DARK DESIRE

268 46 38
                                    































DARK DESIRE : BSC #1

Kane Ludovico





















"Ma' Pa' magpapakasal na kami ni Jonas." sabi ni ate Lindsay

Sumunod naman ay ang panganay namin "Nag propose na sa'kin si Richard!" at ipinakita pa sa amin ang mamahaling singsing na naka-suot sa daliri n'ya

"Buntis ako, Three months na." At ang huli ay ang naka ba-bata kong kapatid na si Patricia

Kada taon sa tuwing may family gathering kaming isang pamilya ay hindi maaari na wala akong good news na maririnig mula sa mga kapatid ko, And i'm happy for them. Pero hindi ko 'rin maide-deny ang namumuong inggit sa kaloob-looban ko sa tuwing nare-realize ko na ang mga kapatid ko ay bumubuo na ng sarili nilang pamilya

"Ikaw, Tasha?" Banat naman sa'kin ni Janessa, ang panganay saming tatlong babae "Kamusta ka naman?" hatol pa nya

"Ah." Uminom ako mula sa wine glass ko at nginitian silang lahat na naka-batay sa akin ang atensyon

"May clinic ako." and every year 'yan din ang lagi kong sagot sa tuwing magtatanong sila ukol sa buhay ko.

I've attended many weddings, but not mine.

Habang sila ay may kani-kanilang pamilya na, heto ako sa clinic ko at namo-mroblema, kahit anong deny ko ay hindi ko talaga maipagkakaila na I'm not thriving in this industry, despite being a registered doctor and owning my own clinic. Mahirap pa din kumita lalo na't wala akong backer, at isa pa ay madami din akong ka-kompetensya na mas may experience sa'kin sa ganitong field, mas matunog ang pangalan, at higit sa lahat ay lalaki.

"Tasha, una na'ko ha." paalam sa'kin ni Anika na agad ko namang tinanguhan

Napa-buntong hinga na lamang ako bago tinitigan ang mga papel na naka-kalat sa desk ko, mahigit ilang bills na din ang naniningil sa'kin at nabigyan pa ako ng warning na kapag hindi ako nakabayad sa kuryente ay maaring maputulan na ang clinic ko'

Sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang mga medicine bottle na nanganganib na din ang buhay dahil kulang kulang na, kailangan ko na rin mag re-stock sa lalong madaling panahon just in case na may pasyente na bumisita sa'kin

I stood up from my swivel chair bago tinanggal ang aking lab coat at isinabit i'yon sa aking upuan. Mula sa kinatatayuan ko ay naglakad ako sa maliit na cabinet at inobserba isa isa ang mga gamot na nasa loob

Being a woman at the age of 32, hindi biro ang mag grind to survive. Ni hindi ko pa nga nararanasan magka-jowa let alone ay labasan.

Nilista ko ang mga gamot na kailangan naming bilhin, hindi ko rin namalayan ang oras at ng mapatingin ako sa wall clock ay doon ko lamang napansin na pasado alas dose na pala ng gabi.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko at inayos ang mga papeles, inilagay ko iyon lahat sa isang envelope, bukas ay magbabayad na ako ng mga bills, uunahin ko muna ang kuryente namin at ipagpa-paliban ang tubig, almost 4 months na kasi akong hindi nakakabayad dahil matumal din ang mga paseyente ngayon.

Ang mga gamot naman, siguro ay mas mabuti kung saka ko nalang muna i'yon asikasuhin kapag naisanla ko na ang kotse ko. Sa sobrang hirap at tumal ng pumapasok sa'kin na pera ay most of the time need ko talaga mag sacrifice

DARK DESIRE ( BAD SOCIETY #1 )Where stories live. Discover now