Masaya siyang binati ni Mrs. Sapno ng makapasok siya sa opisina niya.

"Magandang umaga mahal na prinsesa," masayang bati nito kay Kim.

"Good morning Mrs. Sapno," balik bati niya naman. "Kamusta po kayo?"

"Eto excited na, pupunta kasi kami sa America ni Lloyd para sa pasko, kaya excited na akong matapos ang araw na ito," masayang kwento niya naman patungkol sa bakayon nilang magasawa. "Kayo mahal na prinsesa ano ang balak niyo ng prinsepe."

"Hindi ko pa po alam eh, pero most likely sa palasyo lang po kami," sagot naman ni Kim.

"Oh siya, maiwan na kita, I'll talk to you mamaya before I leave princess." sabi nito ng maalala na magrorounds pa pala siya, "Tatapusin ko muna ang pagrorounds ko."

At saka lumabas na ito ng opisina ni Kim. Naiwan naman si Kim na nagiisip. 'Oo nga no pasko na in two weeks. First time niyang magpapasko sa palasyo.'

Sa buong maghapon ay naging abala si Kim. Kabikabilang meetings ang inatendan niya. Pagpipirma at ang pagcheck na everything is settled para sa ospital for next year.

Hindi niya naman nakalimutan bisitahin si Ashley, ang isa sa mga paburito at kaibigan niyang bata sa ospital na may Leukemia. 7 years old pa lamang eto at last year lamang nadiagnose. Kahit na Stage 2 pa lang ang cancer nito ay inadvice na ng doctor na magchemo na ito para tigilan ang pag spread pa nito sa buong katawan. Sinabi na rin ng doctor na she's blessed dahil naagapan siya.

Naaawa si Kim sa bata dahil kahit na galing ito sa marangya pamilya ay tanging yaya lang nito ang lagi niyang kasama sa ospital.

"Hi Ashley," bati ni Kim ng makapasok ito sa kwarto.

"Princess Kim," bati ni Ashley sa prinsess.

"Kamusta ka na Ashley?" sabi ni Kim.

"Okay naman po," sagot ng bata, "Princess kailan niyo po makakasama ang prince na dumalaw sa akin, never pa po kasi ako nakikita ng prince eh," request ng bata.

"Wag kang magalala Ashley, pag nagpagaling ka. Ipapakilala." sabi ni Kim sa bata habang hinahaplos ang ulo nito. Nabuhayan naman ng ngiti ang mukha ng bata.

Sa apat na buwan ng pagiging Board Member ni Kim at isa sa mga namamahala sa Children's hospital ay naging sobrang malapit ito kay Ashley. Talagang sadyang mahilig lang talaga siya sa mga bata. Sa isip isip niya ang saya siguro magkaroon ng sarili. Kakaawa nga lang si Ashley, hindi man lamang siya ienjoy ng magulang niya. May sakit pa naman ito.

Alasiyete na ng gabi ng makauwi si Kim. Sinalubong naman siya ni Xian sa may pintuan.

"Good evening," nakangiting bati nito saka dinampian ng halik ang pisngi ng asawa.

"Hey, good evening rin," sagot naman ni Kim.

"Kamusta araw mo?" tanong ni Xian sa asawa.

"Okay naman, last day ko na today for this year. So i'm officially on vacation," kwento ni Kim, "Ikaw?"

"Well sadly di ko pa bakasyon, It'll be my last day though tomorrow, I just have one important meeting with Mr. Sy. At pagkatapos nun sa wakas bakasyon na." nakangiting sabi ni Xian sa kanya.

"Isang araw na lang pala eh, kaya wag ka nang magreklamo diyan," birong ni Kim kay Xian.

"Sa bagay tama ka, tara na muna sa taas freshen up muna tayo. Nagpahanda ako ng dinner kay manang ngayon eh." natatawang sabi nito saka umakyat sa kanilang mga kwarto para magpalit.

"Ohh buti at andiyan na kayo mahal na prinsepe at prinsesa. Tamang tama handa na ang hapunan." Bati ni Manang Julie sa kanila ng makapasok sila sa dining Room.

"Salamat Manang," sabi ni Kim.

"Kayo Manang, kumain na po ba kayo ni Manong Murdock?" tanong ni Xian sa matanda.

"Tapos na kami mahal prinsepe, kumain na kayo ng prinsesa. Bago lumamig ang pagkain," sagot ni Manang Julie.

Nang makaupo napansin ni Kim na ang dami ng pinahanda ni Xian. Halos karamihan pa nito ay ang kanyang paborito. Siomai, Beefsteak, Kare Kare at Crispy Pata. And mukha candlelight and peg nito.

"Uhmm Xian, ang dami naman nitong pinahanda mo kina manang, Anong meron?" takang tanong ni Kim.

"I just simply want us to celebrate Mimay." simpleng sagot nito.

"Celebrate? anong icecelebrate natin. Hindi naman pwede na napromote ka, kasi prinsepe ka na, di naman pwedeng napromote din ako kasi dapat alam ko di ba, di naman din pwedeng....." sunod sunod na sagot ni Kim kay Xian na litong lito.

"Shhhh..." paglagay ng daliri ni Xian sa bibig ni Kim na nagputol sa susunod nitong sasabihin. "Wow, I never knew your that talkative. And yes, neither of us got promoted, dahil di posible iyon. The only time we get promoted is pag pinasa na sa atin ni mama and papa ang throne."

"Anyways, gusto ko lang na magcelebrate tayo. Kasi last night was the best night of my life. And thank you Mimay for giving that to me," pagpapatuloy ni Xian sa sinabi.

"Xian, di ba responsibilidad ko naman iyon bilang isang asawa mo na dapat matagal ko nang ginawa?" sagot ni Kim.

"Kim, eto ang tatandaan mo," saka inabot ni Xian ang nga kamay ni Kim na nakapatong sa lamesa, "Para sa akin, what happened last night wasn't a responsibility. You made me complete again."

Kung ano man ang ibig sabihin ni Xian sa mga sinabi niyang iyon ay hindi maintindihan ni Kim. Ayaw niya naman na sirain ang gabi nila kaya trinay niya na ichanged na lang ang topic.

"Ano ba yan we're getting so serious again. Kain na muna tayo, lumalamig na yung pagkain oh," saka tumayo si Kim para bigyan ng pagkain si Xian, "Etong Beefsteak lagyan kita di ba favourite mo to?"

Saka ngumiti si Xian sa ginawang iyon ni Kim. Habang kumakain ay nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa araw nila. Nasabi na rin ni Xian kay Kim na lumipat ito sa kwarto na niya. Na wala namang pagtutol na pinaunlakan ni Kim. Naikwento rin ni Kim ang tungkol kay Ashley. Patungkol sa kondisyon nito at pat

"And she said that one day she wanted to meet you," sabi ni Kim ng naghahanda na sila matulog sa kama ni Xian.

Sa totoo lang, Kim feel so secure ngayon na nagshashare na sila ng kama ni Xian. Ni wala man lamang siya nasesense na awkwardness o kahit ano sa tabi ni Xian.

"Why don't we invite her sa King's Fair next week. Para naman she can enjoy rin." suggestion ni Xian patungkol kay Ashley. Saka tumabi kay Kim sa kama.

"I'll ask her parents. Hopefully she'll be well enough. Okay lang ba yun kina mama at papa?" tanong ni Kim.

"Oo naman, the more the merrier di ba? How about Nanay Zheny and Tatay Chen saka na din si Enchong nasabi mo na ba?" sagot ni Xian.

"Nabanggit ko na sa kanila, nuon," tipid na sagot ni Kim.

"They can stay here naman sa palasyo para hindi na sila mapagod sa biyahe, ako na ang bahala sa kanila magsabi," sagot naman ni Xian.

"Salamat Xi," sincere na sagot ni Kim.

"Don't mention it Mimay. Tara, tulog na tayo," sunod na sabi ni Xian na may halong kapilyuhan sa tono nito. Saka niyakap si Kim.

Hindi naman na tumanggi si Kim dahil mabilis na nangyari ang mga susunod na tagpo. At sa pangalawang gabi ng pagshashare nila ng kwarto ay naganap ang pangyayari na matagal ng pinipigilan ni Xian sa mahigit 6 na buwan pagsasama nila sa isang bubong.

******************************* Tuloy tuloy na ba ang magandang pagsasama ng magasawa? Abangan sa mga susunod na kabanata....

Sana nagustuhan niyo po ang chapter na ito. At sana kinilig din po kayo ng todo katulad ng pagkakilig ko nung sinusulat ko po ito. Thank you sa lahat ng suporta niyo.

inspirasyon ko kayong lahat ng mga KimXis please comment po, suggest or magSONA po kayo i appreciate all of them po.....Maraming Salamat po...

Please vote, and comment po :)

PLEASE FOLLOW ME ALSO FOR KIMXI KABALIWAGAN AND MORE UPDATES ON TWITTER @MsDIXi2330

-----Dianne--- :)

The Princess (KimXi Fan-Fiction) EDITINGWhere stories live. Discover now