"No. Wala kang nagawang mali Karylle. Hindi ako ang lalaking para sayo. I'm sorry." hindi ko mabakas ang lungkot sa mukha ni Neil samantalang ako, halos hindi na makahinga sa kakaiyak.

Nilayo nya ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinalikan nya ako sa noo. Is this his last kiss?

"I'm really really sorry. Don't text or call me. At siguro ito nadin ang huli nating pagkikita. Goodbye Karylle." tsaka sya tumalikod sakin at naglakad palayo.

Napaluhod nalang ako dahil nanghina na ang mga tuhod ko sa kakaiyak. O don't understand. Gusto ko lang naman makasama ang taong mahal ko at mamuhay ng maligaya pero bakit nya ako iniwan?

Kahit sobrang yaman ko na, hindi ko padin kayang bilhin ang pagmamahal ng taong mahal ko.

= = = =

General POV

Napahinto si Benjie pagbukas nya ng pintuan ng office ni Karylle. Nakita nya itong nakatulala sa kawalan at may tumulong luha mula sa mata nito.

"Ay, umiiyak ang bruha? May acting workshop ba dito? Pero infairness, maganda padin sya kahit umiiyak." sa isip ni Benjie.

Dahan dahan syang pumasok at inilapag sa table ni Karylle ang kape. Agad namang nagpunas ng mata si Karylle bago hinarap si Benjie.

"Umiiyak ka?" usisa ni Benjie. Umiling lang si Karylle.

"Wala 'to, napuwing lang ako.. Thanks sa coffee." walang reaksyong sabi ni Karylle. Tumango nalang si Benjie at muling bumalik sa couch.

Habang busy sila Benjie at Karylle sa kanya-kanya nilang trabaho ay may biglang kumatok sa pintuan. Agad namang naging alerto si Benjie pero hindi sya nagpahalata.

May pumasok na isang babae na may dalang shoulder bag. Disente naman ang suot nito pero ngayon nya lang ito nakita sa tower.

"Yes? Anong kailangan mo? May appointment ka ba sakin?" pormal na tanong ni Karylle.

"Meron. Actually, malaki ang kailangan ko sayo." sarkastikong sagot ng babae. Napakunot ang noo ni Karylle.

Nakita ni Benjie ang pagbunot ng baril ng babae sa shoulder bag nito.

"KARYLLE YUKO!!!" sigaw ni Benjie. Agad nakayuko si Karylle sa ilalim ng mesa kaya hindi sya tinamaan ng bala.

Ikinasa ni Benjie ang baril nya sabay baril sa babae. Bigla namang may sumipa sa pintuan at pinaulanan ng bala ang office. Mabuti nalang at nakatago agad sa mesa si Benjie kaya hindi sya tinamaan.

"BENJIE!!!" tili ni Karylle habang nakatakip ang dalawang kamay sa tenga.

Pagkatapos magpaputok ng dalawang lalaki sa pintuan ay agad lumabas si Benjie sa gilid ng mesa at magkasunod na binaril ang dalawang lalaki. Nanghinayang naman si Benjie sa kape nyang tinamaan ng bala.

Narinig pa nila Benjie ang putukan ng baril mula sa labas ng tower. Mukhang sinusugod na sila ng mga sindikato. Agad nag-dial si Benjie sa phone nya.

"Hello Lucresia! Wag mong pababayaan si Mr. Modesto. Dalhin nyo na sya ni Big Boy sa safehouse!" mabilis na utos ni Benjie. Hindi na nya hinintay ang sagot ni Lucresia at pinatay na ang tawag.

"Benj." tawag ni Karylle. Nilingon naman sya ni Benjie.

Bakas ang takot sa mukha ni Karylle tila nanginginig ito sa kaba. Lumapit si Benjie kay Karylle at hinawakan sa kamay.

"Lalabas tayo ng tower pero kailangan natin agad ng kotse mo. Kapit ka lang sakin, akong bahala sayo." sabi ni Benjie sabay kindat kay Karylle. Bigla naman natawa ang huli sa kindat ni Benjie.

"Hindi bagay sayo, Bakla ka!" pang-aasar ni Karylle.

"Ah ganun?.. Sige, bahala ka dyan.. Iiwan kita dito." pananakot ni Benjie. Agad namang kumapit sa braso nito ang dalaga.

"Ikaw naman, hindi ka mabiro. Tara na, baka mamatay pa tayo dito." hindi naman napigilan ni Benjie ang mapangiti sa kakyutan ng alaga nya.

"Huy bakla! Mamamatay na tayo, ngiti ka pa ng ngiti dyan." saway ni Karylle.

Agad namang nagbago ang ekspresyon ni Benjie. Hinawakan nya ulit sa kamay si Karylle bago lumabas ng office. He wants to protect her. Ayaw nyang masaktan si Karylle ng sino man.

"Bilisan mo ang paglalakad mo bruha. Kailangan na nating makarating ng parking lot ng mabilis." sabi ni Benjie. Pinalo naman sya sa braso ni Karylle.

"Sinong bruha?!" pataray na tanong nito sabay pout. Napangiti ulit si Benjie kay Karylle.

Hindi na sya ulit nagsalita ang maingat na naglakad-takbo papuntang parking lot. May mga humaharang sa kanilang mga kalaban. Mabuti nalang ay nauunahan ni Benjie ang mga ito.

Nagtago muna sila sa poste nang makarating sila sa parking lot. Malakas padin ang putukan at may naririnig nadin silang wang-wang ng pulis.

Nanlaki ang mata ni Karylle nang may lumitaw na kalaban sa kabilang poste.

"Benjie sa likod mo!!!" tili nya. Agad naman itong pinaputukan ni Benjie kaya natumba ito.

"Kailangan nating makasakay sa kotse mo Karylle. Tumakbo ka lang ng diretsyo ha. Ako magco-cover sayo. Bago ka nila mabaril, ako muna ang tatamaan nila." bilin ni Benjie.

"Sige... Pero wag kang magpapatama ha." alalang sabi ni Karylle. Muli nanamang napangiti si Benjie sa sinabi nito.

"Kanina ka pa ngiti ng ngiti ha!.. That's good Benj!.. Atleast, mamamatay kang masaya." pang-aasar pa ni Karylle. Nakatikim naman sya ng konting sabunot kay Benjie.

"Bruha ka! Tara na nga."

Chineck muna ni Benjie kung may kalaban pa sa paligid. Pagkatapos ay mabilis nyang pinatakbo si Karylle at sumunod naman sya. Naunang sumakay sa kotse si Karylle ngunit nang pasakay na si Benjie ay may nagpaputok pa sakanya kaya nadaplisan sya ng bala sa braso. Maagap namang nabaril ni Benjie ang lalaki.

"Benjie!" alalang tawag ni Karylle. Sumakay nadin si Benjie sa kotse habang hawak ang duguan nyang braso.

"Benjie may tama ka!"

"Daplis lang 'to. Just focus on the road."

Mabuti nalang ay mabilis na nakalayo sila Benjie at Karylle sa tower. Huminto sila sa isang gasoline station para bumili ng pansamantalang gauze si Karylle para sa sugat ni Benjie.

Bumaba muna ng sasakyan ang dalawa. Si Benjie ay nakasandal sa kotse habang hawak padin ang braso. Si Karylle naman ay mabilis na nakabalik sa pagbili ng gauze.

"Takpan muna natin yan Benjie. Mamaya na natin gamutin pagdating sa safehouse." sabi ni Karylle habang nilalagyan ng gauze ang braso ni Benjie. Tumango lang ang huli.

"Masakit Benj?"

"Malamang masakit. Ikaw kaya daplisan ng bala, masasarapan ka?" pataray na sagot ni Benjie.

"Ang sungit mo ha! Nagtatanong lang eh!" singhal naman ni Karylle.

"Ayusin mo kasi yang tanong mo!.. Nakakaimbyerna eh!" napanguso nalang si Karylle. Napangiti nalang si Benjie sabay yuko.

Napatingin naman si Karylle sa likuran ni Benjie.

"Benjie..." tawag ni Karylle.

Nagulat nalang si Benjie nang mapalingon sya kay Karylle. Biglang naglapat ang labi nito sa labi nya.

Hinalikan sya ni Karylle.

.

.

.

to be continued....

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon