"Uhm, Y-you... Too." I'm stuttering. Nakakahiya.

"I'll leave you two alone." Nakangiting sabi ni mommy. Tumalikod na si mommy at daddy.

"So, Miranda how old are you?" Tanong nito.

"Nineteen." Sagot ko.

"Quite young. I'm 25 years old." Sabi nito.

Awkward silence. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngayon ko na realize how socially dysfunctional I am.

"Wanna go for a walk?" Tanong nito.

"Sure." Sagot ko.

He took my hand at lumayo kami sa maraming tao. Napunta kami sa liblib na parte ng garden.

"Teka, saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko.

"I just want to spend some time alone with you." Nakangiting sabi niya.

"Ok..." Sabi ko.

"Let's sit over there." Turo nito sa isang malaking puno. Hinubad niya ang tuxedo jacket niya at inilapag sa damuhan. Pinaupo niya ako doon. Kinikili ako! No guy has ever treated me like this. Feeling ko ako yung bida sa pocket books na binabasa ko.

Umupo siya sa tabi ko. "Andi, tell me about yourself."

Nag-isip ako sandali. "I like reading books."

"Me too. I'm a big fan of Stephen King. Mahilig din ako sa history at mga biography books. What tyoe of books do you like to read?"

"Gusto ko yung mga classic romance novel katulad ng Pride and Prejudice, The Count of Monte Cristo at Gone with the wind, Romeo and Juliet." Sagot ko.

"Hopeless romantic ka 'no?"

"Medyo." Nahihiyang sabi ko.

Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko ng walang sabi-sabing hinalikan niya ako. MY FIRST KISS! Gusto ko siyang itulak pero parang nanigas ang buong katawan ko. Bakit ganito? Parang walang spark. Hindi katulad ng mga nababasa ko sa pocket books. He deepen the kiss, I felt his tongue trying to enter between my lips. Ew gross! Nag-ipon ako ng lakas para itulak siya.

"Ano bang problema?" Inis na sabi nito.

"Y-you kissed me!"

"Walang mali doon. Fiancee kita!"

"Fiancee?" Gulat na sabi ko.

"Yes. Ipinagkasundo na tayo ng mga magulang natin kaya wala na tayong magagawa. We're stuck together. Kaya enjoyin na lang natin ito." He grinned. Kinabig niya ang ulo ko at muli niya akong hinalikan. I tried pushing him pero malakas ito. Napahiga kami at dinaganan niya ako. Oh my god! I think I'm going to get raped! Mabilis niyang nababa ang strapless dress ko hanggang sa tiyan ko. Buti na lang may bra ako.

"Dude, I don't know where the fuck I am..." May narinig akong boses ng isang lalaki. "Hindi ko nga alam kung nasaan ako... Yeah, sinunod ko naman yung sinasabi mong direction..."

"Jesus Christ, get a room!" Gulat na sabi niya ng makita kami. Huminto si Jason sa paghalik sa akin at tumayo ito.

"No, not you... may mga nagtutukaan dito." Natatawang sabi ng lalaki sa kausap niya sa phone. Inayos ko ang dress ko. Humabol ako sa lalaki at kumawit sa braso niya. I want to get away from that pervert. Gulat na napatingin ito sa akin. "May I help you?"

"Please, ilayo mo ako dito." Nanginginig ang boses na sabi ko.

"Andi!" Tawag ni Jason. Hindi ako lumingon sa kanya. Napahawak ako ng mahigpit sa braso ng estrangherong ito. My whole body was shaking.

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon