Gonzales-Montefalco [10]

1.3K 26 3
                                    

Gonzales-Montefalco [10]

Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Paano, hatak hatak ako ng nagngingitngit sa galit na pinsan ko. Pilit akong kumakawala sa paghila niya pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko.

Parang may humahabol sa amin sa pagmamadali niya. Nagsisitabihan din ang mga estudyanteng nakaharang sa dinaraanan namin. Hay, paniguradong nakakunot at nakasalubong na naman ang kilay ng singkit na 'to.

Nadaanan namin ang bruha at si Azi pero dahil nakaharang sila, hindi ko alam kung sinadya ba ni Seiya na bungguin si Azi pero dahil sa mabilis nga ang paglakad ni Seiya, hindi na ako nakahingi ng paumanhin kay Azrael. Nakita kong nangunot ang noo ni Azi nang makita niya akong hila-hila ni Seiya. Tsk, kahit kailan talaga siga ang hapon na 'to! Kahit wala siya sa teritoryo niya, wala siyang pinipiling banggain. As in literal na banggain!

"Will you let go of me Seiya?! Masakit na!" hindi ko na napigilang dumaing dahil sobrang sakit na talaga ng hawak niya. Sobrang nanggigigil din siya ngayon kaya sa akin niya binubuhos iyon. Tsk, oo na alam ko namang may kasalanan na nga ako, dinagdagan ko pa kaya mas lalong nangangalit si Seiya.

Imbis na tumigil ay mas hinila niya pa ako. Malapit na rin kami sa sasakyan at walang habas niya akong tinulak papalapit dito.

"Aray ko naman Seiya! Mag-dahan dahan ka naman, pwede ba?!" sa inis ko ay nasigawan ko na siya. Pwede namang huwag niya akong itulak di ba?! Siya na nga itong walang hiyang hinihila ako, tapos ibabalibag niya lang ako na parang laruan? "At tsaka, ano bang ginagawa mo dito?! Di ba dapat umuwi ka na? Bakit andito ka pa rin?!"

Katulad ng pagbalibag niya sa akin, tinapon niya rin papunta sa akin ang cellphone ko. Mabuti na lang at alerto ako kaya nasalo ko ito. Kaonti na lang talaga, mamumura ko na itong si Seiya! Nag-iinit na ang ulo ko sa lalaking ito ha!

"Nakalimutan mo 'yang cellphone mo dito sa sasakyan sa sobrang pagmamadali mo. Nakita ko rin yung text ng kaibigan mo at dahil pakiramdam ko ay may ginagawa ka na namang kahibangan ay sinundan na kita! At totoo ngang nahihibang ka na naman." halos umusok ang ilong niya sa galit. Namumula na rin siya tanda na nagpipigil pa siya ng galit. Huminga ako ng malalim at naghahanda ng ipapaliwanag ko. Alam kong anumang oras ay sasabog siya sa galit at nakakatakot magalit ang isang ito.

"Anong kahibangan ang sinasabi mo Seiya? Wala akong ginagawang masama!"

"Yes you do! Will you stop following Azrael, Maria?! Aside from it's bad for you, you don't deserve him!" nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Seiya. Kahit galit na galit siya ngayon, hindi ko inalintana yun. Saying that I don't deserve Azrael, it's breaking my whole existence. It's like they're slapping me the truth that I'm not worthy of anything or anyone.

Pinigilan ko ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko, "And who do I deserve then?" I asked him coldly. I'm badly hurt of what he have said. It would still be okay for me if he said that Azrael doesn't deserve me. But saying that I don't deserve Azrael? What is the meaning of my existence in this world then? Ganon na ba talaga kasama ang tadhana sa akin? Kahit ang mga tao, hindi ko deserve na makasama kahit sa sandaling panahon man lang?!

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Bahagyang nanlaki ang mata ni Seiya ng makita ang pag-iyak ko.

"I-i.. M.."

"Who do I deserve then, Seiya? Or rather, what do I deserve?!" he's quite shock of my sudden outburst, "Alam mo ba kung gaanong kasakit marinig ang mga katagang 'yan? Yung sasabihing 'I don't deserve anyone'?! And worst, it came from you. The least person I would think na magsasabi sa akin niyan."

"I'm sorry M.. I didn't mean it that way. Please listen to me.."

"No!" pinalis ko ang kamay niyang nagbadyang humawak sa braso ko. "From all people, ikaw lang ang nakakaalam ng lahat ng kagagahan ko sa buhay. And you know why I'm doing these kind of bullshits! But do you know what's running on my mind everytime people tell me those things?" pinahid ko ang mga luhang nag-uunahang tumulo sa mga mata ko. Mabuti na lang at walang tao ang nandito sa parking lot kaya malaya kaming magsigawan ng pinsan ko.

"I'm asking myself, what do I deserve? Who do I deserve? And when is the time that I deserve the people who I love? At ang isa sa pinakamasakit na katanungan sa utak ko? Why did He gave me this kind of life? Is this the only thing that I deserve?! I'm tired of my life Seiya! Can you please at least, let me with this? Mapahamak na kung mapahamak, kahit ngayon man lang, hayaan niyo ako maging masaya! Kahit ngayon lang.. please.."

I'm close to begging and I'm crying hardly. My breathing is getting worse. And this is gonna be bad.. I can feel that my knees are getting weak. Naninikip na din ang dibdib ko sa sobrang pag-iyak.

"Please Seiya.. let me. This is going to be the last. And after this, I'll stop. Please.." and that was the last words I have said before I pass out.

Akin lang si Azrael Ian Montefalco III [Until Trilogy FanFic]Where stories live. Discover now