"upo ka muna, anong gusto mong kainin? may mga pag kain dito" kita ko sa mga mata ni lawrence na nasaktan ko siya sa sinabi ko, aaminin ko na ayokong makita siyang masaktan dahil mahal ko siya, pero siguro kailngan niya un para nman mapagod siya na saktan ako ng paulit ulit

"bakit mo ba kao dinala dito?" tanong ko kay lawrence habang nakatitig ako sa mga mata niya

"mag papasalamat kasi ako sa burger na binigay mo" napaiwas ako bigla ng tingin nung lumapit si lawrence sakin, kakainis na bata un sabi ko wag sabihin >_<

"kapal anong burger un? at mag papasalamat ka lang kailngan dito pa?" kahit gustong gusto ng mga mata ko na titigan si lawrence pilit kong iniiwas ung tingin ko sa kanya, natatakot kasi ako na mahalata niya na nag sisinungaling ako

"mahal ko naman, ikaw lang may alam na alergy a ko sa ketchup at saan ka naman nakakita ng burger na walang ketchup?" hinarap ni lawrence muka ko sa kanya, ung puso ko biglang bumilis ang tibok, tibok na si lawrence lang ang may kayang gawin

"ngayon salamat sa burger mahal ko" sabay ng pag pikit ng mata ko ang pag patak ng luha ko, sayang, sobrang sayang at hinde kami ni lawrence para sa isat isa

"nakapag pasalamat ka na, pwede na siguro akong umalis" pinunasan ko ung luha ko sabay tayo, mukang hinde ko na kasi kakayanin pa ung pag tatagal ko sa lugar na to

paul's pov

"paul hinde pa rin ba nag rereply sayo si gab?" umiling na lang ako bilang sagot sa mama ni gavin, andito kasi ako ngayon sa kanila para sana ibigay sa kanya ung wedding gown niya, lalo na at isang linggo na lang at kakasal na kami, hinde nman kami nahirapan sa pag aayos ng kasal dahil si danica ang tumulong samin sa lahat ng kailngan namin

ang pinag tataka ko lang nagyon kung asan si gavin, hinde nman kasi niya gawain umalis ng bahay ng hinde alam ng magulang niya kung asan siya, mag sisinungaling siguro ako kung sasabihin ko na hinde ako kinakabahan, alam ko nman na hinde pabor si gavin sa kasal na to, pero anong magagawa ko eto gusto ng puso ko at si gavin na mismo ang nag sabi sakin na ituloy namin tong kasal na to

"anak kape ka muna" kinuha ko ung kape na inalok sakin ng papa ni gavin

"salamat sa lahat paul" napatingin ako bigla kay tito glen na parang nanginginig ung boses, ilan beses na din kasi siyang nakapag pasalamat sakin pero eto ung unang pag kakataon na parang naramdaman ko ung lubos niyang pag papasalamat sakin

"tito wala nman po akong ginawa" napayuko na lang ako, dahil alam ko sa sarili ko na utang ko lahat kay lawrence tong saya na nararamdaman ko ngayon, siya ang dahilan kung bakit maayos na lahat, kung hinde dahil sa kanya hinde kami ikakasal ni gavin ngayon

"hinde ko man alam ung totoo, ayaw mo man sabihin sakin lahat pero salamat at hinde mo iniiwan si gavin, mahal na mahal ko si gavin paul, sana pag kasal na kayo mahalin mo siya ng sobra at sana mapasaya mo siya"

"opo tito makakaasa po kayo sakin" naguguilty ako aaminin ko dahil makakaasa naman talga sila sakin na mamahalin ko si gavin hanggang sa huling hininga ko pero ang masapsaya siya ayun ang hinde ko alam kung maibibigay ko kay gavin, kasi kahit na 1ng taon na wala si lawrence sa mundo ni gavin at sinaksan siya nito ng sobra, alam ko na kay lawrence lang siya sasaya

"hinde niyo na ba ulit nakita si lawrence?" hinde ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan, bakit nga ba di ko naisip si lawrence, hinde kaya kasama niya ngayon si gavin? pero pano un ngyari eh sa huling pag kakatanda ko sobra ung nakita kong galit ni gavin kay lawrence

"wala na po kaming balita kay lawrence" pag sisinungaling ko, kung hanggang kailan ko kailngan pag takpan si lawrence ayun ang hinde ko alam, ang lam ko lang ngayon hanggang pinagtatakpan ko siya asakin si gavin

gavin's pov

"sandali gavin hahatid na lang kita" tinignan ko ung kamay ni lawrence na nakahawak sa braso ko, aaminin ko na madalim na at talgang nakakatakot sa lugar kung saan ako dinla ni lawrence pero mas kinakatakot ko ung nararamdaman ko

"kaya ko ng umuwi" inalis ko ung kamay ni lawrence at pinag patuloy ko ung pag lalakad ko

"ni minsan naisip mo na lahat ng to para sayo? lahat ng ginagawa ko para sayo?" mahina pero narinig kong sabi ni lawrence kya napahinto ako sa pag lalakad ko

"bakit? ni minsan ba inisip mo na di yan ang gusto ko? na sinasaktan mo na ako at hanggang ngayon nasasaktan pa din ako?" kahit nakatalikod ako nararamdaman ko na dahan dahan lumalapit sakin si lawrence

"masaya na ako ngayon at mag papakasal na ako sa isang linggo, kinalimutan na kita at kakalimutan pa, sana lang tigilan mo na" pinahiran ko ung luha na umaagos sa pisngi ko, nasasaktan ako dahil sa tuwing mag kikita na lang kami ni lawrence kailngan namin mag hiwalay ng paulit ulit, masaktan ng paulit ulit

"di mo na ba ako mahal?" napatitig ako sa mga mata ni lawrence na kagaya ko umiiyak na din di nman ako manhid kaya alam ko na nasasaktan siya kagaya ko, kaya isa lang ang nasa isip ko ngayon, eto na ung huli na mag papaalam ako sa kanya at masasaktan kami pareho, pinili ko na ung buhay na hinde siya kasama at yun na papanindigan ko

"ayoko na kasi" napayuko ako sa sinabi ko, kasi alam ko naman na gusto ko pa pero talgang suko na ako sa sakit kada iiwan niya ako

"subukan pa natin mahal ko pls, papaliwanag ko sayo lahat, lahat lahat" inakap ako ng mahigpit ni lawrence ung tenga ko nakatapat sa puso niya kaya rinig na rinig ko ung lakas ng tibok nun, ganun din nman ung puso ko dahil napakatagal kong inintay na marinig ko kay lawrence na susubukan ulit namin, kasi sa totoo lang nung mga panahon na kasama ko siya hinde sumagi sa isip ko na isuko siya

"ayoko na... kasi ayoko ng magpakatanga sa taong wala nman alam gawin kundi iwan ako at babalik lang kung kailan niya gusto! ano ako reserba mo?!" sabi ko sabay tulak kay lawrence



hinde ko alam kung pano ako nakalabas sa lugar na pinag dalahan sakin nilawrence at kung pano ako nakauwi ng ligtas dahil halos di ko na makita ung dinadaanan ng sinasakyan kong taxi, iyak kasi ako ng iyak sobrang sakit lang na mag paalam ka sa mahal mo na alam mo na gusto pang subukan pero sobra na ung takot mo na iwan ka niya ulit.


hinde lang din nman un ang kinakatakot ko ng sobra, natatakot din ako na masaktan ko si paul lalong lalo na siya lang ang andiyan sa mga panahon na nawawala si lawrence at iiwan ako na naiisa

"babe kanina pa ako nag alala sayo saan ka ba nanggaling?!!" pag kakita na pag kita ko pa lang kay paul napaakap na agad ako sa kanya, pakiramdam ko kasi si paul na lang ung tanging tao na kaya akong iligtas kung saksakaling maisipan kong bumalik sa pagiging tanga ko

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon