3

1.3K 111 13
                                    

Raillie Gonzales

"Sandali! Teka nga bakit kayo nagsisigawan?"

Tanong ko sa mga tao ko dito sa coffee shop. Dahil sa kakarating ko lang at nandidito sila sa opisina ko nag sasalitaan.

"E naman Ms. G! Pupunta daw dito ang kilalang businessman sa buong mundo!"

Ha? Meron bang ganun? Kilalang businessman?

Malamang, shunga to!

"At isa pa ang gwapo niya kaya! at pantasya siya ng lahat!!"

Sigaw pa ni Karen. Ano bang nagyayari sa mga tauhan ko? Parang mga sinapian kung makatili at sumigaw pati na rin mga lalaki ay nakatayo lang sa gilid habang inis na inis na nakatingin sa tatlong babae na nandidito.

Lumapit ako dito sa tatlong kawawang boys, tatlo din kasi sila. Para partner. Suot nila ang puting uniform na t-shirt at black pants and red apron tas black with red line na cap saka mouth cover.

"Boys, labas na linisin niyo na ang mga dapat linisin, ako nang bahala sa tatlong ito."

Tumalima naman ang mga ito at kumakamot pa ng batok na pinalabas ko sa office ko. Ginawa na nilang tambayan dito dahil sa may kama at isa pa di naman ako masamang boss para di sila papasukin. May kama dito at sopa kaya dito sila pero balak ko rin na ilagay na lang ang mga ito sa staff area nila para doon na sila magpapahinga.

"Okay tama na ang tilian, dahil panghampasin ko kayo ng tray kung di pa kayo tumigil at lumabas."

pagbabanta ko sa kanila.

"Ms. G naman... Di mo ba talaga kilala si Dylan Grayson? The youngest billionaire living in this world! AAAAAAAAAAH! Gusto ko na siyang makita!! o mahawakan man lang kahit hibla ng kanyang buhok..."

Ang tili ni Karen na sinabayan naman ni Chelsea. Jusko naman. Ano bang nakikita nila sa mga lalaki nayon? Dylan? Di ko naman ito kilala at nakita kaya bakit ko pa kailangan kilalanin ito? Wala akong interest sa mga social media news or issues kaya wala akong balita sa mga ganung pangyayari.

I have a laptop pero para yun sa mga emails and work purposes lang yun. Yes, may internet sa Caffe at wala akong social media accounts na pwede kong pagbuksan. Balak ko rin gumawa but I noticed na di makakapag-focus ang mga tao sa trabaho dahil dun. So I consider social media to be full of negativity that can affect someone's mentality and health. Di masama kapag advance mag isip.

"Okay, continue now."

Saad ko sa mga ito. Lumabas nan sila sa opisina ko na hanggang ngayon ay tili parin ng tili. Because of curiosity, lumapit ako table ko at binuksan ang laptop. Click the Google search. Gusto kong makita si Dylan na sinasabi nila.

Maya-maya pa ay lumabas ang information na nakasulat dito at ang larawan. Familiar siya sa akin, di ko alam kung saan at kailan ko siya nakilala o nakita.

Business? Di kaya is sa mga seminars na na-attend ko? O sadyang di naman siya a-attend ng isang seminar na para lang sa mga negosyante.

And besides, he's a Billionaire at batikan na sa paghahawak ng mga negosyo.

Hindi ko na napansin ang oras, I've read a lot about him. Pero ang pinagtataka ko lang ay parang kilala ko ang mga magulang nito. Inisip ko pa kung isa ba itong nakasalubong ko o hindi.

I just shrugged my shoulders, saka ako lumabas ng office para makita ang lahat.

Nakagawian ko na ang paglibot ng paningin ko sa mga taong pumapasok sa shop. They make me smile kapag nakikita kong masaya sila sa mga kapeng naiinom nila at mukhang nangangailangan din akong mag-extend ng space. Napupuno ang shop dahil na rin sa kilala na ito sa lahat.

TGS SERIES 2: Married By A Billionaire [MPREG]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora