Gonzales-Montefalco [9]

1.4K 23 6
                                    

Gonzales-Montefalco [9]

Nagising ako na mabigat ang pakiramdam ko at kumikirot ang ulo. Mukhang bukod sa hangover nilalagnat na rin ako ah? Badtrip naman!

"Good thing you're awake."

Napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Seiya. Damn! Andito nga pala siya ngayon. Lagot na naman ako nito!

"What's gotten into you at nagpaulan ka? And you disobey me Maria. Uminom ka kagabi. What's wrong?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. No. Hindi niya pwedeng malaman kung anong pinaggagagawa ko ngayon. Bukod sa magagalit siya, madidisappoint lang siya sa akin. He's right. I really am disobeying him.

"Wala naman.."

"And you think I would believe your little lie, missy? Spill."

Napaikot ang mata ko sa kasupladuhan niya. Tsk hindi ba pwedeng pass muna? Masama ang pakiramdam ko ngayon. Bakit kailangang ngayon niya pa ako i-interrogate?

"Let's not talk about this for now Seiya. Can't you see, I'm not in the right condition? Please, let this pass just this one. And no more questions please! Sumasakit lalo ang ulo ko sa mga tanong mo."

"Fine. But first, drink your med! Cristine have told me, you're not drinking your medicines!" ugh here we go again. Can he just stop overreacting? My head hurts even more about his nagging!

"Yeah, yeah! I'll drink it now. Just stop nagging. It's making my condition, worst. You're giving me a severe headache." I said and I drink my med. Daig pa talaga nito ni Seiya ang pagiging tatay ko e. Kung si Papa nga hindi ako sine-sermonan ng ganto e..

Pagtapos kung inumin ang gamot ko, natulog na lang ulit ako. Hindi na talaga kaya ng ulo ko ang kirot.

---

"Saan ka pupunta, Maria?" tinignan ko si Seiya at nakitang nakapanglakad din siya. Saan din naman ang punta ng singkit na 'to?

"Papasok, di ba obvious?" I rolled my eyes at him. Paano inirapan kasi ako. Ang lakas din makabakla nitong pinsan ko minsan e. Lumapit siya sa akin ng tapos na akong mag-make up. Tss. Ang putla ko pa rin, pero hindi na katulad kagabi. May lakas na rin ako para simulan ang pagpapahirap ko kay Lian. Duh, akala niya hindi ko tototohanin ang banta ko sa kanya?

Napayuko ako ng maramdaman kong binatukan ako ni Seiya. Anak ng! "Hoy singkit, para saan yon?! Masakit ha!" sigaw ko sa kanya at ginantihan siya pero mabilis siyang umatras at mas lalong pinangliitan ako ng mata. Tss, singkit na nga, lalo pang nawala yung mata niya.

"Baliw ka ba?! Hindi ka pa magaling tapos papasok ka na? No! You'll stay here."

Nainis ako sa sinabi niya kaya binatukan ko din siya. And this time I make sure na tumama na sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin kaya ginantihan ko rin ang masasamang tingin na binibigay niya sa akin

"Ako tigil-tigilan mo ko Seiya. I'm completely fine and you don't have to worry about me." pag-aassure ko sa kanya. Pero knowing Seiya, isa ring matigas ang ulo nito. Kaya hindi pa rin siya pumayag. Ugh!

"Oh c'mon cous! Payagan mo na ako. You can even drive me at school. Hatid sundo pa kung gusto mo. Please?" halos gamitin ko na lahat ng pagpapa-cute na alam ko. Putek, gumana ka naman!

Unti-unti niya akong tinignan at naningkit na naman lalo ang mata niya. Ayan na! Napabuntong-hininga muna siya at mabagal na tumango.

"Thank you cous! Let's go na. Mabuti at nakapang-alis ka na rin."

Mabilis din naman kaming bumaba ng kwarto ko at nagpunta na ng school. Habang nasa biyahe ay tinitignan ko ang cellphone ko. Hinihintay ko kasi ang text ni Jona.

Akin lang si Azrael Ian Montefalco III [Until Trilogy FanFic]Where stories live. Discover now