uPuaN

1.7K 24 5
                                    

Heads-up:
This is not your type of kilig story. I just had to write it coz of that Upuan Confession on twitter weeks ago. I would tweet sana kaya lang kulang sa lakas ng loob so dinala ko na lang dito at ginawang kwento.. lol.

unbetaed. kanya kanyang adjust. 🤪


~~~~~~~~~~~

"Miss? Are you with someone?" Tanong sa akin ng lalakeng marahil ay kasing edad ko lang. Itinuro nya ang upuan sa tabi ko. Agad ko naman nakuha ang gusto nya sabihin.

"By all means." Ngumiti ako sa kanya at medyo umusod sa gawing kaliwa ko para bigyan sya ng mas malaki pang space kahit na malawak pa rin naman ang natitirang espasyo na pwede nya upuan.

Mabilis ko sya pinasadahan ng tingin habang paupo sya.

Moreno. Check.

Matangkad. Check.

Posture? Mukhang athlete. Check na check.

Siguro ay may sampung minuto na ako nakaupo dito at naghihintay bago dumating ang lalaking umupo sa tabi ko.

Sampung minuto... o baka nga higit pa.

Mabuti na lang at maraming puno sa paligid. Presko. Kung hindi, hindi ko na alam saan pa ako pupwesto. Medyo masakit pa rin kasi sa balat ang init ng araw bagaman at nagsimula na ang ber month. Pilipinas.

Muli akong sumulyap sa park entrance. Wala pa rin sya.

"May hinihintay ka? Or nagpapalipas lang ng oras?"

Napalingon ako sa katabi ko.

"I'm AJ. Sorry. Ang creepy yata ng dating ko. I'm usually like this when I'm nervous. And obviously, I am right now. I really need to talk para hindi ako mag isip ng kung ano-ano."

Pinagmasdan ko ang lalaki sa tabi ko. Mukha naman talagang ninerbyos lang sya. Halata sa butil ng pawis sa noo nya at sa mga palad nyang paulit ulit nyang pinagugulong sa kandungan nya.

"I'm Bea." Ngumiti ako. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, magaan ang loob ko sa kanya. "Waiting for someone?"

Hindi ako basta nakikipagkwentuhan sa estranghero pero sa sa kanya ay hindi ako nag dalawang isip na magtanong.

"Oo. Sana dumating sya." Ngumiti sya. Halata pa rin sa mukha nya ang pagkabalisa.

"Well, to answer your question earlier, yes. I am waiting for someone, too."

Ngumiti sya. Sabay namin binalik sa mga halaman ang mga mata namin.

"I don't know which is worse.. ang maghintay sa walang kasiguraduhan o yun sigurado kang wala ka nang hihintayin?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Depende. Kung sino mas mahal mo.. yun hinihintay mo or ang sarili mo." Sabi ko.

Mula sa gilid ng akinh mata ay nakita ko ang pagsulyap nya sa akin. Napatawa sya ng bahagya at muli ay tumingin sa mga halaman.

"Hindi ba ganun naman tayong lahat na nagmamahal? Kelangan muna natin maubos bago natin marealize na we have to love ourselves first. Kasi takot tayo sa what if. What if binigay ko ang lahat? What if naghintay pa ako ng konti pang saglit? What if dun sa sandaling sumuko ako, dun na pala yun sana na hinihintay ko? Ang hirap isipin ng what could've beens di ba? Na baka nakuha sana natin ang ending na gusto natin kung naghintay pa tayo. Kaya dapat ibigay mo lahat hanggang walang matira sa'yo. Yun kasi ang sukatan natin ng best di ba? Yun dapat ubos ka. That way, kaya natin sabihin na ginawa natin ang lahat. Wala na tayong pagkukulang. Wala tayong pagsisihan. Kasi pag hindi ka naubos, feeling mo hindi mo nabigay ang best mo.. feeling mo may mababago ka sana sa ending mo. Kahit hindi ka naman sure kung may magbabago nga ba or hanggang dun na lang talaga."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TB AnthologyWhere stories live. Discover now