Kabanata 1

242 13 1
                                    

Kabanata 1

Worthless

         

       
Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ni Hioran. Salubong na salubong ang kilay habang paulit-ulit na binabasa ang nakasulat sa kapirasong papel na hawak niya kani-kanina pa.

Nasa sulat din ang birthday ng bata. And the child is two months old only.

Iritado siyang napabuntong-hininga at muling binasa ang nakasulat sa papel, nagbabasakaling may magbabago pa, pero wala talaga.

Muli siyang napabuntong-hininga, "Pakisapak nga ako - Fuck!" napamura siya nang malakas na may bigla na lang kamaong tumama sa guwapo niyang mukha.

Nang tingnan niya ang may gawa nun, nakita niya ang nakangising si Brylle. Kaagad niyang sinamaan ito ng tingin.

"Why the fuck did you hit me?"

Brylle shrugged cooly, "Kasasabi mo lang sapakin ka, 'di ba?" sabi nito saka siya tinapik sa balikat, "You're not having a nightmare. Talagang may anak ka na."

Mas lalo niyang itong tinapunan nang matalim na tingin, "He's not.. she? Whatever is he or she.. she's not my fucking child!"

"He's a he," si Ryeko na ngayon ay buhat-buhat ang sanggol, "Look oh. He has a putotoy."

Ang walang hiyang Ryeko. Ibinaba pa nito ang lamping suot para ipakita sa kanila ang tanda ng pagkalalaki nito. And Ryeko is right. The child is a he. At wala pa rin siyang pakialam. Hindi niya anak ang batang iyan. Siguro pinagti-tripan lang ulit siya at kung sino man ang nangti-trip sa kanya, patay talaga sa kanya.

"If that child is really not yours, why don't you do what the woman said in the letter? Prove us, prove to yourself too. Take a DNA test. Our hospital is open for you and your child anytime." Brylle said cooly.

Iritado niya itong tiningnan, "Hindi na kailangan, kasi hindi ko naman anak ang batang iyan." siguradong-sigurado niyang sabi.

Dismayado siyang inilingan ng mga kaibigan niya, pero wala siyang pakialam. Nailing-iling siya. Bakit nga ulit narito ang mga ito rito sa condo niya?

Ah, oo nga pala. Ilang minuto matapos niyang mabasa ang sulat ng misteryosong babae at ina ng batang sanggol, tinawagan niya ang mga ito para humingi ng tulong dahil gulong-gulo siya. Pero imbes na makatulong, mas lalo lang yatang pinagulo ng mga ito ang sitwasyon niya.

Iritado siyang napatingin sa sanggol na nasa braso ni Ryeko. Hindi niya ito mapatahan ng iyak kanina, dahil wala naman siyang kamuwang-muwang sa pagpapatahan at lalo na sa pag-aalaga ng bata. Pero nang sinalpakan ni Ryeko ng isang bote ng gatas -na nasa basket din na kinalalagyan din kanina nito -ang bibig nito, kaagad itong tumahan.

Mukhang aliw na aliw si Ryeko sa sanggol dahil ito naman kasi ang mahilig sa bata sa kanilang magkakaibigan, dahil na rin siguro ito ang nag-alaga sa anak ng kapatid nitong maagang nabuntis. Siya ang pinakahuli.

Ayaw niya sa bata. Madali siyang mairita sa ingay na ginagawa nito. Lalo na ang iyak nito. Kaya sa kanilang magkakaibigan, bakit siya pa? Puwede namang si Ryeko. Tutal ito naman ang mahilig sa bata.

"Umamin nga kayo," bumuntong-hininga siya at isa-isang matamang tiningnan ang mga kaibigang nakatingin na rin sa kanya, "Isa sa inyo ang totoong ama ng batang iyan. Isa sa rin sa inyo ang nag-iwan sa labas ng unit ko para ipaako saakin ang responsibilidad na hindi niyo magawa," ngumisi siya sa mga kaibigang maang na ngayong nakatingin sa kanya, "Aminin niyo na."

"Hoy! Tangina nito!" si Ryeko ang unang nakabawi, "I find him cute but no way. No fucking way. This child is not mine. I'm a hundred one percent sure of that."

Instant Father (Instant Series #1) [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now