Mga A'Tin, ito na ang pagkakataon niyong maibahagi ang paghanga at pagmamahal niyo sa inyong iniidolo! Ito ang collaboration contest ng RomancePH at FanficPH featuring our very own, mahalima, SB19.
Hanggang saan ang iyong pagmamahal sa lima, A'tin?
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
PROMPT 1: #SB19_Josh
Bago pa umalis si Josh para ipursige ang kanyang pangarap ay nagtapat kayo ng pagmamahal sa isa't isa. Years after, bumalik si Josh sa probinsya and after all the success, he still longs for you. At hindi ninyo inaasahan na magkikita kayo nang tumakbo palapit sa 'yo ang batang tinulungan niya.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
PROMPT 2: #SB19_Justin
Magkabarkada kayo ni Justin simula pa noong 1st year high school at napansin mong may notebook siyang laging pinagsusulatan pero ayaw niyang ipakita sa inyo. Isang araw, habang naglalakad kayong magkakaibigan, ay nalaglag sa bag niya ang notebook na ito at hindi lang ikaw ang nakapansin.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
PROMPT 3: #SB19_Stell
Gusto mong malaman kung sino ang nagbibigay ng notes sa iyo sa tuwing nagpupunta ka sa favorite cafe mo. Para ma-lure ang nagbibigay ng secret notes, kinontsaba mo ang iyong katrabaho para magpanggap na boyfriend. Ang hindi mo lang inaasahan ay ang gulat na naging lungkot sa mukha ng crush mong barista pati na rin ang pagtatapat ng iyong kaibigan.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
PROMPT 4: #SB19_Ken
Nagse-spray paint si Ken sa pader nang dumating kayong magkakagrupo sa park upang mag-practice para sa dance competition. Nagtuloy ka lang sa pagsayaw para hindi niya mahalatang crush na crush mo siya nang napansin mong nakatitig din siya sa 'yo.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
PROMPT 5: #SB19_Pablo
Simula pa high school ay kayo na ni Pablo ang tinutukso ng lahat at hindi maikakailang attracted kayo sa isa't isa, wala nga lang naglakas loob umamin. Years after, nagkita kayong muli sa reunion. Ngunit ang dapat na masaya at nakakakilig na tagpo ay naging trahedya. Sa gitna ng kadiliman, nagising ka sa kuwarto ng umiiyak na Pablo, pero hindi ka niya nakikita, naririnig, o nararamdaman.
x
RULES AND REGULATIONS
❤ Meron tayong limang prompts para sa mahalima. Pumili ng isa para pagbasehan ng nilalaman ng kwento.
❤ Siguraduhing nakaayon sa prompt ang iyong kuwento
❤ Maaari kayong magpasa ng mahigit isang entry, siguraduhin lamang na magkakahiwalay ito
❤ Ang mga sasali ay maaaring gumamit ng Filipino, Ingles o Taglish lamang
❤ Bigyang pansin ang iyong grammar at spelling
❤ Gumamit ng 2nd POV o siguraduhing ang reader (si "Ikaw") ang bida ng kuwento
❤ Ang iyong kuwento ay dapat hindi lalagpas sa 1000 bilang ng salita lamang
❤ Hindi kami tatanggap ng mga kuwentong may Mature Content