#WFChapter12

93.9K 674 98
                                    

Humaplos pa ang kamay ni ninong sa pawisan kong likod. "May tatlong putok pa akong gagawin sa'yo, Aryan." 

Tatlo pa?!

Tangina niyong mga Suarez! Nakakapagod ang tradisyon niyo!

Binuhat na ako ni ninong sa mga braso niya paakyat sa ikalawang palapag ng resthouse niya. Huminto muna si ninong sa huling baitang ng hagdan para bigyan ako ng chance na pagmasdan pa ang ikalawang palapag. Kita kong may tatlong kwarto rito.

"Pinagawa ko 'tong resthouse para sa amin ng mga anak ko kaya may tatlong kwarto." Pagku-kwento ni ninong. "Dito ko talaga gustong mag-bonding kaming mag-aama dahil malapit siya sa dagat. Gusto ko talagang bumawi sa kanila."

Nakatingin lang ako sa kanya at kita ko ang naghahalong lungkot at saya sa mukha niya. "Bakit hindi mo sila dalhin dito?"

Nagkibit-balikat naman siya. "Galit pa sila sa akin at nauunawaan ko iyon. Pero, hindi ako titigil na makuha ulit ang loob nila. Hindi ko naman sila kukunin sa mama nila, kaunting oras lang nila ang hihingiin ko, masaya na ako."

Nabalot din ako ng kalungkutan. Ramdam ko na nagsisisi na siya sa mga dating nagawa niya. Nasa huli nga ang pagsisisi pero hindi pa huli ang lahat para magbago at ipakita sa mga taong nagawan mo ng pagkakamali na hindi na ikaw ang dating ikaw, na natuto ka na sa mga pagkakamali mo noon.

Sinubukan ko siyang ngitian. "H'wag kang mag-alala. Tanggap ko ang dalawa mong boys. Tutulungan kita para makuha ulit ang loob nila. Basta tumino ka na at h'wag mo ng ulitin ang mga nagawa mo sa kanila. Stop being the cause of your children's traumas, Mr. Gregory."

Ngumiti si ninong sa akin at tumango. "I know. Thank you, Aryan. Boys ko lang ba ang tanggap mo? Paano ang daddy? Hindi mo pa rin ba pwedeng gawing boyfriend-daddy?"

Natawa naman ako sa kanya. "Baliw."

Pumasok na kami sa isang kwarto. Mukhang ito ang master bedroom at halatang ito ang kwarto niya kung saan ay kita ang beach mula sa window glass niya. Mukhang napag-ipunan niya talaga ito dahil ang ganda ng master bedroom.

Kumpleto ito sa mga gamit. May flat screen na TV, king size bed, mini closet, at marami pang iba. Gusto ko na lang sabihin na nasa tamang sugar daddy na ata ako.

"Ganda ng kwarto ko, 'no?" Banggit ni ninong kaya napatingin ako sa kanya. "Kwarto mo na rin ito kapag ako talaga ang jinowa mo. Ang ganda ng kwartong ito para magkantutan tayong dalawa, Aryan."

Tinaasan ko siya ng kilay habang nagpipigil ng tawa. "Pinanganak ka ba para lang kumantot?!"

Natawa lang siya at kita ko ang paggalaw ng adam's apple niya. Pumasok pa si ninong sa banyo at linapag ako sa bathtub. Taray may bathtub siya rito sa resthouse niya at window glass din dito kaya kita ang tanawin mula sa labas.

Pinaagusan na ni ninong ng tubig ang bathtub bago ako samahan dito sa bathtub. Pumwesto siya sa may likuran ko na nakabukaka kaya nasa gitna ako ng mga hita niya habang nakasandal ako sa katawan niya. Dama ko rin ang ari niyang tumutusok sa pwetan ko.

Patuloy lang na umaagos ang tubig para punuin ang bathtub. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko sabay yakap sa akin. "Ganda ng view, 'di ba?"

Tumango ako habang pinagmamasdan ang kulay asul na dagat at puting mga ulap habang nililipad ng hangin ang mga sanga ng puno sa labas ng resthouse. Ang payapa ng surroundings. Kung gusto mo talaga ng pahinga na malayo sa stress ng siyudad, tamang-tama ang resthouse niya para makapag-relax.

"Talagang nag-effort ka pa talaga sa resthouse mong ito, ha. Pero ang ganda. Gusto ko ulit bumalik dito." Sagot ko sa kanya.

"Dadalhin kita rito lagi, Aryan." Sagot naman niya.

Wild Flower (Rewritten)Where stories live. Discover now