CHAPTER 4

102 6 1
                                        

CLYDE

Nandito kami ngayon sa sala, isa-isa kong binato ng malamig na tingin sina Enzo, Ervin, Clint at si Thunder. Hanggang dito ba naman sa bahay makikita ko pagmumukha niya.

"What the hell are you all doing here?"

"Ano kasi, Commander...Hehe—huy! Ikaw na magsabi!" Rinig kong bulong ni Enzo kay Clint, napadako naman ang atensyon ko kay Clint na kinakabahang ngumisi sakin.

"Commander, yung ano kasi. Sabi daw ni ano na ano daw tayo kaya andito kami para anohin ka. Hehe." Kumunot yung noo ko dahil ni isa wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Puro ano, anohin ko to eh.

"Ano?"

"Ganto kasi, Commander. Nag announce kasi kanina si Ma'am Ferollino, may pa group presentation daw bukas. Tas magkaka-grupo tayong tatlo. Nakalimutan kasi naming sabihin sayo kanina dun sa practice." Paliwanag ni Ervin sa akin. Tumango lang ako sa kaniya tsaka bumaling kay Thunder na busy sa pagtingin sa album na hawak-hawak niya. Kinuha ko  ito sa kaniya kaya nasa akin na ang atensyon niya.

"What about you?" Sasagot na sana siya nang biglang lumapit si mama samin kasama si Apollo na may dala-dalang baso na naglalaman ng orange juice at inilapag ito sa harapan namin.

"Hi, Tita Lors!"

"Magandang gabi po, Tita."

"Thank you sa pa-juice, Tita."

"Hello, baby boys! Kamusta naman pag-aaral niyo?" Tumabi sakin si mama at pinalupot ang mga kamay niya sakin.

"Goods goods, Tita. By the way po, ang ganda po natin ngayon ah?" Sabi ni Enzo kay mama. Napailing nalang ako dahil nagsimula na naman ito sa pang-uuto kay mama.

"What did you say?" Biglang nag-iba ang tono ni mama. Bumitaw ito sakin at tinarayan ng tingin si Enzo. Kung kanina todo ngiti si Enzo, ngayon para siyang natatae.

"A-ang ganda nyo po ngayon, Tita?"

"So you're saying that I'm ugly yesterday?"

"H-hindi po." Napangisi nalang ako sa sarili at lumayo sa kanila. Sinenyasan ko muna si Thunder na sundan ako bago ako lumabas ng bahay. Lumapit ako sa may punong akasya at sumandal doon. Kinuha ko yung kahon ng yosi na nasa bulsa ko at kumuha ng isa. Inilagay ko ito sa bibig ko at pumikit habang pinapakinggan ang ingay ng mga maliliit na insekto na nasa paligid. Nakarinig ako ng mga yapak ng paa kaya napadilat ako at napatingin kay Thunder na naka tayo sa harapan ko.

"Do you smoke?"

"Nope. You smoke?" Tanong nito pabalik sakin. Kinuha ko yung yosi sa bibig ko at tinignan yun.

"Nah, I don't. I stopped."

"Then what's that? Why do you have those?"

"Metaphor." I saw how his brows furrowed. Muntik pangang mawala yung nunal niya sa noo dahil dun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rules of AttractionWhere stories live. Discover now