Napatigil naman siya sa pag-inom nang kaniyang kape at mataman akong tinititigan. Bago yumoko at kinain na ang kaniyang natitirang pagkain.


Nagpatuloy na rin ako sa pagkain ng tahimik.

"Tsk dali naman pala nitong talunin." Sa isip ko.





...............

Nandito ako ngayon sa garden sa may likod ng bahay namin. Nakaupo sa may maliit na upoan dito sa may kubo.


Palagi akong nandito kapag nae-stress ako at sa tuwing namimiss ko rin si mommy. Sakaniya garden nato. Kaya nong mawala na siya ay ako na ang nag-alaga.

Malaki ang pagpapahalaga ko nito kita ko kasi noon kung paano to alagan ni mommy at pahalagahan. Naalala ko pa palagi niya akong dinadala rito at tinuturuan akong magtanim.





Flashback

"Mommy" tawag ko kay mommy na nagbubungkal ng lupa.

Nwebe anyos pa lang ako.

"Oh princess come closer. I'll teach you how to plant roses." Nakangiting sabi ni mommy sa akin.

Gustong-gusto ko kapag tinatawag nila akong princess. Ako raw kasi ang princess sa kaharian namin.

"Talaga mommy tuturoan mo ako." masaya kong sabi at lumapit sa kaniya. Nae-excite na ako.

"Oo naman. Ganitohin mo lang ah gamit ang shovel magbungkal ka nang lupa Ilagay mo ito sa loob ng paso. Butasan mo ng kaonti at saka mo ilalagay yong tangkay ng rosas. Yan na tapos na ka'gad." Paliwanag ni mommy sa akin.

"Wow ganon lang pala yon. Napaka dali lang naman pala mommy." masigla kong sabi.

"Wag mong kalimotan na itabi muna to." Naglakad siya at inilagay ang bagong tanim na rosas sa may gilid ng kubo. "At kung maaari wag mo munang gagalawin napaka sensitibo kasi nila kailangan mo munang paugatin. At diligan din paminsan minsan. Para masiguradong mabubuhay siya." nakangiti niya paring sabi.

End of flashback





Naramdaman ko namang may kung anong tumulo sa kamay ko. Di ko na pala namamalayang umiiyak na pala ako.


"Miss na kita mommy sobra." bulong ko sa hangin.


Nagbabasakaling marinig iyon ni mommy.

Nabalik ako sa ulirat nang may tumikhim sa may gilid ko.

Kaya dali-dali kong pinunasan ang mga luha kong ayaw paawat sa pagdausdos sa mukha ko. Ayaw ko pa naman na may makakita sa akin na umiiyak  at makita nila na isa akong mahina.


Pero minsan mas nalulungkot ako sa mga iniisip ko na sa pagkakataong malungkot ako, ni wala man lang ang dumadamay sa akin. Di naman pwedeng si dad dahil palagi itong busy sa trabaho.


Kailangan ko rin ng taong makakausap. Di ko pa naranasang may makausap tungkol sa mga nararamdaman ko. Kahit si Vien di ako nag open tungkol sa mga malulungkot na bagay.

I might be strong physically but not  emotionally and mentally. But I also need a shoulder to lean on.

"Remembering someone?" biglang tanong nito at naupo sa tabi ko. Si Acerdel lang pala.

My Phenomenal BodyguardWhere stories live. Discover now