"At kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito.
'Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago."
Hey, A'Tin!
Alam naming napakahirap talagang magmahal ng taong hindi tayo mahal. Paano pa kaya kung ang minamahal natin ay ang mga idol nating SB19? Maswerte dahil mahal ka ng lima o mahal natin ang lima, ano pa man ang ibig sabihin sa inyo ng mahalima ay nakasisigurado kaming ito ay hanggang sa huli!
Sa muling collaboration ng RomancePH at FanficPH, bibigyan namin kayo ng pagkakataon para subukin ang sariling talento sa pagsusulat ng kuwentong ibabase sa prompts natin. Gaano nga ba kasaya o kasakit ang magmahal? Kung hindi para sa a'tin ang SB19, para kanino nga ba sila?
"Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa.
Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli."
May kakilala ka bang kapwa A'tin na magaling magsulat ng mga nakakakilig o masasakit na kuwento patungkol sa SB19? Panahon na para sila naman ang magpamalas ng galing at mabasa ng nakararami! I-tag na sila sa comment section para sa challenge na ito.
We look forward to reading your story, A'tin!
YOU ARE READING
Mahalima Hanggang sa Huli (FanFicPH x RomancePH contest)
RandomMga A'Tin, ito na ang pagkakataon niyong maibahagi ang paghanga at pagmamahal niyo sa inyong iniidolo! Ito ang collaboration contest ng RomancePH at FanficPH featuring our very own, mahalima, SB19.