#WFChapter8

108K 726 94
                                    

Dumating na nga ang exciting na araw. Nasa harap kami ng pinto ngayon, ako, si papa at si Ninong Greg. Pinagpaalam ako ni Ninong Greg na isasama nya daw ako kuno sa mall para bilhan ng mga gusto ko pambawi sa hindi niya pagpapakita sa akin nang matagal na panahon.

I'm sorry, pa. Ang dami ko ng nagagawang kasalanan dahil sa kumpare mo. Ang dami ko ng kasinungalingan sa'yo. At pa, I'm sorry dahil bubuntisin ako nitong kumpare mo! Iyong kumpare mo ay magiging son-in-law mo na. Emengard!

"Ako na ang bahala rito kay Aryan, p're." Sambit pa ni Ninong kay papa.

Tumango naman si papa at tinignan ako. "Ikaw, Aryan, ha. Baka naman mamahalin ang ipabili mo sa ninong mo. Maawa ka d'yan. Marami pang binubuhay na babae at panganay ang ninong mo."

Nakita ko naman na pinanlakihan ni Ninong Greg si papa. Nagpigil na lang ako ng tawa dahil alam talaga ni papa ang kalokahan nito ni ninong dati. Hindi na lang sumagot si ninong.

"Grabe ka sa akin, pa. Nakakahiya kay ninong baka kung ano pa ang isipin." Reklamo ko pa kay papa na nagpapanggap.

Sumimpleng hawak naman sa bewang ko si ninong. "Grabe ka naman sa maraming babae at panganay, pare. Baka ang isipin ni Aryan, iyong ninong nya ay hindi magandang role model sa kanya." Hinanakit pa ni ninong kay papa bago ako tignan. "Saka h'wag kang mag-alala, Aryan, kahit ano'ng gusto mo ipabili, bibilhin ni ninong."

Natawa na lang si papa na napapailing. "O s'ya, mag-ingat kayo. At ibalik mo 'yang anak ko mamayang gabi."

"Iingatan ko talaga 'tong anak mo, p're." Sagot pa ni ninong sabay haplos ng kamay niya sa bewang ko. Simpleng manyak lang.

"Sige na. Ingat kayo." Kumaway na si papa at pumasok sa loob ng bahay.

Kami naman ni ninong ay naglakad na palabas sa gate kung saan ay nandoon ang kotse niyang nakaparada. Iba talaga kapag sugar daddy. Kumpleto sa gamit para makalandi.

Binuksan niya ang pinto sa harap para pasakayin ako pero bago ako makasakay ay pinalo niya ang pwet. Okay na sana dahil gentleman na siya sa pagbukas ng pinto para sa akin pero hindi talaga mawala ang kaharutan niya.

"Manyakis..." Sambit ko sa kanya nang makasakay na ako.

Tumawa lang siya at sinara na ang pinto sa side ko bago umikot para sumakay naman sa driver's seat. Nagsuot muna siya ng seatbelt at chineck niya rin kung maayos ang seatbelt ko. Pinatong niya ang kanang braso niya sa ulo ng upuan ko habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela at tinignan ako.

"Ano?" Pagtataray ko sa kanya. Kunwari pakipot ako kahit natira na niya ako.

Ngumisi naman si ninong. "Hiwalayan mo na jowa mo."

Inirapan ko naman siya. "Hanggang sex lang tayo, ninong. Okay?"

Tumango naman siya sabay hawak ng kamay niya sa hita ko dahil naka-palda ulit ako. Again, para easy access sa kanya. Haplos pa lang ito pero parang bet ko ng umibabaw sa kanya. Grr!

"Umandar ka kaya muna baka makita tayo ni papa." Sita ko sa kanya.

Natawa naman si Ninong Greg sabay pisil sa pisngi ko. Favorite ko na ata ang tunog ng tawa niya dahil lalaking-lalaki. "Bakit ba ang sungit mo sa akin ngayon? Buntis ka na ba agad at ako ang pinaglilihian mo?"

Inirapan ko ulit siya. "Excuse me. Ininom ko 'yong gamot."

Ngumiti lang siya at tumango. Umayos siya ng upo at pinaandar na ang kotse. Binalot pa kami ng katahimikan na para bang kinakapa pa namin ang isa't isa. Hello, ito ang second day naming nagkita.

Nakahalukipkip lang ako habang nakatingin sa daan. "Naiinis ako sa'yo."

Tinignan naman niya ako saglit bago tignan ang daan. "Bakit? Ano'ng nagawa ko?" Pag-aalala niya sabay hawak ulit niya sa hita ko at pinisil 'yon.

Wild Flower (Rewritten)Where stories live. Discover now