26

345 17 0
                                    

Nakatulala ako sa harap ng laptop ko ng ilang oras na. Kaninang umaga pa ako rito pero hapon na ay nakatulala pa rin ako. Wala pa ring trabahong nagagawa.

Nagpasya akong pumasok ngayon dahil ayokong manatili sa bahay dahil alam kong iiyak lang ulit ako. Kailan ba ako hindi umiyak simula ng mawala ang mga magulang ko? Walang araw ata na hindi ako umiyak.

"Ma'am?"

Walang buhay akong lumingon kay Maricel na nakasilip sa pinto.

"Napirmahan n'yo na po ba 'yung report na pinasa ko? Need na po kasi ngayon eh." Napakamot pa ito sa ulo niya.

Kumunot naman ang noo ko. "Alin ba rito?" Tinignan ko lahat ng report na hindi ko ginagalaw.

Inabot naman ito sa akin ni Maricel. Hindi ko na binasa at pinirmahan ko nalang.

"Thank you po."

Tinanguan ko lang siya at bumalik sa pagtitig sa laptop.

"Kaya n'yo po 'yan, ma'am." Nakangiti nitong sabi bago tuluyang lumabas sa opisina ko.

Kaya ko nga ba? Hindi ko alam.

Araw-araw namimiss ko sila.

Araw-araw hinahanap-hanap ko sila.

Araw-araw nagsisisi ako.

Araw-araw iniiyakan ko sila.

Pinahid ko ang luhang tumulo na naman sa aking mga mata. Wala akong matatapos na trabaho nito kung patuloy akong iiyak sa harap ng laptop ko.

Kinuha ko ang bag ko at napagpasyahang umalis nalang muna.

Dumiretso ako sa bahay ng mga mgulang ko. Bukas ang mga ilaw dahil kumuha ako ng care taker. Ayokong ibenta ang bahay at lalong ayokong pabayaan ito.

Nahiga ako sa sofa sa sala. Reminiscing the days I spent with my parents.

I cried again. I am so heart broken. My heart is broken into tiny pieces.

"Mommy, daddy...please tell me how to be okay, tell m how to accept and move on from this heartbreak..." I beg and cry.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nanatili sa bahay ng mga magulang ko bago ko naisipang umuwi.

"Where have you been?!" Nakakunot ang noo ni Aries na sinalubong ako sa pinto.

"My parents house." Walang buhay kong sagot at dumiretso na sa loob ng bahay.

sinundan naman ako nito. "Next time naman sabihin mo sa'kin para hindi ako masyadong nag-aalala. Ang aga mo umalis sa trabaho kaya sobrang nag-alala ako dahil ngayon ka lang umuwi. Ciello, sana naisip mo na buntis ka--"

I cut him off.

"Alam ko ang ginagawa ko Aries. Kaya ko ang sarili ko kaya huwag mo akong pakialamanan." I coldly said.

"What?" Hind makapaniwalang tanong nito.

"Ciello, I'm just concerned to you and to our daughter. Bakit nagagalit ka sa'kin? Alam ko kung ano pinagdadaanan mo and I told you to lean on me."

My eyes got teary again. "You understand me? You do? really? Kaya pala noong nakiusap ako sa'yo na bigyan mo pa ako ng dalawang araw para makasama ang mga magulang ko ay nagdesisyon kang bukas agad sila ilibing. Ganoon ka ba umintindi, Aries? Pwes, ayoko ng pag-intindi mo."

He look frustrated as he look at me. "Babe, I only did that because they need to go already. Kung hinayaan kita sa dalawang araw pa ay baka hindi na kaaya-aya pa ang itsura ng mga magulang mo. I only did that because I need to. You also need to accept and move on, babe and that is your first move."

Love At First ThrustOnde histórias criam vida. Descubra agora