Chapter 2 (Borrow)

Start from the beginning
                                    

Walang nagawang tumalikod siya. Bakit ba ang sungit-sungit ng lalaking 'yon?

"Sei! Nandito ka pala. Kanina pa kita hinahanap," nakangiting sinalubong siya ni Leo nang makarating sa daungan ng mga bangka.

"Bakit, Leo? May kailangan ka ba?" kaagad na tanong nito.

Napakamot ito sa ulo.

"Ano kasi...gusto sana kitang makausap," nahihiya at namumulang sabi nito.

"Ano 'yon?" tanong niya.

Isa ring mangingisda si Leo sa islang ito. Mabait ito at palagi siyang kinakausap.

"Gusto ko sanang manligaw," napapakamot sa ulong sabi nito.

Kaagad silang tinukso ng ibang mangingisda na nakasaksi sa kanila.

Nahihiyang tumingin siya sa mga ito.

"Leo...ano kasi..." hindi niya alam ang sasabihin.

"Ayos lang kahit hindi mo ako masagot sa ngayon. Kaya ko namang maghin—" natigil ito sa pagsasalita nang mapatingin sa likuran niya.

Kaagad siyang lumingon at napakurap nang makita ang lalaking sinusungitan siya kanina.

"Ah, mamaya na lang, Sei. Ingat ka," kaagad na sabi ni Leo at mabilis na tumalikod.

Hinarap niya ang walang emosyong mukha ni Hunter. Palagi itong ganito kaya halos ilag ang mga tao dito sa binata.

"Bakit?" tanong niya.

Kunot-noong tumingin ito sa kaniya.

"Anong bakit?" masungit na balik-tanong nito.

"Akala ko ba matutulog ka ulit? Bakit ka nandito?" muling tanong niya.

"Inistorbo mo ang tulog ko kaya paano akong makakatulog ulit?" masungit na tugon nito.

Parang gusto niyang mapailing sa sobrang kasungitan nito. Walang imik na naglakad ito. Kaagad naman siyang humakbang, kusang sumunod ang mga paa niya sa binata.

Napatigil lang siya sa paglalakad nang lumingon ito sa kaniya habang salubong na naman ang mga kilay.

"Bakit mo ako sinusundan?"

"Hindi kita sinusundan. Magkapareho lang tayo ng daan pauwi sa bahay," inis na sagot niya at nauna nang naglakad.

Naiinis siya sa kasungitan nito samantalang wala naman siyang ginawang masama. Nakarating siya sa bahay nila na masama ang timpla.

"Apo, ayos ka lang? Hindi maipinta mukha mo," puna ng lola niya.

"Ayos lang po, lola. Sa kuwarto lang ako," paalam niya at diretso nang pumasok sa kuwarto.

Sinara niya ang kawayan na pinto at humiga sa papag. Malakas siyang napabuntong-hininga at tumagilid ng higa.

Mula sa ilalim ng unan niya ay kinuha niya ang isang boteng gamot mula doon. Tiningnan niya ang laman niyon at napangiwi nang makitang isang piraso na lamang pala iyon.

"Wala ka nang gamot?"

Nagulat siya at mabilis na tinago ang gamot niya. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang si Ate Kathy ang pumasok sa kuwarto.

Silang dalawa lang ang nakakaalam na umiinom siya ng ganitong klaseng gamot. Walang alam ang lola at ang bunso nilang kapatid sa sitwasyon niya. Sa sitwasyon nilang magkapatid.

"Luluwas ako sa kabilang isla bukas. Ibibili kita ng gamot para—"

"Ate, ako na. Kaya ko naman," nakangiting agaw niya sa sasabihin nito.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now