#WFChapter14

80.4K 622 38
                                    

Matapos ang lampungan na naganap sa kusina ay pinagpatuloy na namin kumain ng pagkain dahil kailangan namin ng lakas. Kailangan pa rin namin ng pagkain, hindi puro mga ari ng isa't isa ang kinakain namin. Infairness, masarap siyang magluto.

"Ang sarap ng luto mo." Pagpuri ko sa kanya.

Ngumiti naman siya. "Salamat. Paglulutuan kita palagi. Kahit gusto kong sexy ka, pero mas gusto kong tumaba ka."

"Baliw." Sagot ko sa kanya. "Seryoso, masarap kang magluto. Pwede ka ng mag-asawa."

Natawa naman siya habang tutok sa plato. "Okay. Pwede ka na bang asawahin?"

Bukambibig niya talaga iyong pagbubuntis ko at asawahin ako. At least alam ko na agad ang plano niya sa akin. Hindi lang talaga sex ang habol niya sa akin.

"Annulled ka na ba?" Balik kong tanong sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin sabay ngisi. "So, kapag na-annulled ako, pwede na kitang asawahin?"

Nagkibit-balikat naman ako. "Depende sa singsing."

Tumango naman siya at ngumiti. Muli naman siyang nag-focus sa pagkain pero may sinambit siya na halos pabulong pero tama lang na marinig ko. "E 'di bilhin ko ang lahat ng singsing para more chances of winning."

Napangiti ako dahil kinilig ako. Lahat talaga ay gagawin niya para makuha ako. Iba rin ang galawan niya. Nilandi muna ako sa chat at ginalingan sa unang sex namin para kumapit na ako sa kanya. 

Nag-focus na lang din ako sa pagkain dahil kailangan kong mag-recharge dahil may huling sex pa kaming gagawin. Bilib na talaga ako sa titi ni ninong, stronger than ever. Hindi sumusuko. At s'yempre, bilib din ako sa paper roses ko kasi hindi rin nagpapatinag sa lakas at laki ng titi niya.

Kasi nga, once a sexbomb always a sexbomb. Get, get, aw. Emengard!

Matapos kumain ay tumambay kami ni ninong sa may dalampasigan. Nakaupo kami sa nakatumbang punong kahoy. Nakaharap kami sa karagatan habang nililipad ng hangin ang mga buhok namin.

Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapangiti dahil ang memorable ng first date namin. Hindi niya ako dinala sa fancy restaurant or place. Talagang dinala niya ako sa property niya. Talagang pinaramdam niya sa akin na ito na ang mayroon siya, ako na lang ang kulang.

Gusto ko sa ganitong lugar. Ang payapa. Nakakagaan sa pakiramdam. Linibot ko pa ang paningin ko. Private property pala ito kaya walang tao sa side ng dagat na ito.

Tinignan ko naman siya na busy pa rin sa pagmasid sa karagatan. Side profile na lang niya ito pero ang pogi pa rin niya. Lord, akin na lang talaga ang lalakeng ito.

"Iyong totoo, ga'no ka kayaman?" Tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya bago ako tignan. Nililipad ng hangin ang buhok niya at ang pogi pa rin niya kahit ang gulo ng buhok niya. Naka-sando lang din siya at boxer shorts. Ang sexy tuloy tignan ng biceps niya. Kayang-kaya talaga ako buhatin.

Napakunot-noo naman siya. "Bakit mo naman natanong 'yan?"

Ang humble naman ng lalakeng 'to. Ayaw pang umamin. "Private resort 'to. Hindi lang basta-basta ang ginastos mo rito."

"Mura lang 'to." Simpleng sagot niya sabay akbay sa akin pero ang totoo ay dinakot niya lang ang suso ko. "Para 'to sa dalawa kong anak at sa babaeng mamahalin ko habang-buhay kung saan ay katabi ko na siya ngayon. Kaya wala sa akin kung magkano ang ginastos ko rito. Bakit?Nagustuhan mo ba rito?"

Bukod sa view, ikaw din nagustuhan ko. Emengard!

Kinilig ako sa linya niya! Gusto na niya akong makasama habang-buhay. Nabibilisan man ako sa mga nangyayari pero sa kanya, alam kong dumating ako sa tamang panahon niyang ito. Handa na ang lahat sa kanya at ako na lang ang kulang.

Wild Flower (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon