14

108 7 1
                                    

JUNKYU

"May balak pa bang pumasok yung mga lalaki na yun? Sabi papunta na sila dito." sabi ko sa kanila na napapakamot sa ulo ko.

"Tumigil ka nga diyan, Kyu. Buhay naman nila yun eh." sabi ni Haruto. Medyo kakarating pa lang nina Haruto, Kaira, Mashiho at Jillian dito.

Pero wala pa nga yung iba. Bahala sila diyan. Paktay sila pag late sila at hindi sila makaattend sa flag ceremony. Kasalanan na nila yun 'no.

"Akala ko ba sabay-sabay kayong pumasok dito?" tanong ni Jillian sa amin.

"Yun nga eh. Nagkita-kita kasi kami nina Junkyu at Junghwan kanina. Eh nauna nalang kami dito. Naisip namin na baka nauna na yung iba." kwento ni Yedam sa kanila.

"Tapos ayun, yung nagchachat kami. Lahat pala sila hinihintay sina Mashiho at Haruto. Without knowing na sinundo nila kayo at nauna na kayo." natatawang sambit ni Junghwan.

"Ang gulo naman non, e'di naghintay lang pala sila sa wala?" natatawang tanong ni Kaira sa amin.

"Oo mga sira kasi 'to. Hindi nalang nagchat na sasabay sa mga jowa nila." angal ko.

"Eh sorry na. Akala kasi namin ni Haruto andito na kayo lahat eh." sabi ni Mashiho.

"Okay lang yun, Mashi. Hintayin nalang natin yung iba." sabi ni Yedam at napatango nalang kami ditong lahat.

"Huy.. di'ba Monday ngayon?" biglang tanong sa amin ni Haruto.

"Oo.. eh ano naman?" Junghwan.

"E'di makikita na natin sina Frea at Lexie ulit."

Napatingin kami nina Junghwan dito sa sinabi ni Haruto. Ngayon ko lang narealize yun ah. Monday nga pala ngayon. Tsaka eto din yung araw na papasok sina Frea at Lexie.

Shuta, may maglalandas ng cross ulit. Hehehe.

"Hala, oo nga pala 'no? Nandito na ba sila?" tanong ni Mashiho.

"Hindi ko natin alam, baka wala pa naman sila." sabi ko.

"Tapos ang intense 'no? Kaklase pa natin sila.. buhay pa kaya si Jaehyuk-hyung?" tanong ni Junghwan.

"Sira, oo naman! Alam naman natin na fully moved on na yun sa kanya 'no." Haruto.

"Teka, teka nga!" sulpot ni Jillian sa amin. "Na-oop kami ha. Sinong Frea at Lexie ba yan?" tanong niya sa amin.

"Dating kaibigan namin sina Lexie at Frea. Hindi niyo pala kilala?" tanong ko sa kanila.

"Hindi, ngayon ko lang nga narinig pangalan nila eh." sabi ni Kaira.

"Pero familiar sa'kin yang Frea at Lexie na yan. Pero parang hindi ko na sila nakita dito. Tsaka bakit 'dating kaibigan' lang? Ex-bestfriend ganon?" tanong ni Jillian at natawa nalang kami sa sinabi niya.

"Hindi naman talaga ex-bestfriend eh kasi wala namang may nangyari. Magkakaibigan pa din naman kami hanggang ngayon. Pero nawala lang yung closure." kwento ni Yedam.

"Mas close kami dati, pero ngayon parang awkward na." dagdag ni Haruto.

"Bakit naman awkward?" tanong ni Jillian.

"Ex kasi ni Frea si Jaehyuk. Ganun." sagot ko sa kanila. Pareho namang napahawak si Jillian at Kaira sa kanilang bibig.

"May ex na si Jaehyuk?!" gulat na tanong nila sa'kin. Konti lang talaga nakakaalam tungkol kay Frea at Jaehyuk eh. Syempre tinago yung relasyon nila ng isang taon.

Tsaka kumalat pa kung saan naghiwalay na sila. Grabe talaga yun.

"Oo.. totoo yun." sabi ni Mashiho at dahan-dahan lang namang napapatango si Jillian at Kaira.

"Sayang naman nun. Hindi namin alam yun ah. Matagal na ba silang break?" tanong ni Kaira.

"Hindi pa naman nag-iisang taon pero parang limang buwan na yata. Medyo matagal na din. Gulat nga kami dahil bumalik na si Frea dito ngayon. Galing kasi yun France. Tsaka ang alam namin hindi na siya babalik dito." kwento ni Haruto.

"Tsaka mahabang kwento din kung bakit sila nagbreak. First love pa yun ha." sabi ko sa kanila.

"Kung ganon, sayang naman sila. Pero sana maayos na yung kalagayan nila ngayon." sabi ni Jillian.

Napatango naman si Yedam, "Oo naman. Isa pa, moved on na si Jaehyuk sa kanya. Alam kung si Frea din 'no." nakangiting sambit niya.

"Tapos tulad ng sinasabi niyo, makikita natin siya?" Kaira.

"Oo, nag-enroll sila nung best friend niya dito eh." Junghwan.

"Awkward naman yata pag magkita sila ulit 'no? Naiimagine ko yung kaingayan ng katahimikan." natatawang sambit ni Mashiho.

"Oo, kung alam niyo lang kasi.. super close kami dati. Ngayon, wala na. Nagbago na." sabi ni Haruto.

"Okay lang yan, at least okay na yung puso ng dalawa. Fully moved on na, yun lang.. sana magkaibigan pa din sila. Tsaka kayo din 'no." sabi ni Jillian at napatango lang naman kaming lahat sa sinabi niya.

"Oo nga. Tsaka speaking of them, wala pa din sila dito." sabi ko. Ang tagal nila! >< Baka nakidnap na nga sila oh. Jk!

Nag-uusap lang naman kami dito nina Yedam. Hindi na pala active sina Jaehyuk. Aba malay namin, nasaan na sila. Nagasstrum lang naman ng gitara dito si Yedam tapos ako nag-hhum lang.

Tapos si Junghwan, ang aga eh kumakain na kaagad ng siomai. Tapos yung HaruRa at MashiLian? Nagbebebetime. >< Taena talaga. Eto ang mahirap eh, ang gwapo ko tapos wala akong kabebetime.

Basta, ang mahalaga ay importante na.. humihinga at buhay ka, Junkyu.

-

oDIBAAAA MARENG JUNGHWAN
NIYO NASA METGALA LUMALAMON
AHIANSJAJAJA

ex | jaehyukWhere stories live. Discover now