16

2 1 0
                                    

Narito ako ngayon sa parke. Kasama si Trinity.

"You can talk to him later. I-celebrate n'yo 'yong bagong taon na magkasama. Anniversary n'yo rin naman," aniya.

Nanginginig ako habang tinititigan ang teleponong nasa contact number ni Kai.

"Kinakabahan ako," tanging sagot ko.

"Si Kai 'yon! Lahat gagawin no'n para sa 'yo! Hindi ka dapat mahiya!" Gigil niya pa. Umiling ako.

Anniversary na namin mamayang 12 am. Gusto ko siya makausap!

"I'm scared..." Pag-amin ko.

Hindi pa ako handa! Ayaw ko pa. Ayaw ko pa siyang iwan! Ayaw ko pang humiwalay. Ayaw ko pang tapusin. Mahal ko 'yon. Ayaw ko...

Iniisip ko pa lang na ganoon ang mangyayari ay sana 'wag dahil hindi ko mapipigilang humagulgol sa harap niya.

Pero kahit ayaw ko pa, pero kung heto ang tama. Kung heto ang magiging solusyon para hindi na siya masaktan sa akin. Na hindi na siya iiyak tuwing gabi sa dilim dahil nakikita niyang hindi na kami maaayos talaga. Na may lamat na nga talaga. Na ayaw na namin. Na alam na naming pagod naman na talaga kami.

Kahit anong ayos namin ay wala. Walang nangyayari. Para bang pinagpipilitan na lang namin ang bagay na alam naman namin na hindi na namin maaayos talaga. Na ayaw na talaga sa amin ng tadhana.

"Text him."

Tiningnan ko lang siya ng isang beses at saka ko binalik ang tingin sa telepono. Unti-unti ko pa pinindot ang text message at nagtipa na roon.

Kung saan at anong oras kami magkikita. Mabilis ang reply nito kaya napahugot ako ng hininga.

Pumayag siya...

Tatapusin ko na. Iniisip ko pa lang para nang guguho ang mundo ko. Kalahati ng buhay ko, kasama ko na siya. Kalahati ng buhay ko, nand'yan na siya. Nasanay ako. At hindi ko alam ang gagawin kapag nawala pa siya.

"Pumayag siya, Trins..." Bulong ko.

"Yes! Ayan na, ha? Magbati na kayo! Tara na! Uwi na tayo at para makapag-ayos ka!" Excited na sagot.

Wala siyang kamalay-malay na mawawala na ang sinusuportahan niyang couples sa tanang ng buhay niya.

Hinatid naman agad ako ni Trinity sa bahay na pinags-stay-an ko. Nag-ayos at nagsuot ng presentableng damit.

I'm not ready! Heto ang dress na pinakagusto ni Kai na sinusuot ko. Of course, regalo niya ito, e. Suot ko na rin ang couple necklace namin.

It’s infinity and have each other’s nicknames embroidered. Ang akin ay pangalan ni Kai at ang araw kung kailan naging kami. Habang ang kan'ya naman ay pangalan ko na Pearl at ang araw rin na naging kami.

Pinigilan kong huwag tumulo ang luha ko.

"Nez, stop!" Pagsuway ko.

Inayos ko ang buhok ko. Ang curtain bangs ko na may kulay na ash brown ay mas lalo lang gumanda ang ayos ng buhok ko dahil nagpalagay rin naman ako ng bangs. Bumagay naman ito sa akin. Lalo pa't kapag nakasuot ako ng dress.

Huminga pa muna ako ng malalim bago magpasiyang umalis. Pagabi naman na. Marami nang nagpapaputok at may mga torotot na sa labas. Nag-text na rin ako sa kan'ya na papunta na ako.

Heto na ata ang pinakamalungkot na bagong taon na sasalubungin ko. Heto na rin ang huling bagong taon na makakasama ko siya na idiwang ang anibersaryo namin.

Pinilit namin. Inayos namin. Kahit nakakapagod, inayos pa rin namin. Pero naalala ko, pareho kaming naupo sa sofa na parehong pagod. Sabay kaming nagsalita na pagod na kami.

Damn, it's hurts.

Maaga pa pero gusto ko siyang makasamang idiwang muna bago mawala ang lahat.

Hindi ako naghihinayang sa ilang taon. Wala akong pinaghihinayangan. Dahil baliwala ang taon kung ang kasiyahan at kaligtasan na rin ni Kai ang kapalit. Bakit hindi?

Nang makarating na ako sa lugar na napag-usapan namin ay naroon naman na siya. Dito lang naman sa MOA. Nakasanayan naman naming puntahan ito kapag kaming dalawa lang at... dito namin cinelebrate ang first anniversary namin. Malay ko bang dito pala namin tatapusin ang pinagsimulan.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kan'ya at naupo sa tabi niya.

"Yes, love," aniya. Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya.

Paano ako makaka-move on kung lagi kong hahanap-hanapin sa bawat araw ang sagot niya? Ang endearment namin na never nawala kapag sasagot siya?

"Kain muna tayo. Kumain ka na ba?" Asik ko. Nakita ko namang marami pang tao. Sa bawat stall ay may mga tao rin. Pinipilihan.

"Hindi pa rin. My treat. Let's go. 'Yong cleavage mo, nakikita na. Itaas mo lang 'yong damit mo. Komportable ka ba sa gan'yan?" Mahabang sagot niya.

Taka akong tumingin sa aking dibdib nang makita ko ngang halos nakaluwa na ang cleavage ko. Sa hiya ko ay itinaas ko na lang. Hindi ko kasi napansin! Tumango ako sa tanong niya kaya hinayaan niya ako.

Wala kaming ginawa kung 'di kumain lang at naglakad-lakad. Nag-picture pa kami. Kung anu-ano ang ginawa namin hanggang maabutan na namin ang dilim.

Kung gaano ako kasaya kanina ay ganoon kabilis ang pagpalit no'n nang mapansin ko ng paunti-unti nang nawawala ang mga tao. Senyales na magbabagong taon na...

Naupo naman na ako sa gilid niya at tinakpan ko ang gitna ng dress ko para hindi liparin. Mas naging maliwanag lang ang paligid dahil sa mga christmas lights at mga iilang paputok na sumasabog sa kalangitan. Pinapanood ko lang sila. Walang nagsasalita sa amin.

"Thank you for today, love," saad ko. Wala na. Naiiyak na agad ako!

"You are always welcome, love." Sweet voice. That freakin' sweet voice. I'm gonna miss that.

"Sobrang saya ng araw na 'to. Sobra akong nag-enjoy." Genuinely smiled out at me.

"Hindi lang ito ang araw na naging masaya ako. Before and the whole 12 years I was genuinely happy," saad niya.

"Ang saya, 'no? Sobrang dami na nating napagdaanan. Ang dami na nating nalagpasan."

Hindi siya sumagot. Nakinig lang siya sa akin.

"How can I forget this?" Bulong ko.

Ramdam ko na agad ang pamamasa ng mata ko. Pinahiran ko naman agad iyon at ayaw ko pa maging emosyonal.

"How can I forget you?" Mas lalong mahinang tanong ko. Nasisigurado ko namang hindi niya iyon narinig.

"I will never forget you, tho," maliit na tonong sagot niya.

Fuck this man. Wala pa nga pero pinapaiyak niya na agad ako!

Hagulgol ang bawat nailalabas ko habang naglalakad paalis sa pwesto namin kanina.

Sa kabilang banda siya at nasa kabilang banda ang nilakaran ko. Parehong umiiyak at parehong nagparaya.

Parehong napagod. Parehong sumuko. Parehong nagpalaya. Parehong sumubok muli. At sa huli, pareho kaming Naglakad palayo sa isa't isa.

Even if love leaves us, never ever to chase love. Because love doesn't run and leave.

Love can and will make you feel the freedom. Love is freedom.

So, don't look for someone who will ban you from everything you want to do and love to do. Because love is not stingy. Love will make you feel free. You will never think that someone is watching your every move and time. Love is not greed.

And now, my love. I met you before that we're fully stranger, but now? We're strangers but with memories.

Happy New Year, everyone!

And...

Happy anniversary, my love.

Lost And FoundWhere stories live. Discover now