyang nobya,

Ilang segundo pa ang lumilipas at biglang bumukas ang pinto ng kaniyang office. Marahas ang pagkakabukas nun, dahilan para mabasag ang glass door ng office niya.

Mabilis namang napakilos si Bruno para pigilan ang humahangos na si Timothy.

"Fuck you!" sigaw ni Bruno sa kaniya, nangunot ang noo niya dahil sa pagtataka kung bakit ganoon na lang kagalit si Timothy sa kaniya.

Hindi siya umimik. Sa halip ay napatingin siya kay Mr.Cazarza na nakakunot ang noo na nakatingin sa kaniya.

"what brings you here?" kalmadong tanong niya kay Timothy saka siya bumaling sa glass door na nabasag.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon