Chapter 5 - First Bonding

300 11 1
                                    

Krisha's POV


"Ahhhhh" hikab ko asan ako ? Ang naaalala ko lang nasa school ako at .... OHMYGHAD !! Oo nga pala nag cutting kami hehe cutting nga ba?


"Hi" napaupo ako ng maayos andito na pala kami nakatulog pala ako ba't ang gwapo niya ngayon.


"Hello" ngumiti ako parang walang nangyari eh kasi naman nahihiya ako kasalanan ko ba kung nakatulog ako.


"Wala kang balak na lumabas" natatawa niyang sabi nasa sasakyan pa kami kinausap niya ako eh batukan ko siya syempre joke lang baka mapatay pa ako ng mga fangirlssss nila dapat madaming 'ssss' para FEELSSSSS hahahahaha.


"Eto na po boss" sabi ko sa kanya binuksan ko na yung pinto pero ba't ayaw bumukas? Lumapit siya sakin hahalikan niya ba ako? Mas lalo pa siyang lumapit ang bilis na ng tibok ng puso ko abnormal ba tong puso ko ...


*Tik*


"Nakalock pa kasi HAHAHA excited lumabas HAHAHAHAHAHAHAHA" pinagtatawanan niya na ako sayang yung kiss ano ba yung pinagsasabi kong kiss feeling mo naman Krisha wag kang feeler binuksan lang naman niya yung pinto.Sumimangot ako at lumabas na bakit nga ba ako nakasimangot dahil ba sa katangahan ko o nabitin ako sa kiss ano nanaman pinagsasabi ko nababaliw na ata ako.


"Tara na" hinawakan niya ang kamay ko at hinila kinikilig ako >///< eh kasi naman hawak niya yung kamay ko.


"Saan?" tanong ko.


"Doon" nginuso niya kung saan at nakita ko si Ashton na paikot ikot parang inip na inip sino kaya hinihintay nun? Siguro naman si Zero lang hinihintay nun.


"Bakit ngayon lang kayo ?!" inis niya sabi problema nito?


"HAHAHAHAHA" tawa naman ni Zero.


"Napaghahalataan ka Bro" sabi ni Zero anong meron nababaliw na ata siya.


"Antagal niyo" sasabay sabay nilang sabi andito pala sila.


"Sorry na" sabi ni Zero.


"Kaya pala di ko sila nakita kanina" bulong ko kay Zero hindi pa kasi kami umaalis sa pwesto namin.


"HAHAHAHAHA" tawa niya ulit nababaliw na ba talaga natuluyan na ata . -_-


"Paano hindi mo sila makikita late ka na ngang pumasok tapos 1 hour ka pa naman sa detention room" natatawa siya habang sinasabi yan pati yung ibang members natatawa rin sinamaan ko naman siya ng tingin nagpeace sign naman agad siya.


"Zipline tayo" sigaw ni Sebastian. WAHH!!! May Acrophobia ako paano na to?


"Hoy tanda uugod ugod ka na baka mamatay ka sa takot" sabi ni Cyr na kulang na lang gumulong gulong na sa kakatawa tumatawa na rin ang buong Exo pero ako ito kinakabahan feeling ko tuloy magkakasakit ako napatigil si Ashton sa kakatawa at lumapit sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Twelve Heartthrobs and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon