Kabanata 35

59 1 0
                                    

Goodbye


Buong gabi kong pinag-isipan ang text ni ate Rosa. Hindi ko alam kung bakit ganito. Buo ang desisyon ko na tumakas sa kamay ni daddy at hanapin si mommy pero bakit ngayon ay nagdadalawang isip ko? Dahil ba kay Edward? Napabuntong hininga ako at mas lalong niyakap ang sarili. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Selfish ba ako kung sasabihin kong...ayaw kong umalis at manatili na lang sa tabi ni Edward?

Pero mali ito. Hindi dapat ganito. Hindi habang buhay ay makakapagtago ako sa likod ni Edward at mas lalong ayaw kong madamay ang pamilya niya sa gulo ko! Pnigurado akong mas hinahanap ako ngayon ni daddy. At natatakot akong pagnalaman niyang nandito ako sa puder ng isang Suarez ay lalong magkagulo. Ayaw kong magkagulo.

Ako to Rosa Mendoza:

Ate Rosa...pupunta po ako.

Pagkatapos no'n ay nahiga na ako at pilit pinikit ang mga mata. Kailangan ko nang umalis. Magpapaalam ako kay Edward bukas...tapos syaka ako aalis. Pero paano kung...pigilan niya ako? Kinabahan ako sa isiping 'yon. Napabangon ako at dahan dahang binuksan ang pinto ng aking kwarto. Ngunit natigilan ako nang makitang nakabukas ang pinto ni Edward, babalik na sana ako sa aking kwarto nang marinig ko ang boses niyang may kausap sa cellphone.

"Mom...hindi ako mapapahamak dito. Ayaw na ni Jez sa daddy niya at alam ko ang dahilan. At ayaw ko rin namang ibalik siya sa daddy niya. She'll be miserable," Edward said. Umawang ang labi ko nang mapagtanto na ako ang pinag-uusapan nila. 

"Pero Edu...alam mong hindi basta basta ang daddy niya! Her father is a senator and a businessman! Alam mo kung gaano kagulo ang mundo ng tatay niya! Pwede namang sabihin na lang natin na nandyan siya tapos-"

"Mom...I can handle it okay?" putol ni Edward sa sasabihin ng mommy niya. Nakaloud speaker pala ang tawag kaya mas lalo kong naintindihan ang tawag. Mabilis akong pumasok sa aking kwarto at sa nanlalamig na mga kamay nagbuhay ako ng phone at sinearch ang mga nangyayari sa social media at doon trending pa rin ang paghahanap sa akin.

May kung anong takot ang lumukob sa akin. Hindi na dapat ako sumama kay Edward. Hindi na dapat ako tumira o tumapak dito ng ganito katagal! Mapapahamak si Edward! How stupid of me not to think of that?!

Mabilis akong nag-impake ng mga gamit ko at habang ginagawa ang mga 'yon ay patuloy na rumaragasa ang luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay mas lalong nawawasak ang puso ko. Maling mali ang pag-iisip ko na makakasama ko pa ng matagal si Edward. Ang lahat ng naramdaman ko habang kasama siya ay isa lamang panandaliang kasiyahan. 

At natatakot ako na dumaan man ang maraming taon, hindi ko malilimutan ang mga pinagsamahan namin. I wiped off my tears and turned off the phone I borrowed from him. Tama nga ako, hindi ako hahayaan ni Edward na umalis sa kanyang poder at masakit man sa akin ito pero kailangan ko siyang iwanan ng walang pahintulot niya.

Kumuha ako ng isang papel at ballpen at mabilis na nag-isip ng isusulat doon pero hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng gusto kong isulat sa gusot na papel na 'yon...isa lang ang nalagay ko.

Edward...thank you...and goodbye.

I feel like my heart is breaking into tiny pieces. Sobrang pait at sakit. Pinaghalo halong sakit ang nararamdaman ko ngayon. Gustuhin ko mang sundin ang puso ko at mahalin siya katulad ng pagmamahal niya sa akin pero hindi pwede. Sa lahat ng pinagdadaanan kong ito...nagpapasalamat pa rin akong nakilala ko ang isang Edward Gab Suarez. Hinding hindi ako magsisisi na nakilala ko siya.

Inintay kong lumalim ang gabi bago unti-unting lumabas ng aking kwarto. Sinigurado kong wala akong magagawang ingay hanggang sa makarating ako sa labas ng rest house. Malungkot kong pinagmasdan ang rest house at isang luha ang tumakas sa kaliwa kong mata. 

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon