Part 1

147 9 0
                                    

MUKHA ng isang hindi pamilyar na babae ang nabungaran ni Aera nang imulat ang mga mata. May nurse's cap ito kaya naisip kaagad niyang nasa ospital siya at nakahiga sa isang hospital bed. Mukhang may neck brace siyang suot dahil hindi niya maigalaw ang leeg. May mga aparato na nakakabit sa kanya. May oxygen tube sa nakapasok sa nostrils niya.

Nagliwanag ang mukha ng nurse nang masalubong ang tingin niya. Humangos ito palabas ng cubicle matapos sabihing tatawagin daw si Doc. Inilibot ni Aera ang tingin sa paligid at natagpuang wala siya sa isang hospital room. Bakit siya nasa ICU?

Nang maramdamang kumirot ang ulo sa biglaang pagkilos ay sinapo niya iyon at nakapa ang bendang nakapalibot doon.

Ano'ng nangyari sa akin? Naaksidente ba ako?

Nang pumasok ang lalaking doktor ay kaagad nitong ibinuka ang mga mata niya ng dalawang daliri at inilawan ang mga iyon ng maliit na flashlight.

"Kumusta ka, Aera?" tanong ng middle-aged na doktor. "May masakit ba sa 'yo?"

"Masakit po 'tong ulo ko," sapo niya sa ulo.

"Gaano kasakit?" tanong nito habang nakatingin sa monitor ng vital stats. "From scale of one to ten?"

"Four?"

"Sundan mo ng tingin ang daliri ko." Iginalaw ng doktor ang hintuturo sideways at sinunod niya ito.

"Can you stick your tongue out?"

Inilabas ni Aera ang dila.

"Can you count until ten?"

Nagbilang siya.

Inutusan ng doktor ang nurse na hawiin ang kumot ni Aera at naramdaman niya ang mahinang pagpalo nito ng matigas na bagay sa mga tuhod niya.

"Ramdam mo?" tanong nito.

Tumango siya. Pinalo rin nito ang ankles niya at tinanong din kung ramdam niya at um-oo rin siya.

"Ikuwento mo sa 'kin 'yong nangyaring aksidente."

Kumunot ang noo ni Aera. "Aksidente? Naaksidente po ako? Paano?"

"Ano na lang ang huli mong natatandaan?" tanong uli ng doktor.

Ang huli niyang natatandaan ay nag-picnic sila ni Bart sa park para i-celebrate ang first anniversary nila. Napangiti si Aera nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila ng boyfriend pagkatapos nilang magkatampuhan dahil sa mga regalong ibinigay nila sa isa't isa.

"Bakit ka nangingiti?" tanong ng doktor.

Mabilis na inalis ni Aera ang ngiti. "Uhm... first anniversary po namin ng boyfriend ko. Nag-picnic kami."

"I see. Pero hindi mo maalala 'yong aksidente?"

Umiling siya. "Napa'no po ba ako?"

"Ang sabi sa record mo, nabangga raw sa puno 'yong scooter na sinasakyan mo. Tumilapon ka. Wala kang helmet na suot, so nabagok ang ulo mo."

Lalong kumunot ang noo ni Aera. Wala siyang natatandaang sumakay siya sa scooter. At saka wala naman silang scooter ni Bart. Napasinghap siya nang maisip ang boyfriend.

"Naaksidente po kami ni Bart? Ano pong nangyari sa kanya?"

Sabay pang tinapunan ng doktor at nurse ang monitor. Miski siya ay napatingin doon kahit hindi maigalaw ang ulo dahil sa neck brace. Mukhang bumilis ang heart rate niya dahil sa matinding kaba.

"Relax," sabi ng doktor. "Wala ka namang kasamang naaksidente. Ikaw ang nagmamaneho ng scooter."

"Ako po? Bakit ako? Hindi naman ako marunong magmaneho no'n. At saka saan ko nakuha 'yong scooter?"

Between An Old Memory And UsWhere stories live. Discover now