𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟼𝟿

Start from the beginning
                                    

"Hindi rin naman po namin alam na bar na pala ang classroom namin dahil sa ikli ng outfit niyo." Napatingin ako kay Uno na seryoson seryoso. Yung iba naman ay nagpipigil ng tawa, kasama na doon si sir. Pero nang tingnan siya ng masama ni Ms. Fuhla ay tumigil siya sa pagtawa at nagseryoso.

"Mr. Lewis." Saway ni sir.

"What? I'm just stating the fact. And the obvious, of course." Sabi niya pa.

"Guidance office. Now." Galit na utos ni Ms. Fuhla.

"Maam why not samahan niyo siya sa Guidance para ma-outfit check din kayo?" Sabi ni Kenneth.

"Kylo, sabihan mo itong mga anak mo. Hindi na ako natutuwa." Sabi ni Ms. Fuhla at nag walk out.

"Uh, does that mean early dismissal?" Tanong ni Mykell. Bumuntong hininga si sir at tumango.

"Gagi na-offend si maam." Sabi ko. Napatingin sila saakin. "What?"

"You cared?" Takang tanong nila.

"Uh, yeah? If I were in her shoes mao-offend talaga ako. You could've said it in a nice, respectful way." Sabi ko.

"Didn't she used to be mean with you?" tanong ni Dev. Tumango ako.

"Yeah. But that doesn't mean na magtatanim ako ng sama ng loob." Sabi ko at tumayo. Kinuha ko si Mikhail at Mikhaila. "Bye sir!" Sabi ko at naunang lumabas.

Nagmamadaling nagpunta kami sa parking lot. Pinauna kong sumakay ang mga bata bago tumingin sa paligid. Nang masigurong walang nagmamanman saamin ay tsaka ako pumasok.

"Saan kayo pupunta?"

"Oh sh*t!" I shouted. I clutched my chest and breathed deeply. "Jesus why would you scare the fudge out of me?!" I said and looked at the guy beside me with eyes like a dagger.

"Ganyan ka pala magulat?" Mabilis kong ibinaba ang sandalan ng upuan ko kaya dumaing ang taong nasa likuran ko. Agad akong humarap dito at idiniin ang braso ko sa leeg nito. "Agh CJ! Masakit!"

"Sinabi ko na sainyo masasaktan talaga kayo sakin." Sabi ko at tinanggal ang pagkakadiin ng braso ko sa leeg niya. "This is the third time you guys broke in my car." I said and sat on my seat before fixing it.

"Hoy si Klarenz yung third. Pangalawa palang namin 'to." Depensa ni Eric.

"Ano nanaman bang ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"Wala lang, makikisabay." Sagot ni Klarenz na komportableng-komportable sa upo niya. Hinampas ko ang paa niya kaya ibinaba niya iyon.

"Labas." Utos ko. Tiningnan ko sila ng masama nang hindi sila kumilos. Agad silang sumimangot.

"Eto naman parang di mabiro. Eto na po boss bababa na po." Ani Eric at lumabas. Ngunit nanatili sa loob si Klarenz.

"Ano?" Tanong ko.

"May nagmamanman sainyo. Mag-ingat kayo pauwi. Susundan ka namin ng patago." Seryosong saad niya at lumabas. Napasandal ako sa upuan ko at bumuntong hininga.

"Is there something wrong mom?" Mikhaila asked. I smiled and shaked my head.

"No baby nothing's wrong. Everything's fine, mommy's fine. Let's go na." I said and started the car.

---

"What happened?" Kuya DZ asked. Kakalabas ko alng ng kwarto matapos patulugin ang mga bata. Bumuntong hininga ako at tumingin sakaniya.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now