Part 4

98 7 0
                                    

"IF anyone can show just cause why this couple cannot lawfully be joined together in matrimony, let them speak now or forever hold their peace."

Pinanood ni Bart ang kaliwa't kanang paulit-ulit na pagpihit ng ulo ng officiating priest na para bang nag-e-expect talaga itong may isa mula sa audience ang magtataas ng kamay para pigilan ang kasal nila ni Sam.

Nang balingan niya si Sam ay nasaksihan niya ang paglingon nito sa nakapinid na main door ng simbahan. Was she expecting her ex-boyfriend to come rushing through that door and stop the wedding? Hindi naman lingid sa kanya na mahal pa rin nito ang ex kahit pitong buwan na ang nakalipas nang maghiwalay ang dalawa.

Alam ni Bart na pareho lang sila ni Sam na ayaw ng kasal na ito pero wala silang magawa para sumuway sa utos ng elders. Lalo na siya dahil isa lang siyang illegitimate son ng isa sa dalawang anak ng kilalang mall magnate na si Federico Almendarez. Wala siyang karapatang tumanggi sa "pakiusap" ng kanyang long-lost grandpa.

He and Sam were not marrying for love, but for the expansion of wealth and power of their families. Hindi niya akalaing totoong nangyayari ang ganitong klaseng marriage of convenience setup sa mga miyembro ng alta sosyedad hanggang sa yumaman siyang bigla.

Who would have thought that this boy who grew up in slums was the long-lost unico hijo of Federico's only son, Andrew Almendarez?

Buhay pa ang tatay niya. May lolo siya at mga pinsan. At may nakababatang half-sister sa legal wife ng ama. When he thought he had no family at all, he actually had!

Wala pang asawa ang kanyang ama nang maka-one night stand ang nanay niya na noon ay nagtatrabaho bilang chambermaid sa isang hotel sa Makati. Ang sabi sa kanya ng kanyang daddy ay nakainom ito ng gabing iyon at hindi sinasadya ang pangyayari.

Mukhang nagkamali raw ito ng napasukang hotel room nang gabing iyon at may naratnan roong isang chambermaid na nag-aayos ng kama sa isang unoccupied room. Hindi nito akalaing nagbunga ang isang gabing iyon dahil wala namang babaeng lumapit dito para ipapanagot ang dinadala.

Sigurado si Bart na hindi kilala ng nanay niya si Andrew Almendarez dahil kung alam nitong napakayaman ng lalaking naka-one night stand ay imposibleng hindi ito kumuha ng sustento sa lalaking nakabuntis dito. Aminado siyang mukhang pera ang nanay niya at may pagka-manggagantso dahil hindi naman totoong nakapanghuhula ito.

Ang sabi sa kanya ng yumao niyang nanay ay patay na ang tatay niya. Mukhang nagpanggap lang itong galit kunwari sa "dating boyfriend" para hindi na siya mangulit na makita kahit sa larawan ang ama. Wala rin naman kasi itong maipapakita dahil mukhang hindi nga talaga nito kilala ang nakabuntis dito.

Daig pa ni Bart ang nanalo sa lotto sa biglaang pagbabago ng kapalaran. Bigla, isa na siyang tagapagmana ng isang mayamang angkan. Hindi na niya kailangan pang kumayod-kalabaw at palaging magpa-impress sa boss para ma-promote nang ma-promote sa trabaho hanggang sa makaipon nang malaki at makapagpatayo ng negosyong balak niyang palaguin para magsimulang yumaman.

At twenty-seven, he was now one of the directors of BWD Holdings na siyang may-ari at nagpapatakbo ng Bestwind chain of malls at isa sa subsidiaries ng Almendarez Group of Companies.

In other words, hindi na lang siya guwapo ngayon, he was also a rich man. All along, may dugong bughaw pala siya.

Napakalayo na ng buhay ni Bart sa dating buhay. Isang taon na siyang nabubuhay sa luho. His dad was quite generous. Mukhang bumawi sa mga panahong hindi siya naalagaan kaya pinaliguan siya ng pera sa nakalipas na isang taon.

He now had a huge penthouse in a luxurious condominium building in Makati. He had six cars—tatlo roon ay luxury sports cars. He had traveled around Europe last Summer. Lumilipad siya sa Paris para lang magkape. Minimeryenda na lang niya ang steak ngayon at ipinanlilimos sa street children ang one thousand peso bill.

He was a big deal now. A great catch. Kaya hindi pa rin makapaniwala si Bart na kung kailan mayaman at makapangyarihan na siya ay saka siya iniwan ng kaisa-isang babaeng minahal niya sa buong buhay niya.

Tinapunan din ni Bart ng tingin ang main door ng simbahan kahit alam niyang imposibleng pumasok doon si Aera para pigilin ang kasal niya sa ibang babae. Hindi na siya mahal nito. Itinapon na lang nito nang basta ang maraming taong pinagsamahan nila.

Sa mismong araw na ipina-announce sa public ang kasal nila ni Sam, natukso siyang bisitahin ang Facebook ni Aera at nagbakasakaling makitaan niya ng pagsisisi ang babae base sa public post nito. Pero bumulaga sa kanya ang status nitong may picture na kumakain ng isaw na mukhang sarap na sarap ito at may "feeling happy" pang nakalagay sa tabi ng pangalan nito.

That witch. Muntik na niyang kontakin ang kakilala sa Facebook Philippines para ipa-suspend ang account nito nang araw na iyon sa sobrang galit niya.

Oo, galit na galit siya kay Aera. At ayaw na niya itong makita pa kahit kailan.

"Father, ako po."

Mabilis na pumihit ang ulo ni Bart sa pinanggalingan ng pambabaeng boses na parang nasa altar mismo. Mukhang sabay pa silang nagulat at napapitlag ng pari nang makita ang babaeng nakatayo sa tabi nito at nakataas ang isang kamay na may nakasuot pang hospital tag.

It was Aera! Nakasuot ito ng hospital gown at may gasang nakadikit sa noo nito. Kinusot ni Bart ang mga mata dahil baka namamalikmata lang siya pero nang tumingin si Aera sa kanya nang may luha sa mga mata ay nasiguro niyang hindi iyon ilusyon lang. Totoong naroon ang ex niya!

Halatang namangha rin si Sam habang nakatingin kay Aera nang nakaawang ang mga labi. At kahit hindi tingnan ni Bart, alam niyang nagulat din ang mga tao sa likuran nila sa biglang pagsulpot ng babae sa altar.

"H-hija..." sambit ng pari na nakahawak sa dibdib. Mukhang nagulat talaga ito dahil bigla ay may katabi na sa likod ng altar table. "A-ano'ng...?"

"Tumututol po ako sa kasal na 'to," mariing sabi ni Aera.

Narinig ni Bart ang singhapan ng mga tao sa simbahan.

Holy... shit?

Between An Old Memory And UsWhere stories live. Discover now