Gonzales-Montefalco [9]

Mulai dari awal
                                    

Nag-vibrate na ang cellphone ko kaya tinignan ko ito. Sakto namang si Jona na pala ang nag-text.

"They're here at the cafeteria. Nasaan ka na ba?"

I replied to her, "I'm on my way. Thanks."

Nang makarating na kami sa school, nagpaalam ako kay Seiya at mabilis ding lumabas ng sasakyan. Kailangan kong maabutan sila Azi! Pumunta muna ako sa isang stall na nagtitinda ng mga inumin dahil nauhaw ako sa pagmamadali. Bumili ako ng Buko Juice at naglakad na ako ulit papuntang cafeteria habang nainom.

Nang marating ko ang cafeteria, nakita kong papasalubong sa'kin sila Azi. Saktong may naisip akong gawin ng makita ko ang pagtaas ng kilay ni Lian at ang pag-ngisi niya. Tinignan ko ang braso niyang malayang nakalingkis sa braso ni Azrael. Oh bitch, get ready to be damn sticky and wet. Ginantihan ko si Lian ng nakakapanindig-balahibong ngisi. Matakot ka na Calzado dahil sisiguraduhin kong hindi ka uuwi nang walang bakas ng luha 'yang mata mo.

Habang palapit sila ng palapit ay naglakad na din ako salubong nila. Sinadya ko ring banggain sila.

"Oh my Ghad!" singhap ni Lian nang makitang natapunan ko si Azrael ng juice na hawak ko sa damit niya.

Um-acting akong natataranta at hindi alam ang gagawin, "I'm so sorry, Azi! Hindi ko sinasadya!" humingi ako ng paumanhin sa kanya habang pinupunasan ang damit niya.

"What the fuck, Maria?!" iritang sigaw ni Azrael. Napansin kong nanggagalaiti sa tabi niya si Lian. I smirked secretly.

"Anong hindi sinasadya?! Eh halata namang sinadya mong bungguin kami! Too bad, hindi sa akin nabuhos yang juice mo." Lian frustratedly stated. Now now, my plan is working according to what I planned. I smirked at her. The evil-smirk I usually make whenever I see her broken-times-two face.

"Okay, I'll admit it. Sinadya ko ngang bungguin kayo." pag-amin ko. I raised my eyebrow at her still with my evil-smirk. Oh oh, don't think that this is my finale. I still have my nerve-wracking scene that everyone would love.

Mas lalo siyang nanggalaiti sa pag-amin ko, "You see, babe?! This woman is really evil, and a bitch!"

Napatawa ako sa sinabi niya. Now now, let me finish what I started.

I mockingly smiled at her, "Patapusin mo muna ako, pwede? Hindi ko sinasadyang buhusan ng juice si Azrael. Heto ang sinasadya ko," sabi ko at binuhos sa ulo ni Lian ang natitirang juice ko. Naabot din ng paningin ko ang isang estudyanteng may dala-dalang coke in can. Hinablot ko ito sa kanya at imbis na ibuhos ulit ay sinaboy ko na ito sa pagmumukha ni Lian. You see, bakit kailangan ko pang dahan-dahanin, kung pwede ko namang biglain?

Napatawa ako ng makita ko na napaubo-ubo siya sa ginawa ko. Mukhang napasukan ng coke ang ilong niya. Hahahaha eww.

"Maria!" sigaw na naman ni Azi. Ay, andito pa pala siya. Haha hindi ko na kasi siya napansin ang tahimik niya kasi e. Tinaasan ko siya ng kilay. What Azi? Hanggang pagtawag ka na lang ba ng pangalan ko? Sa loob-loob ko, nagdiriwang ang kaluluwa ko dahil alam kong hindi rin ako kayang galawin ni Azi. I smiled at that thought.

Napapatawa-tawa pa rin ako ng sagutin ko siya, "What? Eh kasi mukhang hindi niya alam ang meaning ng hindi sinasadya sa sinasadya, kaya di-nemo ko na lang sa kanya. Well, sorry Lian.." sinadya kong bitinin ang sinasabi ko at nagkunwaring nagsisisisi din sa ginawa ko. Nakikita ko rin ang pagsilay ng ngiti sa mukha ni Lian ng marinig na nag-sorry ako. Pero agad rin iyong nawala ng ituloy ko ang aking sasabihin, "I'm sorry but I'm not sorry for what I have done, bitch. You deserved that. Masyado ka kasing masakit sa mata." pagtataray ko sa kanya. Binalik ko din ang cold-exterior ko. I'm done of fooling around. This is only the beginning, and I'm not done yet.

Mukha siyang lalong nairita sa sinabi ko. Bruha ka pasalamat ka nga at iyan pa lang ang nagagawa ko sayo. Pasalamat ka rin at hindi ko hinablot iyong tinidor ng estudyanteng dumaan kundi, hindi ka lang naliligo sa juice na ibinuhos ko kundi sa sarili mo ring dugo.

Nang matanaw ko na naman ang mala-anghel na mukha ni Azi ay lumambot na naman ang expression ng mukha ko, "I'm so sorry Azi, pero hindi ko talaga sinasadya yung sa iyo." malambing kong sabi sa kanya at hinalikan ko siya sa labi. Sandali lang iyon. Napasinghap na naman si Lian sa tabi niya maging si Azi naman ay nagulat. Nginitian ko na lang siya. Bingo!

Habang paalis ako, ay sinadya kong banggain si Lian. Na-out of balance tuloy siya. At dahil sa gulat ng paghalik ko ay hindi pa rin nakakaget-over si Azi.

"Tabi nga! Ang laki mong dumi sa daan!" irita ko na namang sabi kay Lian at tuluyan ng umalis.

Hah! I succeed! Nakita ko ang epekto ko kay Azrael ng halikan ko siya. Parang katulad lang din noon nung naging kami. He never liked me being aggressive. Gusto niya iyong malambing lang. That's why when I was planning to do my plan to seduce him, it never worked. Well maybe yes, but only a little. Mas gusto niya, yung pa-demure. Kaya noong naging kami, I was never been aggressive towards him. Siya lang.

At ngayon ko lang din napagtanto, kaya pala mas inis na inis siya sa akin ngayon ay dahil sa pagiging bitch ko sa kanya. Mukhang magtatagumpay na ako sa kanya ngayon, gayong sinisimulan ko na naman ang pagiging demure ko sa kanya. I smirked when I imagined that me and Azi are going to be together again. Sht. I felt my cheeks blushing right now. Damn. Kinikilig na naman ba ako? Tsk.

Oh bitch, get ready because I will rub this to your fucking-broken-face that you are just a nobody when Maria Gonzales-Montefalco is around. That I am the only one that Azrael has loved and will love.. again.

Pagkatapos ng eskandalong ginawa ko, bumili muna ako ng pizza since nandito na rin naman ako sa cafeteria at nagutom ako sa ginawa ko. Napatingin din ako kanila Azi na hanggang ngayon ay gulat sa ginawa kong paghalik habang si Lian naman ay naiiyak na ewan habang pilit na inaalis sa kumpol ng tao si Azi. Mabuti naman at hindi naisipan ni Lian na sundan pa ako at gantihan. Dahil sisiguraduhin ko talagang maihahampas ko na sa pagmumukha niya ang unang bagay na mahahablot ko sa loob ng cafeteria na 'to. Nang makalabas na sila ay sumunod na rin ako.

Pagkalabas ko ng cafeteria, halos mamutla na naman ako ng makita ko ang mukha ni Seiya na seryosong nakatingin sa akin. Oh damn, please don't tell me that he just saw what I did awhile ago..

"Am I screwed my dear cous?"

"Oh bullshit Maria! You're beyond screwed if ever there's still more worst phrase than that."

Okay.. I'm dead..

Akin lang si Azrael Ian Montefalco III [Until Trilogy FanFic]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang