Chapter 30: Unknown number

9 1 0
                                    

Ivanka.


Hindi ko magawang bumangon sa kama. Ni ang kumain ay hindi ko magawa. Parang masyadong nabugbog ang katawan ko at isipan sa nangyari kahapon. Hindi nito matanggap ang nangyayari. Parang isang bangungot lang ang lahat.

Walang pasubali ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Naramdaman ko agad na sila mama ito at si ate.

"M-ma, 'wag muna natin siya guluhin. Kailangan niya mapag-isa--"

"Pwede ba, Irene? Look at the mess she have done! Dapat niyang malaman ang mga kamalian niya." tinanggal ni mama ang kumot na ginagamit kong pangharang. "Tell me what happened Ivan! Hinayaan kita sumali sa contest na iyon kahit hindi ka nagpaalam sa akin. Hindi mo na nga nirerespeto ang mga decision ko para sa iyo and now you did this!"

Hindi ko magawang tingnan sila. Itinapat naman ni mama sa lebel ng aking mga mata ang cellphone niya. 

The youngest daughter of Dela Serna, retokada?

Ivan Dela Serna, the plastic surgery monster and face of St. Augustine's runner up

The drop of shares in Dela Serna's company 

How does Dela Sernas and Chengcuencas can resolve Ivan's plastic surgery issue?

At hindi ko na tuluyang nabasa pa ang iba dahil inanod na ako ng mga luha sa aking mga mata. Ang dami na namang nadamay sa ginawa ko. Bakit kahit anong gawin ko, hindi sumasaya ang mga tao sa paligid ko?

"Look, just look at the headlines," galit at gigil na sabi ni mama. "I let you have that plastic surgery for the betterment of yourself na sinasabi mo and this is all the result I will get? Are you embarrassing me? Tell me how we will find a solution to this!" ginulo nito ang kanyang buhok. "And the Chengcuencas? What are they going to do now? This is insane! They will probably take their shares out and break off the engagement!"

"Ma, ano ba! Hindi mo ba nakikita? Nasasaktan si Ivanka. Sumasakit din ang puso niya sa nangyayari... and all you can think of is your damn business? How about this family? Hindi mo ba naiisip kung anong magpapasaya sa amin--" akmang sasampalin na siya ni mama pero humarang ako at sinalo ito. "Ivanka!"

"You deserve that slap, Ivan. You are ruining our family's name."

Hawak-hawak ko ngayon ang pisnge ko dahil kumikirot ito sa sakit. Natawa na lamang ako. "Alam mo, 'ma. Hindi na ako nasasaktan sa sampal mo? All these years, laging iyan ang natatanggap ko sa iyo. Alam mo kung anong mas masakit? Na kahit kailan, sa mga taon na iyon, hindi mo ko tinanggap bilang anak mo. Lahat ng taon na iyon, pinilit ko i-please ka at ang ibang tao sa paligid ko, pero anong nakukuha ko? Ni katiting na pag-ibig mo wala."

Namilog ang mga mata nito at nakita ko ang tila pagbabadya ng kanyang mga luha. Pero wala akong maramdaman. Wala akong maisip. Puro sakit lang sa puso ko ang natitira.

"Ivanka--"

"Please 'ma. Kung pagagalitan mo lang ako, umalis ka na sa kwarto ko. Bukas na lang ulit. Masakit na ang ulo ko. Kaya ko pakinggan kang magalit uli sa akin, pero bukas na sana. Hayaan n'yo muna akong mag-isa. Hindi ko kayo kailangang magalit ngayon."

Hinagis niya ang kanyang cellphone sa sahig sa sobrang galit bago tuluyang umalis. Umupo na ako sa kama ko dahil naubusan ako ng lakas sa mga sinabi ko kay mama. Napaupo rin siya sa tabi ko at hinagod ang likod ko.

"Kumusta ka?" aniya na may tonong pag-aalala. "May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba? Anong kailangan mo?"

Tinuro ko ang dibdib ko. "A-ang sakit nito, Ate. Sobrang sakit. Bakit lahat ng pinagkakatiwalaan ko, sinasaktan ako?"

Pretty In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon