Chapter Twenty Five :)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano ba? Nakita ko kasi kayo kaya lumapit ako. Babati sana kaso, may mukha mukha ever kayong pinag-uusapan." nag pout pa sya at inirapan ako. Ako pa talaga? Ugh. Kakaiba talaga ang babaeng ito. Sala sa kulit, sala sa sobrang matampuhin.

Napabalik ang atensyon ko kay Ice ay may kinakalikot na sa phone nya. "Ice—"

"Nga pala! After class, tarang mag audition!" may inangat syang papel na halos kasing size na ng isang letter size na typriting. An invitation for those interested parties to join the audition, set for the annual feb film festival na ginaganap sa school.

"Not interested." walang gana kong sagot. Inayos ko ang bag ko at sinabit iyon sa balikat ko. "Bakit sabi ni Adam, punta daw tayo sa may auditorium? Ngayon na?" imik ni Ice. Si Adam pala yung katext nya kanina.

Nagkibit balikat lang si Trisha at mukhang napaisip na din. The three of us decided na sundin ang sinabi ni Adam. Natagpuan namin si Adam na titig na titig sa bulletin board sa harap ng audi.

"Anong meron?" I asked. Sinundan ko ang tinitingnan nya at agad na napakunot ang noo sa nakita ko. "What the hell is that??!! Sinong naglagay ng pangalan ko dyan?" gigil kong sabi.

"I think, bago umalis si Catherine, pinalagay nya pangalan natin." mahinang imik ni Trisha habang titig na titig dun sa papel sa may bulletin board. Ngumiti sya nagtatalon. "Oh my gosh! Buti na lang ginawa yun Catherine! I'm really excited for this! High school pa lang ako, gusto ko na talaga mag audition dito. Finally! Matutupad na dreams ko!" she said almost making a squeal.

Napairap ako ng di oras. Kahit kailan talaga, si Catherine panira. "Hey, kanina ka pa. Okay ka lang?" napansin kong medyo out of the usual business si Ice. Anyare dito? Okay naman kami kanina.

"Yeah. I just remembered something. Uhm, I think we should audition." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "What? You're kidding right? No way! Balit naman ako sasali dyan? I suck at acting!" Anong nakain ni Ice at nasabi nyang mag audition kami? Sooo not him! Ice is completely out of himself today. Kung ano man ang dahilan, kailangan kong malaman.

"Yeah, sali na tayo." medyo bored na imik ni Adam. Pinandilatan ko sya ng mata. "No way! Hindi ako sasali kahit sumali pa kayong lahat! Kontento na ako sa panunuod na lang sa inyo. Bahala kayo."

"Adam is joining because Kendy is joining." bulong sakin ni Trisha. Napatingin ako kay Adam na busy sa pagtetext. Wait, okay na agad sila ni Kendy?

"Sigi ka. Pag di ka sumali, baka si Blue pa ang makapartner ni Ice." pang aasar pa ni Trisha. Sinamaan ko sya ng tingin. "Dont you dare say that! Wala kang karapatan! Pag yan nagkakatotoo, I'll come hunting you!" tinawanan lamang ako ng magaling nung lukritang babae na iyon.

"Ayaw pala ha." pang aasar ni Adam ng mapansin nyang kumuha din ako ng form for application. Siniko ko sya pero tinawanan lang nya ako. While Ice is still on his unsual state. Ano ba kasing nanyari dun?

"Tanga-ina. Anong gagawin ko dito? Ipapahiya ko lang sarili ko!" mahina kong imik. Baka mamaya mapagalitan pa ako ni Miss Leila dahil sa ingay ko. Nagta transform pa man din yun pag nasa loob sya ng theater room. Nagiging beast sya eh. Nakakatakot. Yung iba ngang nag audition na babae naiiyak sa katarayan nya. Ano pa ako na walang muwang sa mundo?

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon