𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟼𝟷

Start from the beginning
                                    

"We received a message from Clover." Sagot ni Klarenz.

"What message?" takang tanong ko sakanila.

"911" sabay-sabay na sagot nila.

"Seryoso ba kayo?" Seryosong tanong ko sakanila. Sabay-sabay silang tumango.

"Yeah. Natataranta ka daw kanina. So, he thought it's an emergency. Kaya ayun. Actually, on the way kami papunta sa bahay niyo eh. Tapos ayun nga nakita namin 'tong kotse mo." Sabi ni Mykell.

"Fine." I said at sinimulang mag-drive.

---

"Hey. Are you okay?" Pagka-park na pagka-park ko ng kotse ay sinalubong agad ako ng mga kumag.

"I'm fine." Walang-buhay na sagot ko. Binuksan ko yung gate at pinapasok silang lahat. Wala kasi ang mga maids at guards dahil day-off nila kapag weekends. Yung kapalitan naman nung guard ay wala dahil nagkasakit ang anak nito.

"Pasok kayo." Sabi ko at binuksan yung pinto. Nagulat sila sa gulo ng bahay. May dalawang vase na nabasag, yung sofa nawala sa ayos, at may bala pa ng baril.

"Ate totoo ba 'to—" Agad kong hinablot mula kay Renz yung pinulot niyang pistol.

"Maybe." I said and disassembled it. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto ko para itago iyon. Muli akong bumaba at nagsimulang ayusin ang mga gamit. Wala akong kakibo-kibo. Sila naman ay tumulong saakin ng walang ginagawang ingay.

Matapos ay pare-pareho kaming naupo. Yung iba sa sofa, yung iba naman, gaya ko, ay naupo sa sahig. Walang gustong magsalita saamin. Huminga ako ng malalim at marahas na pinakawalan ito.

"Muntik na." Pabulong na saad ko bago tumingin sakanila. "Muntik na si KZ kanina."

"O-oo nga narinig nga namin." Alanganing sagot ni Timothy.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Riu.

"I—I don't know." I said and a lone tear fell from my eyes. "Basta pagdating ko dito, puno ng armadong lalaki ang bahay namin. Pilit nila akong kinuha. Nanlaban si KZ kaya hinampas siya ng baril nung isa sa mga armadong lalaki." Pagkukwento ko.

"Hindi nila...hindi nila sinabi saakin na may sakit si KZ sa puso. W-walang nagsabi sakin." Unti-unting nabasag ang aking boses, pagkatapos ay sunod-sunod na ring naglaglagan ang mga luhang pinipigilan ko.

"Asul na bato tahan na. Ang panget mo pag umiiyak." Imbis na mainis ay natawa nalang ako sa sinabi ni Kyle. Nakatanggap tuloy siya ng batok mula kay Clover at Riu.

"Kesa naman sayo mukhang batang hindi napagbigyan sa gusto." Baliwalang sagot ni Renz.

"Aba'y halika nga ditong bata ka." Sabi ni Kyle at akmang hahampasin si renz ng tumayo ito at tumakbo papunta saakin.

"Ate oh si Kyle!" Sumbong niya.

"Ewan ko sainyong dalawa napaka ano niyo." Natatawang sabi ko. Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking mata at ngumiti sakanila. "Thank you ah. Naistorbo pa tuloy kayo." Sabi ko.

"Hindi ka istorbo, Cy. Tandaan mo 'yan." Sabi ni Clover at ngumiti.

"Diba sabi nga namin sayo once a section 5, will always be a part of section 5." Dugtong ni Riu.

"We're a family. And what's our family's motto?" Luis said.

"Walang iwanan. Hanggang dulo ang samahan!" Sabay-sabay na saad namin.

"Ay teka nga, nasaan pala yung pinuno niyo?" Tanong ko sakanila.

"Ha?" Sabay sabay na tanong nila.

"Si Ice kako nasaan?" Tanong ko. Ngumiti sila ng nakaka-echos kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Isa..." banta ko.

"Ice and CJ sitting in a tree! K.I.S.S.I.N.G!" Sabay sabay na kanta nila sabay hagalpak ng tawa.

"Parang mga g*go amp*ta." Bulong ko at inirapan sila.

Mga kumag talaga. Pero aaminin ko, napamahal na ako sa mga 'to. Kahit pa gaano sila kakumag, sila parin yung mga taong tumanggap saakin kahit na hindi pa nila alam ang buong pagkatao ko.

Ang tanong ay, magiging ganto parin kaya kami, once they found out what kind of person I am? Or kung sino ba talaga ako?


(Ms.A: Short ud muna mga beybs. Bawi si author sa next chap. Thank you so much Adites for waiting patiently! Love y'all!

votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now